Czarina's (Cess) POV
"Tara naman maggala." Napatingin kaming lahat kay Euigie.
Hmmmmm? Maggala? Pwede din. Mga wala din naman kaming pinag gagagawa dito sa boarding house e. As in wala talaga! NGANGA lang.
"San naman?" Tanong naman ni Nick at Cam. Talagang sabay pa sila. Mga gala nga pala tong mga to.
"Kahit saan?" Patanong na sagot ni Euigie. Galing magyaya na maggala tas di naman pala alam kung saan maggagala. Napaka---
"Ang walang kwenta mo talaga mag isip." Si Lovelle yan. Di na kailangan pang tingnan kung sino nagsalita. Tsk tsk. Sayang! Sasabihin ko palang sana yung sinabi nya kaso naunahan ako. Hahahaha pareho talaga kami nito mag isip. Masyado kaming nagkakasundo sa mga bagay bagay.
"Atleast kahit papaano naisip ko yung maggala tayo." Sagot naman ni Euigie.
Alam na patutunguhan nito. Buti nalang at hinarang agad ni Prince ang kamay nya sa mukha nung dalawa.
"Yan nanaman kayong dalawa. Nakakamatay ba para sa inyo ang tumigil kahit isang araw ang sagutin ang isa't isa?" Tanong ni Prince sa dalawa.
"Tsk! Wala kang pakealam" Euigie and Lovelle said in unison.
"Wag ka ngang gaya gaya!" Sabay ulit.
"Bwisit ka!" Ge. Sila na magkasabay ulit magsalita.
"Tengene n'yong dalawa! Tatahinik kayo o tatahimik?" Tanong ko.
"Besh, magmumura kana ngalang pabebe pa. Tengene talaga?" Nyeta talaga tong si Lovelle. Lahat na napansin.
"Osige tangi----nnanaioosksb" di ko na natuloy sasabihin ko. Kasi ba naman! Takpan daw ba ang bunganga ko? Tiningnan ko ng masama si Cameron na tinatakpan ng palad nya ang bunganga ko.
"Wag ka mag mura. Kababae mong tao. Di bagay sayo." Sabi nya at nagwalk out.
Natameme naman ako dun. Anseryoso nya nung sinabi nya yun with matching titig pa sa mga mata ko. Eye to eye kumbaga. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng mga mata nya. Grabe, kahit di nagpapakita ng emosyon minsan parang nang aakit pag tinitigan mo. Maging mata nalang kaya sya? Haha echos lang.
"Hoy bruha ka! Natalulala kana. Halata kana masyado." Sabi ni Lovelle at pumunta naman sa kusina.
"Alam mo Cess masama ang tumitig sa tao. Bad yun, wag ganun. Mahahalata ka nyan sige ka." Sabi naman ni Euigie at sumunod kay Lovelle sa kusina.
"Tsk tsk tsk. Babae nga naman. Yung tipong halata naman na tinititigan ang isang tao tas maya maya idedeny. Nga naman." Si Prince yan. Epal na yun! Pinagsasasabi ng mokong na yun? Di ko sya gets. Wala kasi akong paki sa nararamdaman ng kidney nya kasi wala syang puso. Lungs lang at kidney.
Napansin ko naman si Peter na bubuka na ang bibig at magsisimula nang magaalita ng unahan ko sya.
"Oh? May sasabihin kadin? Wag ka nang magtangka pang sabihin yang gusto mong sabihin kasi wala akong pakialam sa nilalaman ng mga kidney nyo." Sabi ko at tuluyan ng sinara ni Peter yung bunganga nya.
"Wag ka ngang ganyan Cess kay Peter. Hala ka. Mainlove sayo nyan si Pete. Hahaha hilig pa naman n'yan ang medyo maldita." Biro ni Maverick.
"Ha ha ha ha ha ha ha" I laugh. Note the sarcasm. "Di ka nakikinig Mave no?" Tanong ko kay Mave at binigyan lang naman ako ng 'huh' look.
"Kasasabi nya lang Mave na wala syang pakialam sa nilalaman ng kidney mong iisa na."
Natawa naman ako kay Peter. Hahaha talagang ginaya nya pa talaga ang pagsasalita ko.