Teacher! Teacher!

165 7 0
                                    

Accountancy. Ang hirap naman ng napili kong course. Sabi kasi ng nanay ko, marami raw pera sa accountancy lalo na kapag nakapasa ka sa board exam. Si ate naman, sumang-ayon lang sa tanong ko na kung madali ba ang course na 'yon. Si tatay naman, may bago nang naibida sa mga kumpare nya sa hapag-inuman.

Pinaplano ko ngayon kung magtuturo ba ako pagkatapos kong pumasa o kukuha muna ng experience. Di naman kasi ako kagalingan eh - academically. Siguro, if palarin man ako, magtatrabaho muna ako sa ibang industry.

Bakit kamo pagtuturo ang gusto ko?

Kasi gusto ko ring makatulong sa mga BSA students na tulad ko. Tapos, alam mo yung pakiramdam na kahit wala ka namang alam, gusto mong magturo? Parang sira lang diba?

Ewan ko ba. Siguro dahil din sa teacher namin.

Idol ko yung isa kong teacher eh.

Si ma'am. Ang cute cute nga nya eh.

Sa totoo lang, crush ko sya.

Kapag hindi na ako makasunod sa topics, sa ibang lupalop na napapadpad ang diwa ko.

Minsan sa bahay raw naming dalawa.

Minsan naman sa isang sosyal na restaurant kasama sya.

Hanggang sa mapansin ko na lang na tinatawag na nya pala ako sa klase. Recitation.

Tuwang tuwa ako kapag naisasali nya sa exams ang pangalan ko.

Feeling ko special ako. Tapos bigla ko na lang mapapansin na lahat naman pala ng kaklase ko eh ginamit sa exam ang pangalan. Tawa na lang ako. XD

Magfa final exams na.

Malamang huling sem ko na 'to

na maging teacher ko sya.

So plano ko na mag thank you na lang sa kanya sa test paper ko. Sana hindi sya makornihan. At sana, hindi ako mabisto ng mga kaklase ko. Hahaha!

Kapag nagkataon, walang tapos na kantyawan ang magaganap.

Tunay nga naman.

Minsan, dahil sa mga tao sa paligid mo;

Sa mga taong sumusuporta sa'yo;

nagkakaroon ka ng dagdag na lakas at pag-asa. Yung dating simpleng pagsuko na bukam-bibig ko? Binura na ng pag-asa na nagmula sa teacher ko.

:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teacher! Teacher!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon