Gumising para kay Tatay

1.2K 1 0
                                    

Ama sa Anak, Anak sa Ama, isang butihing Ama na kayang ibigay lahat para sa kanyang Anak, at isang Anak na naligaw ng landas isang Alibughang Anak na bulag at bingi sa lahat.

Dito iikot ang ating kwento nakakasawa na kasi ang puro love story na happy ending at sad ending eh maiba naman.

Minsan masyado tayong panatag sa ating buhay dahil alam natin  na mayroon tayong Ama na magaayos ng bawat gulo na atin papasukin, panatag tayo kasi alam natin na hindi nya tayo kayang tiisin at hindi tayo pababayaan sa lahat ng pagkakataon, pero minsan ang masyado natin pagiging panatag ang nagiging dahilan din kung bakit tayo nagiging bulag at bingi sa realidad at nalilimutang suklian ng maganda ang tunay at wagas na pagmamahal na sa kaniya lang natin tunay na mararanasan.

Labis na kasiyahan ang naramdaman ng ating mga Ama ng iniluwal tayo ng ating Ina s mundong ito, walang paglagyan ang kanilang kasiyahan sa tuwing hawak sa kanilang mga bisig ang munting anghel at halos lumundag ang kanilang puso sa pananabik na makitang lumalaki ang bunga ng isang wagas na pagmamahalan, wala siyang ibang hiling kundi lumaki ng may takot sa Diyos, may magandang asal at busog sa pagmamahal ang kaniyang anak, ang nais lamang ng ating Ama ay ang makakabuti para sa kanyang anak at hindi nya nanaisin na ito ay masaktan at mapasama

Habang tayo ay lumalaki ay marami tayong natututunan, may maganda, may pangit, may tama at may mali. Sa bawat maganda at tama na nakikita  ng ating Ama sa atin ay sinusuklian nya iyon ng regalo pwedeng pagkain, laruan o pagpunta sa isang lugar na gustong gusto natin, ang tanong sa lahat ba ng pagkakataong ito ay nararamdaman natin ang reward mula sa ating Ama dahil sa mabuting ginawa natin o mas binibigyan natin ng pansin ang masasarap na pagkain, magagandang laruan at kaakit akit na lugar kaysa sa mapansin ang pagmamahal na mula sa ating Ama.

Pero sa twing makakagawa tau ng pangit at mali sa twing napapagalitan tayo at napapalo dahil sa isang pagkakamali ay ramdam natin ang tampo at galit nagkakaroon ng hinanakit sa ating mga puso mas  nabibigyan natin iyon ng pansin kaysa isipin na ang pagpalo nila ay bunga lamang ng kanila kagustuhan na malaman natin ang ating pagkakamali dahil tayo ay kanilang mahal at ayaw na maligaw ng landas. Alang Ama na nanaisin na lumaking masama ang kaniyang Anak, hindi nila gugustuhin na tayo ay maligaw maging baluktot ang pananaw sa realidad ng buhay, alang Ama na gustong makita ang kanilang Anak na tumatahak sa maling landas habang binabalot ng kadiliman ang buong nitong katauhan

Pinag-aral tayo ng ating Ama para tayo ay matuto, magkaroon ng matibay na pundasyon sa ating buhay na magagamit sa ating paglaki. Mula sa dugo at pawis ng ating Ama ang bawat salapi na kanilang inilalaan para sa atin, nakahanda silang maghirap mapunan lamang ang ating mga pangangailangan, nakahanda silang tipirin ang kanilang sarili para lamang sa ating mga kagustuhan at para sa ating kinabukasan. Naiisip ba natin ang sakripisyo ng  ating mga Ama para lang tayo ay mabuhay, kumain ng masasarap tatlong beses sa isang araw, mabigay lamang ang ating mga layaw at magkaroon lang tayo ng matibay at magandang kinabukasan. Salamat sa lahat ng mga Ama na nakahandang magtiis para sa kanilang mga Anak,  salamat sa mga Ama na labis kung magmahal sa kanilang mga Anak, salamat sa mga Ama na laging andyan sa twing tayo ay may problema at laging nakaagapay sa ating paglaki at salamat sa mga Ama na nagbibigay ng matibay at magandang kinabukasan sa kanilang mga anak. Kaya nila tayo pinagaaral ay hindi para sa kanila kundi para sa atin nais nila ang magandang kinabukasan para sa atin, nais nila na lumaki tayong matalino at may alam kung paano natin haharapin ang bukas dahil edukasyon lamang ang nagiisang maipapamana ng ating Ama sa atin na kailan man ay hindi mananakaw at hindi mawawala. Sana lang sa lahat ng sakripisyo ng ating Ama ay nasusuklian natin ng tama, sana naman sa lahat ng pagkakataon ay naiisip natin na ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa atin, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maliwanag ang ating mga kaisipan, minsan kung kailan tayo lumaki doon pa tayo nagiging manhid, bulag at bingi sa tunay na pagmamahal

Buhay paaralan, notebook, papel, lapis at ballpen naging mabuting magaaral ba tayo? kailan saan at paano?. Nakahanda ba tayong pumasok ng walang bagong bag, sapatos at mga gamet? nakahanda ba tayong pumasok ng walang pabaon na pera maglakad hindi kumaen pag break at hindi makasama sa mga masasayang activity ng paaralan. Pero lahat ng yan ay hindi nanaisin ng ating Ama na maranasan natin ibibigay nila lahat para sa ating kinabukasan at kahit pa buhay nila ang kapalit ay gagawin nila maibigay lang nila ang lahat ng ating mga pangangailangan. Pero bakit natin nagagawang hindi pumasok sa halip mas gusto ang mag gala sumama sa barkada at uminom, niloloko na nga natin ang ating magulang sinasayang pa natin ang kanilang sakripisyo, wala silang masamang nais para sa atin ang gusto lang nila matuto tayo pero mas nais pa natin na balewalain ang ating edukasyon para lang sa ating pansariling kasiyahan, naisip muna ba na sa bawat paghitit ng sigarilyo at paginom ng alak ay dugo at pawis ang nilaan ng ating Ama para sa pera na iyong nilulustay sa maling paraan na dapat ay para sa iyong pagaaral, nakahanda ba talaga tayong pabayaan ang ating pagaaral para lamang sa bisyo at layaw, kapag ba nakatapos tayo para ba iyon sa magulang natin 'hindi' iyon ay para sa atin,  para sa ating hinaharap. Pwede nyong sabihin sakin na kaya nyo naman makatapos kahit may barkada may lakwatsa may sigarilyo at inom, pero hindi nyo pwedeng sabihin sa akin na nanaisin ng isang Ama ang ganyang klase ng buhay magaaral, at huwag na huwag nyo sasabihin sa inyong Ama na ang diploma na inyong makukuha ay hindi nyo naman inilalaan para sa kanya dahil mas masakit pa iyon sa lahat ng sugat na maaaring maramdaman ng isang Ama. Bakit kung kailan tayo nagkaisip at lumaki doon pa tayo naligaw, nakakalungkot na sa bawat halakhak na ginagawa natin sa maling paraan ay pagiyak at masakit na hikbi mula sa ating Ama

Hanggang sa matutong gumamit ng pinagbabawal na gamot nagpalamon sa maling sistema, lumakad sa baluktot na landas at hinayaan na tayo ay maligaw ng tuluyan. Naglayas, lumayo at iniwan ang Ama na nagiisa nagpakasaya sa maling gawain hanggang sa malunod sa kumunoy at hindi na makaalpas pa paalis kahit pa na gustuhin. Nanatili sa madilim na mundo walang  pakialam sa bukas walang pakialam sa buhay, hindi man lang maisipan na puntahan o silipin ang iniwan na Ama na patuloy na naghihintay ng pagbabalik ng Anak na naligaw. Ang Ama na nanalangin, naghihintay na Anak ay bumalik muli syang halikan at yakapin muling makasamang kumain at matulog  at makasama sa lahat ng pagkakataon. Kailan tayo magigising sa isang malagim na bangungot pag huli na? pag ala na tayong babalikan?

Nasabihan na ba natin ang ating Ama na mahal natin sila, muli ba natin naparamdam sa kanila ang ating pamamahal?. Sa mga bf/gf natin madali natin nasasabi ang salitang 'i love you' bakit pagdating sa kanya hindi natin magawa bakit hindi natin maiparamdam. Kailan tayo magigising kapag huli na ang lahat, kapag wala na sila? habang andyan humingi na tayo ng patawad sa lahat ng kasalanan na ating nagawa habang andyan pa sila iparamdam natin na mahal na mahal natin sila iparamdam ninyo ang pagiging Anak na hindi ko nagawa sa aking Ama :-( . Wag natin sayangin ang pagkakataon dahil pag sila ay nawala lumuha man tayo ng bato magsisi man tayo at maglulupasay ay hindi na nila maririnig ang salitang 'mahal kita' at 'patawad'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gumising para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon