Chapter 41

3.5K 106 12
                                    


Hindi pa man humuhupa ang paghuhuramentado ng puso ko ay naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap ng kung sinumang humila sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makilala kung sino iyon. But i think, heaving a sigh is a bad idea!

That manly scent of him attacked my nose again. Agad na lumipad ang kamay ko sa bibig ko dahil pakiramdam ko umiikot na naman ang sikmura ko pagka-amoy ko doon.

Ganito ba talaga kapag buntis? Masyadong sensitive? Geez! I'm feeling so sick right now!

"Oh God, Melissa! Don't get lost again! You're freaking the hell out of me!" nag-aalang sermon ni Mark habang nakayakap pa rin siya akin ng mahigpit.

Kumalas lang ito ng maramdamang halos hindi na ako makagalaw at hindi na makahinga.

His musk scent linger in my nose and i couldn't help but to suppressed myself to vomit!

Tumango lang ako habang nakapikit at nakatakip pa rin sa aking bibig.

"Hey? Are you...okay? Namumutla ka."

Dumilat ako at nakita ko na bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.

Medyo magulo ang buhok niya at gusot gusot rin ang white polo na suot niya dahil na rin siguro sa kamamadali sa pagsuot niyon. He's topless when I left him in the suite, that's why I know!

Sinubukan kong alisin ang sama ng pakiramdam na nararamdaman ko. Nag-inhale exhale ako ng pasimple bago sumagot sa kanya.

"I-I'm okay.. Balik na lang tayo sa suite." sabi ko habang pinapatatag ang sarili ko. Halos nakalimutan ko na ang lalaking kanina lang ay nagpakilabot sa akin.

Asan na kaya 'yun? Sana hindi ko na ulit makita ang lalaking iyon. Aatakihin ako sa puso kapag nangyari pa ulit 'yon. Sana lang talaga wala pa siyang nabiktima o mabibiktima!


Should I tell to Mark about that Creepy Guy? Pero lalo lang siyang magagalit at mag-aalala para sa akin kaya minabuti kong itago na lang iyon.

Tumango siya at nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko saka ako tinangay.

Hinayaan ko na lang siya at nagpatangay na rin. Habang naglalakad ay naaninag ko ang mukhang niyang nalukot at parang may malalim na iniisip.

Is he mad because i disturbed him from his sleep? or is he disappointed at me?

"Mark.. I'm Sorry." agaw ko sa pansin niya nang makasakay na kami ng Elevator.

Mabuti na lang at humupa na at nawala na sa pang-amoy ko ang pabango niya. Medyo nabigla lang siguro ako kanina kaya naging sensitive na naman yung pang-amoy ko.

"About what?" aniya na hindi ako nililingon. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Mas gugustuhin ko pang prangkahin niya ako kaysa manahimik ito dahil hindi ko kayang manghula ng iniisip ng isang tao.

"Kung.. nakaabala ako sa'yo." natawa ako sa katangahan ko. Nakakahiya talaga!

"Pasensya ka na kung naperhuwisyo pa kita. I just want to explore the hotel pero dahil sa katangahan ko hindi ko na natandaan pa ang daan—"

"Stop insulting yourself. Just don't try to go out again without me. Kung gusto mong mamasyal, I am here. I can always accompany you. I mean, we are partners here. Kargo kita at ako ang mananagot kapag may nangyari sa'yong 'di maganda dito." putol niya sa sinasabi ko.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon