Chapter 16 -- Wife's Distress

6.8K 88 3
                                    


Hindi alam ni Natalie kung pano ba siya nakauwi kagabi. Ang tanging natatandaan niya ay umiiyak siyang nagtungo sa bahay nina Ervic at hindi na niya maalala pa ang mga napag usapan nila. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hang-over.



Hindi naman makapag focus sa trabaho si Ervic. Iniisip niya ang mga nangyari kagabi. Ang totoo niyan, hinihintay niyang tumunog ang kanyang telepono at inaasahan niyang si Natalie yon, baka sakaling babanggitin niya ulit sa kanya ang mga sinabi niya kagabi.



Halos nangangalahati na ang araw pero wala pa ring Natalie na nagpaparamdam sa kanya. Hay ang tanga mo Ervic. Lasing lang talaga si Natalie kagabi kaya niya nasabi yon. Pero ang totoo ay umiiwas na siya sayo. Anang isip nito. Nang biglang nag ring ang kanyang cellphone habang nasa break time siya. Dali-dali niyang kinuha ito, nawala ang mga ngiti sa labi niya nang mabasa kung sino ang tumatawag. Sinagot niya ito. "O Carlyn, napatawag ka?" Malamya niyang tanong.


"Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo bakong kausap? O may hinihintay kang tawag?" Usisa ni Carlyn na nasa kabilang linya.



"Huh? Wala. Bakit ka nga tumawag?"


"Gusto ko lang sanang mag lambing. I love you, hon." Malambing na sabi ni Carlyn.



Kahit anong lambing ang gawin ni Carlyn ay tila wala ng epekto yun kay Ervic. Hindi na lumulundag ang puso nito tulad ng dati. Dati sabihan lang siya na miss na siya ng asawa abot hanggang tainga na ang ngiti niya. Pero ngayon wala na, wala ng spark.



"Mamaya kana tumawag, alam mo namang nasa trabaho ako. Sige na, bye." Sabay baba ng telepono. Alam niya napaka walang kwenta niyang kausap. At sigurado siyang nainis sa kanya ang asawa sa ginawa niya.



Natapos ang araw na wala ngang Natalie ang nagparamdam kay Ervic. Pagdating sa bahay, higa agad siya sa kama. Wala siya sa mood kaya matutulog na lang siya. 'Ni hindi na nga niya nagawang humalik sa pisngi ng asawa pagdating niya. Nag tuloy-tuloy lang siya sa kwarto pagkatapos siyang pagbuksan ng pintuan ni Carlyn. Nagtataka tuloy ang asawa niya kung bakit gano'n na lamang siya.


Sa mga araw na nagdadaan, aminado si Natalie na hirap na hirap na talaga ang kalooban niya sa mga nangyayari. Yung tipong parang hindi na niya makakayanan.



Super stress pa siya dahil sa trabaho. Iniintindi pa niya ang kanyang Dad na may sakit. Yung feeling na parang sasabog na ang kalooban mo dahil sa dami ng mga nangyayari.



Buti na lang at natapos na ang trabaho niya ngayon na hindi masyadong stressful para kay Natalie. Minadali na niya kasi ang mga photoshoot nung isang linggo pa. Tapos yung assisstant photographer niya ang pinaasikaso niya sa trabaho ngayon.



Nagsara na ang shop at umuwi na ang mga empleyado niya. Madilim na din kasi at gusto na niyang umuwi para ipahinga ang katawan. Hindi pa man niya nabubuksan ang pintuan ng kanyang kotse ng biglang may matalim na bagay ang nadikit sa kanyang katawan.



"Holdap 'to." Sabi ng isang mamang matangkad sa likuran ni Natalie, naka bonet at balbas sarado ito.



Nabigla si Natalie sa narinig. Pagkasabi pa lang ng holdap ay nanginig na ang buong katawan niya. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya pwedeng gawin dahil baka tuluyan siya ng holdaper. Wala pa naman masyadong dumadaan na tao sa parking lot na yun. Dahil nga umuwi na ang mga empleyado ni Natalie.



"Akin na yang bag mo." Utos ng holdaper kay Natalie. Na agad namang sinunod nito.


Ibig na ng kumawala ng mga luha sa pisngi ni Natalie. Ayaw niya sa mga ganitong eksena. Natatakot siya sa mga maaaring mangyari. Sa tanang buhay niya ngayon lang ito nangyari sa kanya.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon