Chapter 57: Surprise!

89 4 0
                                    

Rebecca's POV

"Kilala mo ba si Dennis? Dennis Mendes?" Ako

Yan agad ang pambungad ko sa pagtawag ni TJ sa akin.

Matagal siyang hindi nagsalita.

"TJ!" Ako

"Oo. Kilala ko siya." TJ

"So kilala mo na pala ako noon pa lang? Hindi lang dahil sa text kundi dahil magkaibigan rin tayo noong mga bata pa lang tayo?" Ako

"Hindi ko alam na ikaw ang kaibigan namin ni Dennis noong bata pa kami. Hindi ko na matandaan iyon kasi mga bata pa lang tayo. Nagulat na lang ako nang biglang may dumating jan at nagpakilala sayo na Dennis ang pangalan. Hindi ko alam na si Dennis pala na kaibigan ko yan. Naging magkaibigan tayo noon dahil kay Dennis. Dinala niya ako noon sa bahay nila at sakto naman andun kayo ng pamilya mo. Naging magkaibigan tayo pero hindi kita laging nakikita kasi minsanan lang kayong pumupunta sa bahay nila kaya nakalimutan na kita lalo pa nung umalis sina Dennis. Naisip ko noon na wala ng chansa na makikita pa ulit kita. Nagulat na lang ako nang tumawag sa akin si Dennis nung college pa lang ako at sinabi niyang uuwi siya dito sa Pilipinas para hanapin ka. Nung una nalito pa ako kung sino ang hahanapin niya hanggang sa maalala ko ang babaeng kaibigan namin. Hindi ko alam na ikaw pala iyon. Ngayon ko lang nalaman." TJ

Ganun pala yun. Bakit hindi ko maalala?

"Bakit hindi ko kayo maalala? Bakit naalala pa ako ni Dennis?" Ako

"Matagal na kasi kaya siguro nawala na sa isip mo. Sa tingin ko naalala ka pa ni Dennis kasi may pinangako siya sayo." TJ

"Ang pakasalan ako." Ako

Tahimik si TJ.

"At ikaw ang best man." Dagdag ko pa

Napabuntong-hininga ako.

"Alam niya ba na nililigawan mo ako?" Ako

"Hindi." TJ

"Anong plano mo? Paano kung malaman niya na ang babaeng pinangakuan niya noong mga bata pa sila at ang babaeng nililigawan ng kaibigan niya ay iisa lang pala?" Ako

Hindi sumagot si TJ.

"Isusuko mo na lang ba ako?" Ako

Nalungkot ako.

Paano kung ipaubaya niya ako sa kaibigan niya gaya ng mga napapanood ko sa drama?

"Hindi!" TJ

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi kita isusuko, Ree. Mahal kita at hindi yun magbabago!" TJ

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Pero alam kong hindi mahirap mahalin si Dennis. Kaibigan ko siya kaya kilalang-kilala ko na siya. Mabait at gwapo rin si Dennis. Pwedeng mahulog ka sa kanya habang ako ay wala sa tabi mo." TJ

Napasimangot ako.

"Nasasayo lang ang desisyon, Ree. Basta lagi mong tatandaan na mahal kita." TJ

Biglang nag-end ang call.

Napatingin ako sa wallpaper ng phone ko.

Ako at si TJ ang nasa photo.

"Mahal rin kita, TJ." Bulong ko

Tristan's POV

Ngayong nakabalik na si Dennis sa Pilipinas, gagawin na niya ang pangako niya.

Pero iisa lang pala ang babaeng mahal namin.

Natatakot ako na baka mahulog si Ree kay Dennis.

Gusto ko na talagang umuwi pero hindi pwede kasi alam kong magagalit si Ree pag umuwi ako na hindi pa tapos dito sa France.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon