Ano, Papalag Ka?! [One Shot]

3.1K 106 51
                                    

Author's paepal note:

Hi! Nagdalawang-isip pa 'ko kung ipopost ko na ito o hindi pa. Pero Hala, ito na nga kaysa naman mabulok sa files ko.:D

Enjoy reading. Ang may pinakamagandang KUMENTO ay sa kanya ko ito idededicate.:)

- Shino

***

Ano, Papalag ka?! [One Shot]

By: ShinoIsMyName

"Ano, papalag ka?! Ha? Ha?"

Nauna na siyang lumabas sa room namin. Dadaan na nga lang, makikipag-away pa. Jusko namang lalaki ito! Parang pinaglihi sa sama ng loob eh.

Psh! Heto na naman po siya. Fourth year na kami't lahat-lahat, hindi pa rin siya nagbabago. Siga pa rin siya dito sa school, especially sa classroom namin.

Si Gabriel Lim. Jusko, masabi o marinig ko pa lang ang pangalan niya hindi ko na alam kung kikiligin ba ako o matatakot o maiinis. Oo, crush ko siya.. matagal na! Mula pa noong first year high school kami.

Walang duda, super duper grabe sobra mega gwapo niya kasi eh! Yung makalaglag panty -- este, panga ba? Ang amo-amo pa ng mukha niya. Kyaah! Kinikilig ako! Eh kasi nga, mentally speaking, malandi rin ako. Okay, medyo O.A na ako.=___=

KASO..

Maamo LANG ang mukha niya.

Take note:

Maamo lang ang mukha niya (unli ako, masama?!)..

Eh yun ay kapag TULOG siya!

Napakasiga kasi niya eh. Tapos mabangga mo lang siya, nagagalit na. Kapag sumagot ka, ang lagi niyang litanya..

"Ano, papalag ka?!"

Isama pa yung fierce-looking niyang tingin na parang papatayin ka kapag sinagot mo ng oo.

Shet yan! Kahit ako nga, natatakot sa kanya eh. At the same time, naiinis. Napakaimmature eh.=___=

Kaya nga hanggang ngayon, nagkakasya na lang ako sa pasulyap-sulyap eh. Nako, takot ko lang na lapitan siya!

"Nag-iimagine ka na naman diyan, Carolingling!"

Ay, shete! Mukhang kilala ko na kung sinong balahura ang tumawag sa akin. Tsk, ang ganda ng tawag niya sa akin, SUPER *insert sarcasm here*

Okay, kalma ka lang Carolyn May Mendoza. KALMA! Grr..

"Paliparin kita papuntang Mars eh. Kung makatawag ka sa akin ng Carolingling, Esmeralda Burac!"

Oo nga pala, tama kayo ng basa. Esmeralda Burac ang pangalan niya. Tsk! Kung makaasar, akala mo eh ang ganda-ganda ng pangalan niya.=___=

Ano, Papalag Ka?! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon