A Geek's First Love

531 10 7
                                    

A Geek's First Love

by Yssa Bongcaras

CHAPTER ONE

*Geek- also referred to as a nerd; a person who is not cool.

Ayan ako, isang geek. As in G-E-E-K. Kumbaga, weirdo ako sa paningin ng iba porket addict ako sa pag-aaral. Eh yan kasi ang kailangan kong gawin eh, para hindi ako matanggalan ng scholarship. AY TOKWA! Nakalimutan ko palang magpakilala! Ako nga pala si Mikayla Morales. "Kayla" nalang for short. Isa akong scholar sa Sky University. Hep! Hep! Hep! Ang Sky University ay di ordinaryong eskuwelahan noh! Mga mayayaman lang ang nakakapag-aral dito. Masuwerte nga ako kasi nakapasa ako sa scholarship exam nila eh. Mahirap lang kasi kami ng pamilya ko. Si Tatay tricycle driver. Si Nanay naman labandera. Tapos apat pa kaming magkakapatid. Pero masuwerte pa rin kami kasi may nauupahan kaming apartment, kaya hindi pa naman kami parang squatter. Haha!

May mga kaibigan pa rin naman ako kahit papaano. Nandyan si Yumiko "Yumi" Takahara. Half-Japanese spitz. Ay sorry, Japanese pala! Haha! Tapos half-Flipino din siya. Yung tatay niya yung Hapon (malamang yung nanay naman nya ung Pilipino). Yun nga lang, iniwan na sila ng tatay niya eh. May ibang pamilya daw kasi yung tatay niya sa Japan. Pero mabuti nga't sinusustentuhan pa rin siya ng tatay nya. Mabait yan, kahit may pagka-baliw nga lang minsan. Hahaha! Tapos andyan din si Nicole Tavera. Mabait rin yan, lalo na kapag may assignment. Hahaha! Mahilig kumopya yang bruha na yan. Matalino naman talaga si Nicole eh. Tamad nga lang gumawa ng mga assignment. Pero sinerseryoso niya naman yung mga quizzes at periodical tests, kaya lagi namin siyang kasama ni Yumi sa cream section, dito sa 4th Year Section S. Kung nagtataka kayo kung bakit S ang section namin, dahil yun sa S-K-Y pattern. S ang section ng mga matatalino, sunod yung K, tapos kulelat yung Y. Hahaha! Ayun, galing rin mismo sa pangalan ng school namin na SKY University. Ayun, dalawa lang silang kaibigan ko. Pero mga totoong kaibigan yang mga yan. Proven ko na, hindi sila plastic. Di sila tulad ng iba na mapang-mata, mapagmataas at maarte. Kahit mayaman silang dalawa, hindi sila mayabang. Yan ang gusto ko sa kanila. Lalo na kapag naisipang manlibre! Game ako diyan! Hihi! >.<

"Kayla, pakopya ng sagot mo sa Question number 5." Biglang sinabi ni Nicole. At dahil kaibigan ko naman, pinakopya ko na.

"Wala ka na namang assignement. Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo?" Sagot ko naman sa kanya.

"Sis, pasensya ka na ha. Pero di ko talaga ma-gets yung assignment natin ngayon eh. Last na 'to, promise!" Banat naman niya. Haaay nako, nakaka-ilang promise na yan, wala namang nangyayari! Inaatupag niya kasi lagi yung boyfriend niyang si Darwin kaya wala siya laging assignment. Lagi naman siyang pinapaiyak nun. Ewan ko ba kung bat nagtitiis pa siya sa kumag na yun! Sinasayang niya lang yung ganda, talino at talent niya! Sa katunayan, siya nga lagi ang muse namin dito sa Sky University eh! Tapos palagi siyang panalo sa mga beauty contest laban sa ibang school. Epal lang talaga yung boyfriend niya! Haaay nako, kaya ayokong ma-inlove eh! Mawawala concentration ko sa studies! At isa pa, baka mawala rin ang scholarship ko dito sa Sky University! Huhuhu!

(Kinabukasan...)

"Babay 'Nay, papasok na po ako." Nagpaalam na ako sa butihin at mapagmahal kong ina.

"O sige Kayla, mag-iingat ka. Mag-aral ka lagi nang mabuti ha! Ingatan mo yang scholarship mo. Pati yang maganda mong uniform."

"Opo 'Nay, hindi ko po nakakalimutan yun! Sige po, alis na po ako." Ayun, gora na ko papuntang Sky University. Nilalakad ko lang kasi malapit lang naman eh. As in walking distance lang talaga siya. Kaya natitipid ko yung baon ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad ko nang biglang,

SWOOSH! Hala! Yuck! Natalsikan ako ng putik dahil dun sa dumaang kotse! Ang malinis at napaka-puti kong uniform, narumihan na! Pambihira naman oh! Lagot ako nito kay Nanay. Siyempre, di ko palalampasin yung nangyari. Hinabol ko yung pulang Toyota Vios na yun at kinalampag ko yung bintana!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Geek's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon