~~~~~~
"Naniniwala ka ba sa love at first sight,?"
"Maybe,, !!!"
yung pakiramdam na hindi mo alam na sya pala yung makikilala at makikita mo ulit sa hinaharap ,matagal mo na syang kilala pero parang di naman sya nag eexist para sayo dahil hindi mo man lang sya nakakausap kahit na matagal na kayo magkakilala at ang malala pa neto kahit kelan di mo napansin yung existence nya sa mundo
dumaan lang yung taon, muli mo ulit syang naencounter sa buhay mo at naalala mo na lang na parang kilala mo sya,pero di mo matandaan kung kelan at saan pero dahil nga nacurious ka na sa kanya dahil sa existence nya na ayaw mawala sa isipan mo, pilit mong inaalala kung sino na nga ba sya
sa dami ng nakilala ko tanging sya lang yung kakaiba agad yung naramdaman ko, sa unang tingin ko pa lang,napa WOW agad ako dahil anlaki na ng pinagbago nya, sya na ba talaga yun saglit akong natahimik dahil parang may kakaiba akong naramdaman tumitibok yung puso ko, wait gusto ko na ba sya pero parang ang bilis naman ata kakakita ko pa lang naman sa kanya eh, tapos gusto agad,
haaay napabuntong hininga na lang ako at saglit na kinalimutan ang nararamdaman ko, siguro dala lang to ng paninibago ko sa kanya
It all starts...
Flag ceremony habang nakatingin ako sa bandang unahan ng aming stage nakita ko sya na nakatindig para itaas ang flag na hawak hawak nya, isa kasi syang NROTC officer sila ata ang naatasang gumawa nun,yun yung pagkakataong hindi na maalis ang mga mata ko mula sa kinatatayuan nya kahit na nakatingkayad na ako ay pinipilit ko pa ring masilayan ang mukha nya
grabe ang laki na ng pinagbago nya simula ng huli ko syang makita at ngayon na parang mas naging matured na sya
simula nun hindi na sya nawala sa isip ko, isang araw habang nagmumuni muni ako at ang lalim ng iniisip ko sa di ko malamang kadahilanan at bigla na lang lumitaw sa isip ko yung pangalan nya na ewan ko kung bakit naalala ko pa sa sobrang tagal ko ng hindi sya nakikita o nakakausap man lang, nakakapagtaka lang na naalala ko pa yung buong pangalan nya, bigla na lang lumitaw sa isip ko yung pangalang Carlo Reyes na parang kahit kelan di ko nakalimutan
sa sobrang curious ko sa kanya naisipan kung hanapin ang pangalan nya sa facebook at bigla na lang nag appear ang pangalan na sinearch ko at nakita ko yung familiar nyang mukha at kampante ko agad sinabi na sya na yun
I click the add friend button and I send him a message, and after a week ay inaaccept nya ako
then hinintay kong mag red ang message box after kung magmessage sa kanya, pero wala,kaya naman naisipan kung i open na lang para makasigurado ako kung nagreply na ba sya, pero pagtingin ko seen ang natanggap ko mula sa kanya
hindi ako gumive up at nag try ulit mag message, after a day ay seen na naman mula sa kanya ang natanggap ko
pero sabi ko sa sarili ko, ito na talaga ang huling beses na magsesend ako sa kanya ng message at pag di pa sya sumagot titigil na talaga ako
"Sige ganyan ka na,hindi ka na namamansin " mabilis kung tinype at saka sinend sa kanya
pero ayaw yata ng pagkakataon na tigilan ko sya dahil nakareceived ako ng reply mula sa kanya
"sorry peace na tayo ha,wag ka ng magalit " sabi nya na pakiramdam ko nagkaroon sya ng care at napansin nya rin ako sa wakas
sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi nyang yun for the first time nagreply na rin sya,feeling ko tuloy ang pula ng mga pisngi ko dahil sa kilig dahil kahit sa simpleng salita lang na yun eh ang lakas na ng impact sa akin