CHAPTER 2
"ANG SIMULA"
(Isang bagong araw ang dumating sa buhay ni Kenyah na pilit nyang kinalimutan ang mga pangyayari sa resort , Pati ang kanyang mga ka grupo ay kinalimutan na ang lahat.)
.
.
.
November 6, 2013 simula na naman ang pasokan ng isang Unibersidad na pinapasokan ni Kenyah.
.
.
(Samantala sa Bahay ni Kenyah) RIIIIIINNNGGGG!!!! tumunog ang alarm clock ni Kenyah sabay patay nito sa alarm clock " Ang ingay naman nitong relong ito!!" bumangon bigla si Kenyah at nakatayo ito sa harapan ng salamin sabay sabi " ang gwapo ko talaga!" sabay tawa nito sa sarili "HAHAHAHHA". Napa isip bigla si Kenyah sa nangyari sa resort di sya mapakali dahil sa sinasabi ng matanda "Baka hindi yun totoo, baka pinatitripan lng ako ng huklobang yun, Pero sabagay di naman ako naniniwala sa mga ganyan". Pumunta agad si Kenyah sa banyo dahil late na sya sa first class nito.
.
.
.
Habang naglalakad si Kenyah patungo sa classroom nya biglang may umakbay sa kanya "AAHHH SHHIITT kaw lng pala Grace" sabi ni Kenyah na tila gulat. "Kamusta ka na?" sabi ni Grace na concern kay Kenyah. " Ok lng ako, wala namang nangyari sa aking masama" mayabang na sagot ni Kenyah. (RIIIINNNNGGGGG!!!) "bell na pala!!" sabi ni Grace."Tara nah!" sagot naman ni Kenyah. Dali-daling tumakbo ang dalawa sa kanilang klase. Pag ka dating ng dalawa sa classroom biglang nag kanchawan ang lahat dahil bukas ang zipper ni Kenyah "San kayo galing ha?" pabirong sabi ni lara kay kenyah. "Wala !!!!" nahihiyang sagot ni kenyah at eh sinara nya ang kanyang zipper. Sa gitna ng kanilang pag tutuksohan. Bigla namang dumating ang kanilang teacher at sinimulan na ang klase nila.
.
.
.
Seryosong nakikinig ang lahat sa kanilang teacher. Maliban kay Kenyah na medyo naantok pa. "HAAAYYY ang Boring namang Titser na ito.... na ka mic na nga para na namang bubuyog, siya lng ang nakakarinig sa boses nya!" sabi naman ni Kenyah sa kanyang sarili. Nakatingin si Kenyah sa may kurtina ng biglang may parang tao naka tayo sa likod ng kurtina.... nagulat ito sa nakita nya at pasimpling tumayo at nilapitan ang kurtina. Pag katingin nya sa likod ng kuritna, wala namang tao. "KENYAH ANONG GINAGAWA MO DYAN??" tanong ng teacher."AHHH wala po... may lamok lng ho, pinapatay ko lng?!!" pabirong sagot ni Kenyah..... Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Kenyah at bumalik na ito sa kanyang upuan.... iniisip nya parin ang nakita nya.."Ano kaya yun?? baka gutom lng ito?!!" pabirong sabi ni Kenyah.
.
.
.
(PAGKALIPAS NG ISANG ORAS TUMONOG ANG BELL!!!!).
.
.
.
RIIIIIINGGGGGG!!! "AHHH salamat tapos narin ang walang kwenta na klase na ito" Diwa ni Kenyah
.
.
..
(PAGKALIPAS NG ILANG ORAS NA TAPOS NA ANG KLASE NYA SA UMAGA)
.
.
.
(LUNCHTIME)