Chapter 71 : Instant Regrets

215 5 0
                                    

Morgan's POV.

Dumating ang araw na aalis na ulit si Simon. At patuloy ko pa ring iniwasan si Kenzo. Kahit pa gustong-gusto ko pa syang makita at makasama.

"Patch" hinarang ko si Patch ng dumaan sya sa harap ko. Hindi nya na ako kinausap magmula noong pumunta sila Kenzo sa bahay.

"May kailangan ka ba?" Sarkastiko nyang tanong then nakangiting umupo si Sandy sa dining at pinapanuod nya kami.

"Okay, sige, magsasabi na ako ng totoo. Nagkita kami sa exhibit noon ni Kenzo pero wala lang yun. Sa katunayan nagulat din ako nang makita ko sila sa Hospital. At si Simon ang nag-invite sa kanila dito"pagpalaliwanag ko then tinignan nya ako.

"Best friend mo pa rin ba talaga ako?" Seryoso nyang tanong then tumango ako. "Morgan, ni minsan hindi kita pinahamak sa pamilya mo oh sa kahit na sino. Kung nagsabi ka sana sa akin ng maaga, matatanggap ko pa pero yung tinanong na kita tapos magsisinungaling kang di kayo nagkita, pinagmukha mo naman akong tanga. Hindi naman ako nagagalit dahil nagpunta si Kenzo dito ee. Ang kinakagalit ko lang yung pagsisinungaling mo. Malayo ang nararating ng kasinungalingan Morgan" mahinahon nyang sagot then natawa si Sandy kaya napatingin kami ni Patch sa kanya.

"Wala akong sinasabi sa kanya. Swear to God" pilyang sabi ni Sandy kaya naman ibinaling ni Patch ang tingin sa akin.

"Anung ibig sabihin ni Sandy? May dapat ba akong malaman?" Kunot-noo nyang tanong then agad akong umiling.

"Wa--la...wala Patch" uutal-utal kung sabi then napansin ko na si Simon sa hagdan dala ang maleta nya. Babalik sya sa Japan at hindi nya alam kung kelan sya makakabalik..

Para makaiwas sa mga katanungan ni Patch, lumapit agad ako sa asawa ko.

-------------

"Aalis ka? Akala ko ba sa makalawa pa!?" Tanong ni Patch sa asawa ko then ngumiti lang sya sabay niyakap ako.

"Nag-extend na ako ng vacation, and need to go back work. Or else masasayang lahat ng pinaghirapan ko" masaya nyang sabi then bigla-bigla ba namang dumugo ang ilong nya.

"Hon, are you okay!?" Nag-aalala kung tanong then tumakbo sa kitchen si Patch para kumuha ng tissue.

"Okay lang ako. It's normal Hon" nakangiti pa rin nyang sagot then dumating si Patch na may dalang tissue at isang basong tubig

"Hindi naman siguro delikado yang madalas na pagdurugo ng ilong mo dahil Doctor ka at alam mo ang kung anung nangyayari sa katawan mo diba?"natatarantang tanong ni Patch then tumango lang si Simon.

"Hwag kana kaya munang tumuloy. Nag-aalala ako sayo. Noong sunday kapa nagkakaganyan Hon" alalang-alala kung pagpigil sa kanya.

"Hon, I'm okay. Hwag ka nang mag-alala. Ang gusto kung gawin, mag-iingat ka lagi at maging masaya ka habang wala ako dito. Hwag kang pagpapakasubsob sa trabaho mo, OKAY?" Masiglang bilin ng asawa ko then hinadkan nya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Mabuti pa dalhin ko na lang sa Kotse yung ibang gamit mo Simon" pagbubulontaryong sabi ni Patch para makapag-usap kami ni Simon.

--------------

"Tandaan mo na wala akong pinagsisisihang minahal at pinakasalan kita Morgan. You are the reason kung bakit naging ganito ako kasaya. I love you forever" naiiyak nyang sabi then maharan nya akong hinalikan sa labi. Gumanti ako pero hindi yun sapat sa tingin ko.

Pagkatama ng mata namin ni Simon nakita kung umiiyak sya.

"Mahal din kita. Hey? Bakit ka umiiyak?" tugon ko sa kanya saka hinadkan nya ang magkabilang kamay ko.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon