Hinihintay ko na lamang s'yang dumating dito sa park at masasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nagpalingun-lingon ako sa paligid para makita s'ya at eksakto namang nakita ko siya.
Kumaway ako sa kanya at ganoon din siya.
Nang nakaupo na siya sa tabi ko, kaagad akong nagsulat at iniharap ito sa kanya pagkatapos,
"May sasabihin ako sa'yo."
"Ano 'yon?" tanong niya gamit ang papel.
"Ano kasi... Mahal kita." sabi ko.
Pero tinaasan n'ya lang ako ng kilay at umiling. Nagsulat ako at iniharap ito sa kanya.
"1 < 3 Ü"
Nang nakita na niya ito, umiling lang siya muli at yumuko.
Dahil sa inis, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya.
"Ano ka ba ha?! Hindi mo ba ako naiintindihan?! Mahal kita! Mahal na mahal!"
Bigla kong naalala na pipi't bingi nga pala siya, kaya naman napapalo ako sa aking mukha dahil sa kahihiyan.
"Mahal din kita."
"Ano?!Nagsasalita ka na?! Nakakarinig ka na rin?! Pero, pa'no?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Nagpa-opera ako para sayo. Mahal din kita."
Tuwang-tuwa ako nang marinig ko iyon.
Nagpagisip-isip ko na mayroon din palang mabuting resulta ang pagsigaw ko.
>++