Chapter 37
"Are you cold?" Bulong ni Michael sa tenga ko at may hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin mula sa likod.
Marahan akong umiling at napangiti nang maramdaman ang paggalaw ng kamay nya habang nakahawak sa kamay ko. "Baba na tayo?" Tanong ko.
Binaba nya ang mukha nya at isiniksik iyon sa leeg ko, "Ikaw ang bahala." Pag-ungol nya.
Kasalukuyan kaming nasa rooftop ngayon ng hotel na pagmamay-ari ng isa sa mga shareholder ng school namin. Kasama ito sa mga expenses na binayaran namin at dito kami magpapalipas ng gabi.
Nang matapos magsaya ang mga estudyante sa EK, dito na agad kami tumuloy para magpahinga. Pero bago kami umakyat sa mga kwarto namin, niyaya muna ako ni Michael paakyat dito.
Napatakla ako sa sinagot nya, "Ako 'yung nagtatanong, eh." Sabi ko at di naman sya umimik. "What about you? Aren't you feeling cold?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Mas isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. Nagtaasan naman ng bahagya ang balahibo ko nang maramdaman ang paglapat ng labi nya sa leeg ko, "Not really. I'm actually feeling hot right now." Sabi nya na dahilan para pumula ang pisngi ko. Di ko maiwasang mag-isip ng iba tungkol sa sinabi nya.
"A-Ah, is that so?" Nauutal at pinamumulahan pa rin na sambit ko.
Lalo namang nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko sa leeg ko ang hininga nya dahil sa mahina nyang pagtawa. Mariin na kinagat ko ang labi ko para kumalma."By the way, saan galing 'tong jacket na suot mo? Di naman ito 'yung dala mo, di'ba?" Biglang tanong ni Michael dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Magsasabi ba ako ng totoo? Gusto ko man pero...
Hindi pwede, "A-Ah, kina Ailan. Nakasalubong ko kasi sila kanina, eh. Pinahiram nya ko." Pagsisinungaling ko. Baka kasi kung ano pa ang isipin nya pagsinabi ko na kay Dark galing ang jacket at pants na suot ko. Paniguradong magagalit sya, di lang sa'kin pati na rin kay Dark.
"Hmmmm..." Reaksyon nalang nya at tumunghay na. "Make sure to throw that trash later, okay?" Mahinahon ngunit maotoridad na sabi nya.
Pinanlakihan naman ako ng mata dahil doon. Syempre 'yung jacket ni Dark ang tinutukoy nya. Di ko naman kayang gawin 'yun, noh? Pa'no nalang kung mahalaga pala ito para kay Dark?
"H-Ha? Wag naman. Ba't ko gagawin 'yun, hindi naman sa'kin 'to?" Sabi ko sa kanya at itinrato ang sinabi nya na isang biro.
Bigla nyang inangat ang kamay nya at iginiya ang mukha ko paharap sa kanya. "As if I'd let anyone use that again after you wear it." Sabi nya at inilapat ang labi nya sa labi ko. "Tara na bumaba."
Oh, I see.
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya at hawak kamay kami umalis ng rooftop. Habang naglalakad kami, di nakaligtas sa paningin ko ang tingin na ibinigay ng mga kapwa studyante namin sa school. Rinig ko din ang pag-ugong ng bulungan nila.
"K-Kael." Pagtawag ko sa kanya nang makaramdam ako ng sobrang pagkailang.
"Oh?" Kalmado lang na sabi nya at marahang pinisil ang kamay ko.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Malaki ang ngiti na nakapagkit sa labi nya at diretso lang na nakatingin sa daan. Di nya binibigyan ng pansin ang mga titig at bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...