Ground Zero (One Shot)

2K 53 26
                                    

Ground Zero

By: Howfishylifeis

Characters:

Ayuri as herself

Choi JunHong / Zelo  as Zero

Jade as herself

L .joe as Pareng L.Joe XD

Ricky as Pareng Ricky XD

---------------------

Ayuri's POV

Mayaman, maganda, sexy daw, matalino, lahat na daw ng magagandang katangian ng tao ay nasa akin. Yun ang sabi ng mga kaibigan ko. Ano pa ba ang kulang?

"Teh, bakit di ka pa kaya magboyfriend? You're old enough na naman eh." Sabi ng friend kong si Jade. Habang nilalaro yung straw ng bubble milk tea nya.

Humigop ako sandali sa aking inumin at tumitig sa kanya ng masama. Sakto naman at medyo naubo-ubo siya. Nagets ata nya ang gusto kong ipahiwatig.

"Friend naman! Not that look! Mukha kang gangstah!! May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ni Jade. At ako pa tinanong nya kung may mali o wala?

"Meron." Diretso kong sabi. "Wala ako sa mood magkaroon ng relationship eh. You know my past na naman di ba?" Yes. Speaking of. May past relationship ako. Dun sa Clayne Fontiera. Sarap isalampak ng mukha nun sa sahig eh. Ipagpalit pa naman ako dun sa malanding cheerleader ng University? Peste!

"Aww. Yah. I remember. Iniyakan mo nga yon di ba? And naalala ko pa nun na hindi ka naligo for three..."

Sumabat agad ako at hindi na nya natuloy ang sinasabi nya, "Ayoko nang marinig yan okay? Past is past!"

"Stick to the present and face the future.. blah blah blah. Ewan ko lang sayo sis ah. Why not look for a guy na? Di ka pa din ba makamove on sa Clayne Fortuner na yon?" Ako naman ang siningitan nya.

"It's not Fortuner. Ginawa mo namang sasakyan si Clayne! Fontiera.."

"And nagawa mo pa siyang ipagtanggol? May nararamdaman ka pa ba din sa kanya hanggang ngayon?"

"Minsan naman kasi, wag mong lagyan ng meaning yang mga pinagsasabi ko. Kinocorrect lang naman kasi kita." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Okay okay! Fine. Hands up! Pero sa mga nanliligaw sayo, wala ka pa din bang nagugustuhan?" Ang kulit din kasi ni Jane. Sinabi nang gusto kong maging zero muna ang lovelife ko at wala akong iisiping iba, pero ayaw nyang zero lang ang lovelife ko.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo?" I asked her.

"Yeah. Nung tinanong kita kung kamusta crush mo.. ang sagot mo pa nga eh 'eto, zero.' Grabe. Wag ka naman sanang tumandang dalaga." Sabi ni Jade. Lintek na! Sino ba naman ang gustong tumandang dalaga? Ayoko din naman non! Hintay-hintay din kapag may time.

"I know, I know." Sagot ko sa kanya.

"Miss excuse me." Lintek na waiter.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tapos na po kayo sa iniinom nyo po?" Tanong nya.

"Oo bakit? May reklamo ka?" Tanong sa kanya ni Jade.

"Huy! Wag kang hard." Bulong ko sa kanya.

Ngumiti si kuya waiter. Medyo cute siya infairness. May hawig ata siya dun sa member ng teen top ba yon? Alam nyo ba yun? L....L... basta may L yung name. Hahaha!

Ground Zero (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon