“FRIDAY THE 13TH”
Friday the thirteenth kung sabihin
Isang Araw na kinatatakutan natin
dahil sa paniniwalang baka malasin
na isa naman sa araw na blessing satin
Bakit nga ba daw ito ay malas?
My history bang my swerteng tumakas?
o my istorya bang my nang-ahas?
Ano ba ang dahilan, alam mo ba Balagtas?
Sabi ng iba, malas o swerte, ang araw na ito
Kung malas, tanggapin na lang siguro
Kung swerte, masaya ka panigurado
Ganyan ang araw minsan hindi perpekto
Sa ngayon dobleng ingat ang kailangan
Ingat na lang kesa magsisi sa hulian
Magdasal na rin para sa kapakanan
Ngumiti, para araw ay tamang nasimulan
Isipin mo na lang ordinaryong araw to
Kesa naman matakot at masiraan ka ng ulo
Wag mapraning napakarami nating tao
Laban ang iisang araw, tiwala, ito ri’y susuko
tama naman kasi, mind over matter
If you don’t mind, it doesn’t matter
numerator over denomitor ang proper
denominator over numerator, improper
Parang math lang yan
don’t make the easy one, complex kaibigan
But make the complex one, easy, yan ang kailangan
Kaya nga my simplest form na sikat sa lipunan^^
>>>>by: emz from 1:48 am - 2:08 am, Sept 13, 2013