CafeLandia Love

22 1 0
                                    

CafeLandia Love ☕ ( Joy x Sungjae)

"Welcome to Cafelandia, where you can find true happiness. Ako si Joy ang magdadala ng happiness without dullness sa inyo but you can find it to me." Kumindat ako pampadagdag charms sa kanya. Pero taliwas ito sa inaasahan ko, diretso lang siyang naglakad.

Sa ilang taon kung pagtatrabaho sa cafelandia ni isang beses wala pang nangahas na hindi ako pansinin pati na ng mga costumers ko. Tumanggap pa nga ako ng plaque, certificates at awards tuwing end of the year sa pagiging magaling empleyado ko. Kabilang na ang most friendliest worker, most polite at higit sa lahat ang COSTUMERS CHOICE AWARDS. Oh my gosh! Hindi na ba tumatalabab ang charms ko? Hindi din ba kasing puti ang ngipin ko tuwing ngingiti ako? Oh my gosh!

Dali dali ko namang kinuha ang compact mirror ko na palagi kung dinadala sa bulsa ng uniform ko. Binuksan ko ito at ngumiti. Wala namang pagkaing sumabit, wala din akong eyebags. Huminga ako at inamoy ang hininga ko. Hindi rin ako bad breath at hindi din ako mabaho yung damit na ginagamit ko. Ang boss ko nga gustong gusto ako pero yung isang to wala.

Ang kakapasok lang na custumer ay ni isang ngiti o tango ay hindi ako tinapunan ng tingin. Nak nang! Anong problema nito? Grrr. Makikita niya.

Sumunod ako sa kanya. "Saan niyo po gusto maupo? Sa gitna? Sa gilid o malapit sa bintana? Mas maganda po pag sa bintana kayo makikita mo ang mga imprastraktura sa buong ka Maynilaan. Maraming costumer ang gusto po riyan." Daldal ako ng daldal. Tiningnan ko siya na may malaking ngiti sa labi at mata. "So saan niyo po gusto?"

Iniwanan niya lang ako sa gitna at nagtuloy tuloy sa isang lamesang malapit sa bintana. Tsk! Diyan din pala ang gusto.

"Ano pong oorderin nila? May pancakes po kami na toyak na magugustuhan niyo.
"Tumitig siya sa menu nang matagal

"Kung iniisip niyong magsasalita ang menu pag tititig kayo ng matagal ay hindi po iyon mangyayari. Kailangan niyo pong ibuka ang bibig niyo at magsalita para makaorder na kayo. Hehe" Tumingin siya sa akin at ibinalik agad ang tingin sa menu.

Kanina pa akung nagsasalita pero itong lalaking to kanina pa tahimik. Pipi ba to? Wala bang dila? Siguro bungi to kaya ayaw magsalita. 
Tinanong ko siya.

"Pipi ka po ba? Kanina pa akong nagsasalita dito tapos ikaw tahimik lang. Maigsi ba dila mo? O bungi ka po? Alam mo yung walang ngipin yun po yung bungi. Kung hindi niyo po alam ngayon ay alam niyo na hehe. Yun siguro yung problema niyo kaya hindi nagsasalita." Lumapit ako ng kaunti sa kanya. "Heto po yung papel dito nyo na lang po ilagay ang order niyo. Hehe" Ibinigay ko sa kanya ang order form at ballpen ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama pero hindi naman nagsalita.

Masama ang gising nito, alam na alam ko iyan. Nako, nako, nako dapat ngumiti para laging good vibes pero siguro wala siyang ngipin kaya nahihiya siya. Hay mabuti na lang inalagaan ko yung mga ngipin ko noon.

"Okay lang po iyan. Sa huli po talaga ang pagsisisi. Dapat ho kasi noong bata pa kayo inaalagaan niyo na yung mga ngipin niyo kaya ngayon hindi po kayo ngumingiti. Parati po ba kayong kumakain ng chocolates at kendis noong bata kayo at ngayon? Aminin niyo na, hwag nang mahiya. Haha" Pinalo palo ko pa siya sa balikat na akala mo ay close kami. "Noong bata pa po ako mahilig din po ako diyan pero pagkatapos kung kumain ay nagto-toothbrush ako kaya free from cavities. Alam niyo po hindi naman masama ang ngumiti dapat nga palagi para yung positivity lalapit sa inyo at doon papasok ang good vibes." Mahaba kung paliwanag sa kanya pero siya pokerface lang.

Nauubos na talaga yung pasensya ko sa kanya pero pinipigilan ko lang. Nagdadasal na lang ako na hindi agad maubos ang pisi ko sa kanya.

"Sa huli pong pagkakataon ano po ang order niyo?" Pekeng ngiti ang nakarehistro sa mukha ko.

Kpop One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon