Chapter 1

9 3 0
                                    

Hello! Hope you like it.♥

******************************

Brittany Yana Garcia.

"Brittany!!!" sigaw sakin ni manang kaya napabalikwas ako ng higa sa kama.

At dahil sa kashungahan ko nahulog pa ako.

"Ang sakit ng pwet ko!Huhu." mangiyak ngiyak akong tumayo at nag-ayos ng pinaghigaan ko.

"Brittany Yana!Ano ba?!"
sigaw sakin ng kuya kong masungit.

"Eto na nga e nag-aayos na!" sigaw ko din habang hinihimas ko yung pwet ko.Sakit eh.

Pagbaba ko nakita ko si Kuya ang sama ng tingin sakin.Alam ko kung bakit masama tingin sakin niyan!Ayaw niya kasi nahuhuli sa school.Lalo na at first day of school.Sabi ko naman sa kanya mauna na siya pero ayaw niya.Gusto niya daw kasabay niya ko.

"Brittany nandyan kana pala!Halika kumain ka na.Pinagluto kita ng favorite mong fried chicken." sabi sa akin ni manang.

"Wow manang!Amoy palang po nakakabusog na!" masigla kong sabi.

"Ganon ba?Hala sige amuyin mo nalang pagkain mo baka sakali maubos mo yan ng inaamoy mo lang!" pambubusit sakin ni kuya.

"Hay nako.Kung babae ka lang kuya baka nakalbo na kita." pabulong kong sabi.

"Ano?!Anong sinabi mo?Narinig ko yun!" gulat na sabi niya.

"Hay nako narinig mo naman pala e bakit kailangan ko pang sabihin ulit?" nakasmirk kong sagot.

"AHHHH I HATE YOU!" sigaw niya at lumabas na ng bahay.

"Hahaha ang cute maasar ni kuya!"

Hay sa wakas nandito na kami sa tapat ng school.Di naman kasi kalayuan ang school.Kung tutuusin ay pwede naman lakarin.Tamad lang si kuya.

*Montello University*

"Kuya ang ganda ng school!" sigaw ko kay kuya na nasa driver's seat.

"Ano pang ginagawa mo?Bumaba kana!" sigaw niya.

"Che sungit!Mukhang singit!" sigaw ko at saka bumaba na ng kotse.

Pagkababa ko ay pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig.Kauhaw e.

Ang daming tao!Siksikan!May ano ba?

"Wahh ang pogi talaga ni William Montello!"

"Be mine oppa~"

"Kyahh i love you na William!"

"Pati paglakad niya ang cool!"

At dahil nacurious ako kung sino yung Will?Willie?Ano nga ba pangalan?

"Ahhmm kuya anong pangalan nung pinagkakaguluhan nila?" tanong ko sa lalaking katabi ko sa pilahan.

"I.Dont.Know." sabi niya sabay nagpasak ng earphone.

"Tssk!Ang sungit." sabi ko at tumungo na sa canteen.

Pagkatapos ko mamili ay uminom ako ng tubig ng biglang nagbell.Kaya tumakbo na ako.Hay 2nd floor pa yung room ko.At dahil nga shunga ako kakatakbo e may nakabungguan ako.Takte nako po!

"WHAT THE F!?" sigaw ng lalaki.

"So--sorry." sambit ko habang nakayuko.

"SORRY?!Binasa mo yung uniform ko!Tapos Sorry lang?Sa sorry mo ba matutuyo na uniform ko?" sigaw niya.

Nakita ko na maraming studyante ang nakapalibot sa amin.Maraming nagbubulungan.

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo para makita kung sino ang natapunan ko ng tubig.Pagtingin ko ay literal na napanganga ako.Siya?!

You Make Me SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon