"Hi! Good morning to all of you. Im Vincent Lee. My classmates in states they always call me at my last name, so uhm.. ah but you can call me Vince, Vin or whatevah you want." Slang nya itong sinabi. "Im 17 years young. I like sports. I play baseball, soccer, tennis, and ice hockey. And thats all. And ow if you have questions about me ahm dont be shy to ask. I'll surely answer it hundred percent honestly."
Pagkatapos nyang magpakilala at sabihin ito ay ipinakita nya ang kanyang magandang mga ngiti at lumabas din ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
"Okay thank you and nice to meet you Mr. Lee. Welcome to Immaculate Conception. And go have a sit now beside Lee."
Natigil na bagong istudyante at napatingin ito sa kanyang teacher.
"Ha?" Pagtataka nyang tanung.
Kung titignan naman, ang natitirang bakanteng upuan na lang sa room na ito ay un ang sa tabi ni Ashlee.
Naupo na sya sa tabi ni Lee. tila ba'y mukhang hindi mapakali at namumula itong si Lee kung kaya't tinakpan nya ng panyo ang kanyang mga pisngi.
Natapos na ang kanilang klase.
*Ashlee's pov*
Lunch break na. Gutom na ko. Hindi pa din ako tinatantanan ng Cody na to. Sa lahat ng puntahan ko sinusundan nya pa din ako.
Lahat na ng pwede kong pagtaguan tinaguan ko na pero wala pa din e.
"Babes wait."
"Cody pwede ba layuan mo muna ko kung hindi matamaan kana sakin!"
Nakatingin lang samin sila Nicky at Sherlie. Ba! Hindi man lang ako tulungan diba?
"Kausapin mu muna ako kasi."
"Wala ako sa mood makipag usap sayo."
Binilisan ko ang paglalakad ko.
"Leee.."
"Hinde!"
Lakad..
"Ashleee.."
"Hinde!"
Lakad.. Lakad..
"Janeee.."
"Hinde!"
Lakad.. Lakad.. Lakad..
"Chandler..."
Napahinto ako sa paglalakad kasi hinila nya ung bag ko kaya napaatras tuloy ako papunta sa kanya, tumama ako sa dibdib nya.
Magsasalita na sana si Sherlie pero pinigilan sya ni Nicky.
"Ano ba Cody! Para naman timang eh! Sasapakin na kita!" Sigaw ko at galit kong sabe. Yoko pa naman ung paulit ulit akong kinukulit! Pag ganun eh parang gusto ko ng manapak eh! Lalo't hindi pa ko nag breakfast! Gutom na ko tapos ganito pa diba!
"Kausapin mo muna nga kasi ako e!"
"Hinde!" Malakas kong sabi habang tinulak ko sya.
Hinawakan nya ang braso ko para pigilan ulit akong maglakad. Pero hinampas ko sya ng bag ko. Tumingin lang sya sakin.
Maya maya tumigil na sya.
Malapit na kami sa may gate ng tinatawag na naman nya ko at this time medyo napupuno na ko sa kanya nung hinawakan nya ko sa may kanang balikat ko, kaya tumigil ako at tinabig ko ung kamay nya pero mukhang tumama ung kamao ko sa may labi nya. Di ko naman sinasadya eh, nabigla lang ako. Di ko ding inaasahang sa labi ko sya na dale! Hindi ko naman ginusto ung nangyari e. Pero laking gulat ko nung nakita kong hindi na pala si Cody ung nasuntok ko! O____O
Hala!
"Lee? Anung ginawa mo?" Gulat na tanung ni Nicky.
"Wow sapul!" -Sherlie
"Wuaaaa.... O MAH GOSH!" nabigla ako at naramdaman kong namula ang buong mukha ko kaya tinakpan ko ito ng kamay ko.
"Aaaaw." sabi nya habang hinahawakan nya ung parteng nasuntok ko.
"Ang hard mo Lee! Haha! Parang di kayo magkatabi nyan kanina ah? Haha!" Pangaasar ni Sherlie.
Hindi ko sya pinansin. Hindi din ako makagalaw at hindi ron ako makapag salita ng mga oras na un. Parabang walang boses na lumalabas sa bibig ko sa sobrang shock ko.
Madaming nakakita sa eksenang un. Lahat ng mga lumalabas ng gate lahat sila napatigil at nakangangang pinagtitinginan kami. Para bang kami ung naging center of attraction dun. Lahat sila nakapalibot saamin.
Hindi ko alam kung bakit pero hinila't hinawakan ko sya tapos dali dali kami lumabas ng school.
Wuaaaaaa. Anung ginawa ko? Bakit ko ginawa un?
Medyo dumudugo ung labi nya.Nakita ko ding pupunasan nya dapat sana un ng kamay nya pero tinabig ko un. Iniabot ko ang panyo ko pero tinanggihan nya ito. Tinignan ko lang sya. 5'11 ang height nya 5'6 naman ako so medyo abot ko naman kaya ako ung nag punas ng dumudugong labi nya. Oo medyo awkward pero kasi naman eh!
Ewan ko ba kung bakit ko ito ginawa! kakaines naman oh!
Sa sobrang awkward namula na naman ang mga pisngi ko.
Kaya inabot ko sa kamay nya ung panyo ko at naglakad na.
Kinausap pa sya ni sherlie. Pero hindi ko na un narinig. Tinawag din naman ako ni Nicky pero hindi na ko lumingon sa likod.
Pinara ko na ung jeep. Napansin ko naman na sumunod na din naman ung dalawa. Pero laking gulat ko ng kasama pa din nila ung lalaking to.
~end of pov~