Ayesha's POV
Asan kaya yun? Na-lost and found kaya yun sa mall or something? Teka, may password naman yun diba? So, hindi yun mabubuksan ng basta-basta lang.
"Ayesha!"
Napalingon ako sa sumigaw na si Cady.
"Cads? Ba't ka ba sumisigaw? Akala mo naman 'a thousand miles' ang layo nating dalawa." Sabi ko habang nakahawak lang sa railings.
Nasa may veranda kasi ako ngayon habang silang tatlo naman ay nasa loob na ng kwarto ko. We're having our sleep over right now since magiging busy na kami this Monday sa school. Magf-first year college na kasi kami. Friday night naman ngayon and tomorrow, aasekasuhin namin ang mga papers for school.
"For your info, kanina pa po kita tinatawag. Mga limang beses na nga eh. Iniisip mo pa rin ba yung lalaki na kinarate kid mo kanina?" Nag-aalalang tanong niya habang nakahawak sa gilid ng sliding door.
"Eh? Hindi siya no madudungisan lang ang utak ko sa lalaking yun! Iniisip ko yung phone ko." Nagmartsa na'ko papasok ng room.
Naka-pajama na kaming lahat. Yung dalawa, nag-play ng horror movie sa DVD player habang nilalantakan yung chichirya tsaka ice cream na nasa ibabaw ng kama.
"Sus! Bili ka nalang ng bago. Phone lang naman yun eh." Hirit ni Jillian. Narinig yata convo namin ni Cady eh. Likas na tsismosa nga talaga kami.
"It's not just a phone, Jill. Nandun lahat ng phone records ko sa mga na-compose ko ng kanta and nasa memos ko rin ang mga lyrics tsaka may mga poems pa. Pinaghirapan ko naman 'yun kahit papano."
Umupo ako sa may couch na malapit sa TV at itinukod ang dalawang siko ko sa mga hita ko.
"Yun lang." Dagdag ni Jillian.
Naikwento ko na rin naman sa kanila ang buong nangyari kanina kaya nga ang bilis naming nalisan ang mall. Nasabi rin kasi ni Janna na parang may naghahanap nga talaga sa'kin dahil nga raw dun sa mga naingkwentro niya.
"Teka, natawagan mo na ba?" Tanong ni Cady na ngayon ay naka-indian sit na sa dulo ng kama habang kalong-kalong ang supot ng white marshmallows na kinakain niya.
"Hindi pa." Sagot ko. As if may pag-asa ako diba? For sure may nakapulot nang iba dun or di kaya nagkawasak-wasak na.
"Oh? Give it a try. Malay mo, kind-hearted ang nakapulot." Jillian recommended habang nakatingin lang sa TV.
Napaawang ang labi ko. Maybe? Inabot ko ang samsung na cellphone ko sa ibabaw ng table na kaharap lang ng inuupuan kong couch.
Dalawa kasi ang phone ko. Wala lang trip ko lang. Kaso yung pinaka-importanteng cell pa talaga ang nawala.
Nags-start na 'kong mag-dial sa isang number ko kaso biglang nagsalita si Janna.
"May iba na ngang nakapulot ng phone mo," Napalingon kaming lahat sa kanya. Jillian even paused the movie for a while, "Tinawagan kita kanina. Pero boses-lalaki na nga ang sumagot diba?" Ibinalik niya ulit ang tuon sa TV at bahagyang siniko si Jillian para iplay ulit ito.
Oo nga pala. Hindi ko napansin ang sinabi niya kanina dahil sa sobrang panic ko na.
Napabuga nalang ako ng hangin at ibinalik sa ibabaw ng mesa ang phone ko.
"Alam mo, maybe it's time para magsulat ka naman ng iba," Hikayat ni Cady na nasa likuran ko na at nilalaro-laro ang mga hibla buhok ko, "Ikaw naman kasi. Kung ba't ba naman nag-ala ninja ka dun. Baka naman kasi feel mo ikaw si Sakura?"
Napatawa nalang ako sa biro niya, "Muntik na kayang may ma-rape. What do you expect me to do?"
"Pero sure ka ba talaga Yesh na yun nga ang nangyari? I mean, ikaw na mismo ang nagsabi na narinig mo lang diba?" Si Janna yan sabay subo ng spoonful of vanilla ice cream mula sa baso niya.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow [On-Going]
FanfictionPromises and Vows. Are they really meant to be broken?