Simula

11.1K 202 26
                                    

Simula

"Kendall!" sigaw ni Jelina, ang best friend ko. Hinahanap na yata ako dahil kanina pa ako nagsasasayaw dito kasama ang isang di kilalang lalaki.

Nilingon ko si Jelina at iniwan ko muna ang lalaking kasayaw ko para lapitan siya.

"Why? What's the matter?" tanong ko kay Jelina nang nakalapit ako sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng dance floor patungo doon sa sofa'ng inuupuan namin kanina.

"Lasing na siya" ani Jelina sabay turo sa isa pang kaibigan namin na si Kara na nakahilatang natutulog sa sofa kasama ang dalawang lalaki niya.

Tumabi kami kay Kara para maalalayan siya para makaupo. "We'll take care of her, she's fine" sabi ko sa dalawang lalaking kasama niya sabay ngisi sa kanila para maka-alis na sila. Tumango yung dalawang lalaki at umalis na.

"Hay nako Kara, ano ba kasing pinag-iinom mo?" ani Jelina kahit alam niyang hindi siya naririnig ni Kara kasi tulog siya.

Nawalan ng music ang buong bar at maya maya'y nagkaroon na ulit ng music, nagpalit kasi ng bagong dj. Mas lalo nang umingay ang mga tao dahil sa bagong kantang pinatugtog ng bagong dj. The party's at its peak. Ang saya sanang sumayaw doon sa gitna kaso baka kailangan nanaming umuwi dahil lasing na si Kara.

"Iuwi na kaya natin siya?" tanong ko kay Jelina. Tumango siya kaya pahirapan naming itinayo si Kara dahil hanggang ngayon mahimbing pa din siyang natutulog.

Tumungo kami sa parking lot para hanapin ang sasakyan ko. Pinatunog ko ang sasakyan ko bago ipinasok namin ni Jelina si Kara sa likod. Pumasok naman kami ni Jelina sa harap. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong mag aalas tres na pala.

Humikab si Jelina at ipinatong niya ang ulo niya sa bintana.

"Baka 'di tayo makapasok nito bukas" ani Jelina sabay halakhak. "Oo nga eh, hayaan mo na" sagot ko sabay tawa din.

Una naming pinuntahan ang bahay nina Kara tapos kala Jelina. Nang ako na lang ang magisa kinuha ko ang cellphone ko habang nag dridrive. Ang daming text at missed calls doon galing sa iba't ibang lalaki. Wala akong pinansin ni isa doon dahil antok na antok na ako.

Nang nakarating na ako sa mansion tulog na silang lahat. Nagdahan dahan ako sa paglalakad para hindi nila marinig ang mga footsteps ko. Pag pasok ko sa aking kwarto humilata agad ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang may kumatok sa kwarto ko. I checked the time and it was already 8 am in the morning. 30 minutes late na ako sa school.

"ma'am! papasok po ba kayo?" ani Anna, ang katulong namin.

Ang sakit ng ulo at ng katawan ko kaya sigurado akong 'di ako makakapasok ngayon. Tinatamad din naman akong pumasok kaya bukas na lang.

"Hindi!" sigaw ko sa kanya at nagsimula akong matulog ulit.

Pagkagising ko ala una na pala. Grabe ang haba ng tulog ko. Pag bangon ko kumirot ng konti yung likod ko. Medyo masakit pa din yung ulo ko pero pinilit kong bumangon para maligo at kumain.

Pag tapos kong maligo bumaba na ako sa engrandeng hagdanan namin. Pagbaba ko naabutan kong naglilinis ng sala si Anna. "Uh, Anna, sila mama?" tanong ko sa kanya habang lumalapit. "Ay, umalis na po sila ma'am may meeting daw po eh. Bilin nilang huwag daw po kayong lumabas ngayon kasi umalis daw kayo kahapon" ani Anna. Hindi ko na lang sinagot yung sinabi niya at nagtungo na ako sa kusina para kumain ng lunch.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko nagtext si Kara.

Kara:

Uy Ken, salamat pala sa paghatid sakin kahapon. Di ako pumasok ngayon eh hehe.

Ako:

Lagi ka kasing nalalasing kaya nasanay na kong lagi kang ihatid hahaha. Ako din eh, ang sakit ng katawan at ulo ko.

Ilang minutes ang nakalipas bago may mga nagtext ulit sakin.

Cedrick:

Hi Ken! You alright? Why are you absent today?

Art:

Ken how are you? somebody told me you went out last night, that's why your absent today huh?

Jelina:

Good morning Ken! este good afternoon na pala hahaha kakagising ko lang di ako pumasok ngayon. You?

Sa mga nagtext sa akin si Jelina lang ang nireplayan ko. Wala ako sa mood makipaglandian ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Maybe tomorrow? sounds fun.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon