Walang Iba (One Shot Story)

601 12 7
  • Dedicated kay my Best friend :)
                                    

"Kyaaaaaaaaa!"

Hindi magkamayaw ang mga babae habang dumadaan sa hallway ang gwapong gwapong heart throb na si Nathan.

"Ang gwapo gwapo niya talaga Jake nuh?" sabi ni Georgina sa kaibigan habang titig na titig kay Nathan mula sa loob ng classroom. Glass panel lang kasi ang nage-enclose sa mga classrooms nila.

"'Di din," sagot naman ni Jacob habang nakatingin din kay Nathan. Imbyerna kasi siya dito.

Tinignan ni Georgina ang kaibigan. "Ganyan ka naman eh. Lagi kang kontra sa 'kin," sabi nito ng nakasimangot.

Napatingin ito sa kanya. "Ha?!" sabi nito. Hindi niya kasi masyadong narinig ang sinabi nito dahil biglang nag-bell.

"Wala!" galit na sagot ng dalaga atsaka padabog na naupo sa upuan niya. Ang akala kasi nito nagbibingi-bingihan lang si Jacob dahil nga hindi ito sang-ayon sa kanya.

"Problema nun?" nasabi nalang ni Jacob atsaka naupo sa upuan niya.

Ganyan silang magkaibigan. Hindi pwedeng lumipas ang araw ng hindi sila nagbabangayan o nag-aasaran. Minsan may isang magagalit o magtatampo. Away ngayon pero mamaya bati na rin sila. Muntanga lang. Minsan lang kasi sila magkasundo sa isang bagay.

Lunch break.

Papunta ang magkaibigan sa canteen.

"Pasta tayo, ah!" sabi ni Georgina sa kaibigan.

"Ayoko. Magka-kanin ako eh."

"Pasta na tayo dali! Masarap kaya pasta."

"Ayoko nga sabi! Ikaw nalang kung gusto mo!" medyo may pagkayamot sa boses ni Jacob.

"'Di wag! Bakit kailangan mong magalit?!"

"Hindi ako galit."

Nang nasa canteen na sila, magkahiwalay sila ng pinilahan dahil nga magkaiba sila ng kakainin.

Nang matapos umorder si Jacob tumingin sya sa pila ni Georgina at nakita niyang medyo mahaba pa ang pila dito.

"Una na 'ko sa mess hall," sabi nya dito. Tumango naman ito bilang sagot.

Dahil nga nakatingin si Jacob kay Georgina, "tumingin ka nga sa dina-daanan mo!" sabi ng lalaking nakabanggaan nito.

Nilingon niya ito. "Tumingin ka din sa dina-daanan mo!" sagot naman niya atsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Hinawakan siya nito sa braso. "Ano ba?!" yamot na sabi ni Jacob.

Bukod kasi sa muntik na niyang mabitawan ang tray na hawak niya, imbyerna din sya sa heart throb na ito. Si Nathan.

"Pare wag mo nalang patulan yan," awat ng kasama ni Nathan dito.

Bumitaw na rin ito sa braso ni Jacob kahit inis siya dito dahil kung anu-ano pa ang inasal nito imbis na mag-sorry sa nangyari.

"Tss," ismid nalang ni Jacob at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang mess hall.

Halos ubos na ang pagkain ni Jacob nang dumating si Georgina sa mess hall. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harapan nya.

"Tagal mo. Tapos na 'ko oh," pambungad ni Jacob.

"Tapos eh anong tawag mo dyan, dre?" tinuro ng dalaga ang natitirang pagkain ni Jacob. "Haha! Uy, may iku-kwento pala ko sayo Jake," excited na sabi nito.

"'Nu yon?"

"Alam mo ba-"

"-Hindi ko alam," pagputol nito sa dalaga.

Hinampas niya ang balikat ni Jacob. "Aray!" alma naman nito at hinimas ang nahampas na balikat.

"Tadyakan kita jan eh! Makinig ka muna pwede?!" at pinagpatuloy nito ang pagku-kwento. "Nakatabi ko si Nathan sa pila kanina! *Mahinang tili* Tapos-"

Walang Iba (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon