Chapter 25

465 9 11
                                    

Hindi ako makatulog.

Iniisip ko pa din 'yung nangyari kanina.

Hindi ako maka-move on!

Papalit palit lang ako ng pwesto sa kama ko.

Nakaharap sa kanan.

Nakaharap sa Kaliwa.

Dapa.

Ngayon nakahilata.

Finally, medyo inaantok na ako.

Any minute now, makakatulog na ako.

Krriiiiiiiiiiiing!

Krriiiiiiiiiiiing!

For the love of God! Sino ba 'tong nagtext sa akin ng madaling araw? Nawala antok ko!

Ano ang tawag sa isdang tumatalbog?

Edi fishball!

E ano naman ang tawag sa isdang nagsisiksikan?

Edi sardinas!

Sender:

James

+639158569209

Recieved:

02:03:27 am

Today

Great! Naudlot ang tulog ko nang dahil sa kakornihan nitong taong 'to.

Huy! Matulog ka na nga! Mangiistorbo kna lng sa jk mo ang korni pa! Tss...

Reply ko sa kanya. Hindi na talaga ako makatulog e.

Gising ka pa pla? Hehe. Hindi ako makatulog e.

Nagreply pa talaga. Rereplyan ko nga ulit.

Matulog ka na!

Pinatay ko na 'yung cellphone ko! Istorbo e.

Kate

~*~*~*~*~*~

Maaga nanaman akong gumising! May pasok kasi.

Basta kapag ganito hindi 'yung exam, quiz, report ang ayaw ko kundi 'yung paggising ng maaga. Ang sarap kayang matulog! Haha

Mahapdi pa din 'yung sugat ko.  Buti nga hindi nakita nila mama e. Magrereact nanaman ng todo 'yung mga 'yun. Kung mayaman lang kami malamang naghire na sila ng bodyguard ko.

Andito na ako ngayon sa school.

"Uy Kate! Ano 'yung nabalitaan ko kanina?" Lintek! Hindi pa ako nakakaupo kung anu ano na agad ang tsismis na nasasagap nito ni Lallaine.

"Anong nabalitaan?" Nagtataka talaga ako. Wala namang nangyari sa akin kanina a?

"Close kasi kami ni manong guard. Tsinika niya ako kanina muntikan ka na daw maholdap kahapon?" Pati buong klase napatingin sa akin dahil sa lakas ng boses ni Lallaine.

"A... Haha oo 'yung sa panaginip ko? Haha oo muntik na akong mamatay sa panaginip ko wuhahahaha." Hindi ko na alam ang sinasabi ko basta ayaw kong ipaalam sa kanila 'yung insidenteng 'yun masyado kasing matanong ang mga tao dito e.

When their minding their own business, tsaka ko lang tinitigan si Lallaine ng masama.

"Ang ingay mo talaga!" Binulong ko lang sa kanya pero halata ang inis ko hehe.

"So totoo nga?" Si Kim naman ngayon na parang wala man lang pag-aalala sa expression niya.

"A e oo e haha. Pero okay lang 'yun. Tapos naman na e. Hehe. Hehehehe." Silang apat ay nakatingin lang sa akin ng seryoso.

Tapos dumating si Blacky. Napatingin kaming lima sa kanya dahil bukod sa mukhang balisa ay malaki pa ang eyebag.

And for the very first time nginitian niya ako 'yung labas pa talaga ngipin. Siyemore lahat kami nagulat. Napatingin pa kami sapaligid baka 'yung nasa likuran ko lang ang nginingitian pero ako talaga e.

Confirmed!

Wala siya sa sarili niya.

Lumapit siya sa akin tapos binigyan ako ng lollipop. 'Yung lollipop na malaki na spiral, 'yung pang bata. Si Lallaine kinikilig. Parang walang boyfriend a. Sila Cecille at Maya din kinikilig. Si Kim naman nakangiti lang sa akin.

Pati buong klase nakatingin na sa aming dalawa.

"Yiiiiiieeeeeeeeee! Tanggapin mo na Kate!" Naghihiyawan na sila na pinasimulan ni Lallaine!

Tinaggap ko na lang para matapos na.

"Salamat kahapon a. Pati dito sa lollipop." Nginitian ko din siya nung nakuha ko na 'yung lollipop.

"Kulang pa nga 'yan e." Isang matipid na ngiti nanaman ang huli niyang ginawa sa harap ko bago siya umupo sa may upuan sa dulo.

Pagharap ko kila Lallaine kinikilig pa din!

Shaun

~*~*~*~*~

Sasakalin ko 'ting si James! Siya ang kaunaunahang kaibigan ko dito sa university.

Nang dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos ang laki tuloy ng eyebags ko! Binigyan pa ako kanina ng lollipop. Peeace offering daw my ass! Ano ako bata?

Pagpasok ko sa room namin para sa first subject, nakita ko sila Kate.

Kagabi ko pa napag-isipan, kakaibiganin ko na siya. Magpapakilala na ako. Hindi naman siguro ako ipapakulong niyan. E mukha ngang ni hindi na din naman niya ako naaalala bilang si Boy Medyas.

Napatingin din sila sa akin. Nginitian ko na lang siya ng ubod ng tamis. At dahil sa hindi ko naman pakikinabangan 'tong lollipop na ito ay sa kanya ko na lang ibibigay.

May effort pa din kahit papaano 'di ba?

Ang o.a naman ng mga tao dito. Binigyan ko lang ng lollipop kung anu ano na ang sinasabi.

"Salamat kahapon a. Pati dito sa lollipop." Sabi niya nung inabot niya na 'yung lollipop.

"Kulang pa nga 'yan e." Kulang pa 'yun sa ginawa niya para sa akin dati. Kung hindi dahil sa kanya malamang patuloy pa din ako sa paggawa ng masama at tsaka baka binubugbog pa din ako ngayon.

Nginitian ko na langg siya ng matipid kasi wala na akong ibang masabi tsaka nakuha na namin ang atensyon ng lahat. Kaya umupo na lang din ako sa pwesto ko sa likod.

"Ang sweet naman. Ang swerte nung nililigawan niya. Bagay sila."

"Oo nga gwapo na 'yung lalaki romantic pa." Mula sa kanan ko naririnig kong nagbubulungan 'yung dalawang babae.

Binigyan ko lang ng lollipop nililigawan ko na? Wala pa nga akong sinasab na gusto ko si Kate e. Biglang kaibigan oo.

Ang OA talaga ng mga tao.

Great! Mukhang namisunderstood ng lahat a. Mali pa ata ang ginawa ko.

Pero mukha namang hindi malisyosa si Kate. Tamang expression lang kasi 'yung pinakita niya kanina. Walang bahid ng malisya, hindi din kinikilig. Usual Kate lang. Nakangiti,,,

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon