♡ Chapter 32 ♡

283 19 0
                                    

|| Seulgi's POV ||

"Ang tagal naman nina Irene unnie, gusto ko nang manoud ng mga movies eh" rinig kong reklamo ni Joy na katabi ni Jungkook na nakaupo sa sahig.

Kumpleto na kasi kaming lahat dito sa sala, pwera lang kina Irene unnie atsaka kay V. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa kokote ng utak ni Jhope at naisip niya toh eh, pero sabagay. Namiss ko din yung bonding bonding naming lahat eh.

"Ganito nalang, habang naghihintay tayo kila Irene unnie. Maghanap nalang tayo nang mga movies na ipapanoud natin" sabi ni Wendy at naningin sa mga CD na nakalapag sa sahig, ganun din ang ginawa ng iba.

"Ano bang papanourin natin? Horror? Comedy? Romance?" Tanong ni Jin oppa kay Wendy.

"I dont know, pero kung ako yung tatanungin. Mas gusto ko yung horror eh" sabi niya sabay tingin kay Jhope na nasa tabi ko at ngumisi.

"Ano? Wag yung horror please, takot ako diyan" sabi ni kabayo at yumakap sakin, aba. Chansing toh ah?

"Ayaw mo nun? Kung matatakot ka, pwede kang yumakap kay Seulgi noona" rinig kong tawa ni Jimin at nag apir sila ni Jhope.

"Oo nga noh? May utak ka pala minsan kahit pandak ka" sabi niya at tumawa, nakitawa din sa kanya sina Jungkook.

"Atleast hindi siya mukhang kabayo, tsk" irap ni Wendy sa kanya kaya napatigil sa pagtawa si Jhope.

"Boom, hahaha. Yan kasi, wag niyo kasi akong aawayin kapag nandito si Wendy babes" sabi ni Jimin saka umakbay kay Wendy.

"Tsk, sige lang. Ganyan naman kayo eh. Seulgi, tayo na nga lang" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Anong tayo na lang? Tayo na nga eh" kunot noo kong tanong sa kanya.

Kumunot din yung noo niya at maya maya tumawa siya ng malakas, nakitawa din sa kanya sina Joy. Teka, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Bat kayo tumatawa? Wala pa ngang palabas tumatawa na kayo" rinig kong sabi ni V kaya napalingon ako sa kanya, kasama na niya si Irene unnie na basa pa yung buhok.

"Mabuti naman at nakababa na kayo Irene unnie, kanina pa kasi namin kayo hinihintay eh" sabi ni Yeri sa kanila nung makaupo na sila sa sofa.

Si Irene unnie, V, Suga, Jhope at ako yung nasa sofa. Tapos sina Jimin, Wendy, Jin, RapMon, Yeri, Joy at si Jungkook yung nasa sahig.

"Hehe, sorry na. Napuyat lang ako kagabi eh, ano bang papanourin natin?" - Irene unnie.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon