Her Drawing Book (One Shot Story)
copyright ©RevolutionChaos
Note: Sorry po kung meron mang typographical errors... malabo kasi mata ko eh... haha thanks!
******************************
"Heto na naman ako, nakatitig sa iyo.
Apat na taon nang ganito, nagnanakaw ng sulyap sayo.
Kahit papaano hindi ako nagsasawa,
Na masulyapan ang iyong maamong mukha..."
--------------------------
"Akin na 'yang drawing book ko!"
Pilit na inaabot ni Ellise ang drawing book niya mula sa nakataas kong kanang kamay.
"Hindi puwede, titignan ko muna yung drawing mo."
"Naman eh! Akin na kasi 'yan Ash please! Panget yung drawing ko, i-compare mo pa sayo! Panget talaga 'yan! Promise!"
Pagmamakaawa niya sa akin. Ang cute niya kapag naaasar at nagpupumilit. Haha...
--------
Ako si Ash Allison, 15 years old at isang 4th year high school student ng Dewford Academy.
Masungit at snobber akong tao. Gusto ko kasi lagi ng katahimikan, peace kumbaga, kaya hindi ako namamansin.
First year student ako nun nung nag-transfer ako sa Dewford Academy, at doon ko nakilala si Ellise Andrews, my first best friend on that school.
Si Ellise ay naging kaklase ko simula noong first year hanggang ngayon.
Nung first year kami, inarrange yung arrangement of seats alphabetically, kaya naging katabi ko siya.
Since wala pa akong mga kaibigan nun, nakikipagkuwentuhan ako sa kanya. Kaya naman napalapit ang loob namin sa isa't isa at naging best friend. Akala ko, hanggang doon lang yun. Hindi ko inaakalang mahuhulog ang loob ko sa kanya.
Namangha ako sa talino ni Ellise. Kahit puro stock knowledge lang ang ginagawa niya, nakakakuha parin siya ng mataas na grade at napapasama sa top, habang ako, mataas naman ang mga grades ko pero hindi ako pinalad na makapasok sa top.
Marami kaming pagkakaiba ni Ellise like for example, I'm good at dancing while she loves singing, suplado at snobber ako pero siya, pinapakisamahan ang lahat at sobrang maingay. Totoo ba ang kasabihang "opposites attract"? Ewan ko... baka nga siguro.
Pero iisa ang aming pinagkapareho, at ayun ang pagiging mahilig sa pagdrawing. At dahil doon, natuwa ako. Hindi ko kasi inaakala na mahilig pala siyang magdrawing...
Nung second year at third year, parang nawala yung 'closeness' namin sa isa't isa at tila yata nag-fade ang friendship namin sa isa't isa. Sinubukan ko nang mag move-on kasi parang wala na akong pagasa sa kanya, pero wala parin. Siya lang talaga ang nasa isip ko, batid ng aking mga panaginip at ang tanging isinisigaw ng puso ko.
Kahit na ganun, nagkakausap parin kami, pero minsan nalang. Dinadaan ko nalang ang aking pagkalungkot sa dami ng aking mga nakaw na sulyap sa kanyang mukha, at basta-basta na lamang nakukuntento doon.
Ayaw ko munang sabihin sa kanya itong nararamdan ko para sa kanya sapagkat sa dahilan ito ng pagkawasak ng aming pagkakaibigan. Torpe na kung torpe, basta ako, naghihintay ako ng tamang tiyempo sa pag-amin sa kanya.
Ngayon at 4th year na ako, siyempre, para mapansin niya ako eh mas pinursigehan ko ang pag-aaral ko. Sumali pa nga ako ng Math Quiz Bee nun para makakuha ng extra curricular points, manalo at kahit man lang na simpleng 'Congrats' lang mula sa kanya, matutuwa na ako.
BINABASA MO ANG
Her Drawing Book
RomanceTorpe ako, torpe ka rin. Pareho ang nararamdaman natin. Hindi ko naman inaakala na ang drawing book mo pala ang susi para magkaaminan na :)