Chapter 43.2
***AYESHA'S POV***
"Salamat naman at tulog na itong anak ko na napakakulit.." pumunta muna ako sa kusina para magluto..
Ako lang ang tao dito sa bahay.. Hindi kalakihan itong bahay.. bungalow lang kasi may bata na kami.. I'm happy naman w/ my life.. may angel ako na napakacute.. di ko na kailangan ng partner.. Katulad ni Atheng, galit din ako sa ama namin.. Sa ama ni Danessa?? tss, mamamatay na sya!!! >_<
**knock knock**
"wait lang.."
"a-anak?" sabi nya ng mapagbuksan ko sya ng pinto..
"What the hell are you doing here??" mataray kong tanong sa kanya..
"before anything else, can I come in??"
"tss.." niluwagan ko na yung bukas ng pinto at saka naman sya pumasok..
"anak.."
"wag mo akong tawaging anak.. hindi kita kilala.. wala na akong ama, matagal ng patay.." sabi ko sa kanya
"Ayesha, anak.. patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko.. Alam kong malaki ang galit mo sa akin pero anak let me explain.. Marami kang hindi alam sa paghihiwalay namin ng mommy mo.." paliwanag nya sa akin.. "anak, I'm sorry for neglecting you.. I'm sorry kung hindi-"
"SORRY?!! SORRY?!!! Ang lakas naman ng loob mo na pumunta dito sa pamamahay namin at humingi ng tawad.. ASA ka namang patatawarin ka namin.. Tinalikuran mo kami, iniwan, pinabayaan!! Tapos lalapit ka at magsosorry??!! Ano pa ang magagawa ng sorry mo?? ha?? Ilang taon na ang lumipas.. Nakalimutan ka na namin.."
"Masakit sa akin ang ginawa ko.. Hindi ko kagustuhan yon, anak.."
"di mo kagustuhan??!! D*MN IT!!!!! hindi mo kagustuhan pero iniwan mo pa rin kami!!!!" my voice cracks, I know I'm about to cry.. Ayoko, ayokong umiyak sa harapan nya.. Pero kapag naaalala ko yung panahong naghihirap kami dahil nga sa iniwan nya kami di ko na mapigilan ang sarili ko.. "bata pa lang ako natuto na akong magbanat ng buto kasi kailangan namin ng pandagdag sa gastusin namin..kahit na ayaw ni mommy, nagpumilit pa rin akong magtrabaho para kahit papano matulungan ko sya coz we don't have enough money to support our needs!!! Hindi mo alam ang paghihirap namin nung umalis ka!!! Kung paano kami naging miserable.. Na hindi kami kumakain ni mommy para lang makakain si Athena kasi kailangan nyang magpalakas kasi sakitiin sya..at takot kaming maospital sya kasi wala kaming ipangbabayad.. you left us w/ nothing.. nothing just a miserable life.." at tuluyan na akong napaiyak..
naaalala ko kung paano ako humabol sa kanya habang papalayo sya dala lahat ng gamit nya.. pero pinalo nya lang ako noon at pinauwi sa bahay..
"Nagworking student ako mula noong highschool hanggang college.. at ng mga panahong yun, napromote si mommy sa trabaho.. kahit papano naging maayos ang pamumuhay namin kahit wala ka.. Sinikap ni mommy na mapagtapos ako sa magandang paaralan.. Lahat ginawa nya para sa amin.. Ikaw?? Anong ginawa mo sa mga panahong yun?? Ni hindi mo man lang kami naalala!! Makasarili ka!!! wala kang kwentang ama!!!!!!"
*pak*
"h-hindi ko sinasadya a-anak.. hindi ko sinasadyang saktan ka.." bakas sa mga mukha nya ang pagkabigla sa nagawa nya..
napahawak ako sa pisngi ko sa sakit ng sampal nya.. "wala kang karapatang saktan ako.." sabi ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha na hindi matapos-tapos sa pag-agos.. "Kahit kelan hindi ako nagawang saktan ni mommy, pero ikaw na basta na lang kami iniwan at basta na rin lang dumating, sasampalin ako??? ang lakas ng loob mo!!!" napaupo na lang ako sa couch namin... nanghihina ako...
"2 yrs. ago nagkita ulit tayo unexpectedly.. Gustung-gusto kong kausapin ka noon pero ni hindi mo nagawang pansinin kami ng kapatid ko.. At sa ikalawang pagkakataon, iniwan mo kami.. Ang sakit!!! Ang sakit-sakit!! sabi ko sa sarili ko, masyado ata akong naging pasaway noon, masyado atang iyakin si Athena kaya iniwan mo kaming dalawa.. Sabi ni mommy, 'wag kayong magalit sa daddy nyo.. Marami kaming hindi pagkakaintindihan noon kaya napagpasyahan naming maghiwalay'.. Pero alam kong hindi nya ginustong maghiwalay kayo.. basta mo na lang sya iniwan.. Gabi-gabi naririnig ko ang iyak nya..sobra syang nasaktan.. At ang pinakanasaktan sa amin ay si Atheng.. Dahil sayo nawalan sya ng tiwala sa mga lalaki, muhing-muhi sya sayo!! at ngayong natuto syang magmahal, saka naman naging komplikado ang lahat.. ang boyfriend nya ay anak mo rin pala.."
"hindi ko anak si Dylan.."
"huh??"
"inaanak ko lang sya.. Hindi rin sya anak ni Elaine.. At kung iniisip nyo na may namamagitan sa amin ni Elaine, nagkakamali kayo kasi bestfriend ko lang sya at business partner.. Minahal ko ng sobra ang mommy nyo.. Mula pa lang nung highschool kaibigan ko na sya.. Pero may mahal syang iba ng mga panahong yon.. Si Symon, ang bestfriend nya. But Symon loves someone else.. nung college na kami saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ligawan sya.. Mahirap kasi may mahal syang iba.. Isang taon ko syang niligawan hanggang sa sagutin nya ako.. matagal rin kaming naging magkasintahan hanggang sa napagpasyahan naming magpakasal na.. Andun pa rin yung takot ko na baka isang araw iwan nya ako at ipagpalit sa iba kaya humanap ako ng bahay na malayo sa bestfriend nya.. Isang araw nag-away kaming dalawa.. galit na galit sya kaya umalis sya ng bahay.. Sinundan ko sya.. at noon ko muling nakita si Symon.. After 3 months, nalaman kong buntis ang mommy mo.. at alam kong hindi ako ang ama kundi si Symon.. 2yrs akong nanahimik pero hindi ko kinaya.. Iniwan ko kayo dahil alam kong may namamagitan pa rin kina Symon at Margo.. Alam kong mas sasaya sya kay Symon kaya lumayo ako.." tumigil sya sa pagpapaliwanag, dahan-dahan nyang pinunasan ang mga luha nya.."si Dylan, sya ang nawawalang anak ni Symon.. noong mga panahong nagbabakasyon sila sa batangas, andon kami ni Elaine.. Nakita ko ang trahedyang nangyari sa kanila at si Dylan ang nailigtas ko.. hindi ko na nagawang balikan pa sina Brianca, dahil sa lakas ng alon.. at sa pagkakataong yun, dinala ko si Dylan sa bahay-ampunan.. ayaw ko syang ibalik kay Symon dahil malaki ang galit ko sa kanya.. pero isang bwan lang ang nakakaraan, kinuha sya ni Elaine at inalagaan.."
Ang totoo nagulat ako sa mga nalaman ko kaya di ko agad magawang magsalita..hanggang sa magsink in sa utak ko lahat ng sinasabi nya..
**********************************************************************************************************
yan na po muna.. hehe
may susunduin pa kasi ako..
try ko na lang mag-update bukas.. ^^
VOTE
COMMENT
AND BECOME A FAN.. ^_________________^
SALAMAT PO!!! ^^
BINABASA MO ANG
I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..
RomanceTEKA... in love na ba ako sa mayabang, suplado, hambog, pilosopo at gwapong lalaking yun??! NO!!!! a BIG NO!!! Hindi pwede.. AYOKO!!! I've never been in love.. I don't even know how to love.. Pero bakit ganun?? Why am i feeling this way?? i can't g...