Last kiss

1.2K 88 66
                                    

Pakiplay yung nasa mm hihuz. Ge hihi.

Last Kiss
a junhao oneshot

Umupo ako sa sahig sa may tabi ng bintana.

Three months after we broke up.. Wala parin, mahal ko parin siya.

"Junhui, let's break up... Please. Ayoko na. Hindi na ako masaya."

Mapakla akong napangiti nang maalala yung mga sinabi niya nung gabing yun.

Umuulan nun. Malamig. Pero mas malamig siya. Mas nanlalamig ako sakanya.

"Minghao, six years. Wag mo namang sayangin yun.. Please."

"Jun, six years lang yun. Pag hindi ko yun sinayang.. Buong buhay naman natin ang masasayang. Masasayang kasi magkasama parin tayo kahit alam naman nating hindi na natin mahal ang isa't isa."

Six years hao.

Six years parang anim na segundo lang sayo.

Six years na araw araw mong sinasabing mahal mo ko.

Mahal mo ko.

Pero iniwan mo na ako e,

Siguro hindi mo na ako mahal no?

Parang ganun na nga.

"Minghao--"

"Jun kailangan mo ring malaman na hindi sa lahat ng oras stable ang puso. Lahat nagbabago."

"Nagbabago? Pati puso mo? Nagbago na rin ba pati tingin mo sakin?"

Parang nabiyak ang puso ko nang makitang tumango siya.

Si minghao.

Yung lalaking minahal ko mula pagkabata.

Yung lalaking nagbibigay saya saakin araw araw. Yung lalaking nagparamdam saakin kung gaano kasaya ang magmahal,

Siya rin pala yung lalaking magbibigay saakin ng sobrang sakit.

Tama nga,

The person you love the most will be the same person who'll give you so much pain.

"Jun, pumunta lang ako para itigil na to--"

Hindi ko na siya pinatapos. Pinatahimik ko gamit ang mga labi ko. Ganto kasi ang ginagawa ko noon, ang halikan siya para iparamdam na mahal na mahal ko siya.

Nung gabing yun, sinagot niya rin naman yung mga halik ko.

Pero sapat na ba yun para sabihin kong mahal niya ako?

Siguro hindi.

Mabilis niya ring tinigil yunv halik na yun.

"Good bye junhui."

Ngayon ko lang naisip na sobrang sakit palang marinig ang mga salitang yun sa taong mahal na mahal mo.

Good bye.

Simpleng salita pero nang marinig ko yun mula sakanya... Parang buong mundo ko gumuho.

Good bye kasi hindi na niya ako mahal.

Good bye kasi kahit kailan,

Kahit kailan hinding hindi na niya ako babalikan.

Kasi hindi na nga niya ako mahal.

I never knew we'd have our last kiss.

Minghao..

Mamimiss mo rin kaya ako?

Lahat ng mga ginagawa ko sayo?

Lahat ng pangungulit at paglalambing ko?

Siguro hindi mo mamimiss yun,

Kasi syempre masaya ka na kay Vernon.

Pinunasan ko ang luha ko saka tumayo na para mag asikaso.

I guess,

I guess I should let you go Minghao.

-

•okay lol ang sakit ng puso ko pitingini. Kumuha ako ng hugot mula sa kanta pitingini ang sakit talaga sa puso. Ang ganda ko.

•hehe i hope you liked it! Solomot sa pagbasa :)))))))))))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last KissWhere stories live. Discover now