September 15, 2011
Dear Lorie Ann Padua,
Hi! Mas magandang yan na lang ang aking pagbati dahil di ko alam kung kalian mo ito matatanggap.
Actually, di ko alam kung anong gagawin ko about this. Letter to a friend naming kasi noon, isang sentence na dahil homeroom teacher nagpapagawa laging madalian. Tapos isusulat pa naming sa maliliit na papel. Naisip kong parang gawin kong diary. Pero siyempre di ko naman sasabihin lahat.
Gusto kong ipagtapat sa iyo na wala talaga akong maisip na ipagtapat sa iyo..hehehe… Kasi sinasabi ko naman kung anong gusto at ayaw ko sa iyo. Ah, ito na lang. Sobrang magkaibang tao tao tayo. Nakakapagtaka nga dahil naging kaibigan kita. Ni di nga tayo mostly magkasundo sa mga bagay bagay. Iyon ay dahil iba ang pamamaraan ng pagpapalaki ng magulang mo sa iyo, kasanayan at paniniwala natin sa isa’t isa. Naisip ko tuloy marahil on some parts of our life mali pa rin ang saying na ito, “Opposite’s don’t attract.” Yung parang magnet ba. Mag- aadvertise na din ako ng article ko sa iyo..hehehe… basahin mo ito ah! Pati yung iba kong mga articles! Ito yung website oh http://www.wattpad.com/user/Nadet_Sakuralee . Anyway, I’m still glad I’ve met you. Di ko pinagsisisihan na nakilala at pinagkatiwalaan kita. Salamat sa pagiging mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan. Sana pagkatapos ng semester na ito. Hindi mawala ang friendship natin.
My niresearch pa akong mga saying para sa iyo oh. Una, “Humayo kang mapayapa sa gitna ng ingay at pagmamadali, at alalahanin mo kung anong kapayapaan mayroon sa katahimikan.” At ang pangalawa ay, “ Hangga’t maaari, nang walang pagsuko, maging mabuti ang pakikitungo mo sa lahat ng tao. Ipahayag mo ang iyong katotohanan nang tahimik at buong linaw; at making ka sa iba, maging sa mga kabagot-bagot at mangmang; sila man ay mayroon ding sariling saysay.”
Iyan ha, Hope you won’t forget me. Advance happy birthday na din!! Next month na birthday mo ee!!ahahha
Yours truly,
Bernadette Montano Gabot