Chapter 1 - Pt 5 John Green killed Gus

24 0 0
                                    

Habang nasa kwarto, nag-iisip na agad ako ng plano kung paano maaiwasan ang hapunan. Hindi pa nga ako nakabihis. Nkahilata at nakatitig lang sa kisame. Hindi ako diet. Diet ako hindi. Ano daw?!

Excited na ko talaga basahin ulit yung libro. Naririnig ko na yung pagtawag ng libro sa side table ko.

Cinderella, basahin mo na ako. I know you want me. Hihihihihi 

Ge ang abnormal mo lang Ella. Epekto nung picture ni Adam. Kelan kaya bibitawan ni Philip yun? Aarborin ko yung magazine.

"Nasa kwarto padin si Ate, Mama." sumbong ni Beast. Sumbong na ba yun? Sinasabi nya lang naman an andito na ako eh. 

Pero ayoko nga na malaman ni Mama na andito lang ako nagkukulong sa kwarto. Uutusan nya ko maghain. Tamad forever <3 Atsaka gusto ko muna maumpisahan yung libro. Konti nalang matatapos ko na to eh. Tapos tsaka ako ----

"Maghain ka na agad Cinderella." Langya. Yan na agad utos ni Wicked Mother -_____-

"Opo" Wicked Mom. 

Dalidali na akong tumakbo para mag bihis. Pag tinagalan ko malamang mag hihisterikal nanaman yun. Parang yung stepmother nga ni Cinderella. Ano nga pangalan nun? Siguro kapangalan ni Mama yun. Tremaine. Di ko pa nasearch eh. 

Nga pala. Nakauwi na kaya si Ish? Naka-silent nga pala yung cellphone ko. 

Woot. Ang chicks ni Mam Math403. Pero mas chicks si Ella. Magcocompute daw eh :)))) Got home fellas. Text me up ** - GM ni Shane

Thank God for this wonderful day. Ish asan ka na? update girl. - Kay Shane

Parang Mama Mary talaga si Shane. Lol. Pag kasama namin yun, nakakahiyang gumawa ng kalokohan.

Anim pang GM ang galing sa mga kaklase kong iba. Ajejejejejejejeje. Ang jeje nila. 

"Ate. Gutom na koooooooooooo!" Arghhh. Napakademanding ng halimaw na yun. Pansin nyo din? Puro sigaw lang sya dito sa kwento? Yeah. Si Philip ay isang dakilang ekstra sa kwento ko. Medyo kontrabida yung role nya.

Di na ko sumagot. Tapos na rin akong magbihis. Inilabas ko nalang yung libro.

"Wait for me here baby." Sabay halik sa libro. Ang sweet ko no? >:)

Sa libro lang. At ngayon, lamesa naman ang haharapin ko. Nakakahiya naman kase sa mga amo ko e no?

"Mam, Sir. Nakahanda na po ang pagkain nyo." Hahaha. Pag wala ako sa mood, eto talaga pang-asar ko sa kanila. Para naman ramdam nilang binubwiset nila yung plano ko for tonight.

Pumasok si Philip na suot ang ngiti nyang salamat-alipin-mamaya-ulit.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Baka masapok ko lang to eh. Alam ko naman sya ulit kakampihan. Baket ba kase ang ampeyr ng buhay dito? Tamad din naman sya pero ako lagi pinupuntirya ni Mama. Babae daw kase ako. Sana naging lalaki nalang ako. Wala namang pinagkaiba.

Panganay ako. Dapat may karapatan din ako mag-utos sa nakababatang kapatid diba. Tsss.

---------

Philip's Point of View

Sarap ng luto ni Mama ah. Mapaparami nanaman kakainin ko nito. Ang tamad talag nyan ni ate. Maghahain at maghuhugas nalang ng pinagkainan aarte pa. Si mama naman nagluluto. Ako naman kumakain. Ano bang problema nya?! Mahirap maging tagakain no. Baka mamaya may lason o kaya hindi masarap yung niluto ni mama, ako magsa-suffer.

Tinola. Uyyyy. Maypeyburit :3

---------

Cinderella's POV

Sa wakas tapos na sila kumain. Yung mga tingin ni Beast nakakabiswet padin eh. Parang gusto kong tusukin mata ng hinayupak na to. 

After 23 minutes.

23 minutes talaga ako naghugas ng plato at linis ng pinagkainan, mop ng kusina. Sobrang hirap hirap namin, ako nalang ginagawang katulong dito. Buti nalang tatlo lang kami. Hiyang hiya naman ako. Manager yung tatay ko sa bangko tapos yung panganay at unica hija nya yung kasambahay nila. What a life!

Nadedelay tuloy ako sa pagbabasa. 

Eto na ....

*1 hour later ...*

*2 hours later ...*

*3 hours later...*

*4hrs later ...*

*4 hours and 56 minutes ...*

"I am so lucky to have her, Van Houten. You don't get to choose if you get hurt in this world, old man, but you do have some say in who hurts you. I like my choices. I hope she like hers."

"I do, Augustus. I do."

*%^#@%@#&! Namatay si Gus. Namatay sya T______________________T

Di ko mapigil yung luha ko. Bakit sya namatay!?! At si Hazel, gagaling ba sya? Dapat di sya namatay. Sya lang yung nagturo kay Hazel lumaban. Sya lang yung kinapitan ni Hazel. Paano na ngayon?! Gus wahhhhhhhhhhhhhhhhh T________________T

Pinatay sya ni John Green! Gaya ng ginawa ni Van Houten sa libro nya. Pinatay nya bigla yung bida. Sumulat din kaya ko kay John Green?! Dapat di nya pinatay si Gus.

Tragedy. Tragic love. Tragic life.

Pakakalmahin ko muna sarili ko. Di ko mapigil maghagulgol ko eh. Mayamaya makakatulog din ako. Ayoko ng ganung love story. Hindi fairytale eh. Sad yung ending. Ayokong dumating yung time na iiwan ako ng taong mahal ko ng permanente. Kung iiwan nya ako tapos sasama say sa ibang babae, okay lang. Basta wag ganun. Masakit na reyalidad yung kamatayan. Pero hindi pa talaga ako ready dun. Hindi ko pa nag din nahahanap Knight in Shining Armor ko eh. Ay nahanap ko na. Kaya lang baka hindi nya alam na ako yung prinsesa nya. Hindi pala BAKA. HINDI TALAGA.

Makikita ko kaya sya sa personal? AS IF.

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon