MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *9*

259 7 0
                                    

                 Pumasok na ko sa school, nakitako si Jhun na nakaupo, nilapitan ko siya ,umupo sa tabi niya kumuha sa pagkaing kinakaen niya.

" oh ? bakit parang ang haggard mo ? half day na nga tayo pang gabi pa din yang mukha mo"

"Sorry naman a?, super nakakabwisit lang kasi yung mga tao ngayon."

"sino nanaman ba?" di niya dapat malaman , may short term memory loss pa naman toh, baka malimutang sikreto at masabi kina lester na papatayin nanaman ako >____<.

"asan sila lester?" yan change topic tayo.

"ayun oh."

'ha ?Saan?"

"baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" pasigaw na lapit sakin ni Anton!

"ANO BAKET? ANO NANGYARI!?"

"gusto mo sumama ?"

"saan naman?"

"may imimeet kami!"

"ha? sino? part nanaman to ng kalandimmmmmph!"

"wag ka nga maingay!oo! makikipagkita ako sa textmate ko! ano tara? sasama nga sina lester e! tara na!"

"oo na sige na, hindi naman tayo gagabihin diba? may ipagluluto este magluluto pa kasi ako ."

"edi diretso tayo sa bahay niyo."

"osige lang...." diretso sa bahay namin , good idea tutal masiyado na ko nasestress ngayong week na to simula dumating yang ALIEN na Selfish nayan!! ,

ALIEN na selfish.........

. loading 95%,

96,

97

,98,

99,

99 1/2 % ....

loading complete.... SA BAHAY DIDIRETSO SILA? NO! HINDI PEDE!!! BAKA MALAMAN NILA! HINDI PEDE ! NAKAKAHIYA! BAKA PAGUSAPAN AKO!SABIHIN NILA NAGLILIVE IN KAMI!! (WOW ASSUMING)

"HINDI PEDEEEEE!!!" napasigaw ako ng malakas na malakas sa upuan ko! nagising yung alien

," ano ba naman yang bibig mo! ansarap salaksakan ng granada sa baho at ingay!" tinanggal niya yung hood ng jacket niya , nakaheadset naman siya with full volume! oa lang talaga -_-

"pano mo maririnig kung nakaheadset ka?"

"nakakarindi kasi yang boses mo" "edi wag ka makinig!"

"nanigaw ka! sino ba namang di makakarinig nun , palibhasa bingi ka kaya di mo matantsa yung tamang sigaw!" at opo nagaaway nanaman po kami.

 "shut up!whatever"

"bingi"

" Mayabang"

"panget"

"selfish"

"mataba"

"alien!" humarap siya sakin , parang naiinis na ata

. " MANYAK."

"pervert" me masabi lang talaga ko

. " ANONG PERVERT?"

"o bakit hindi ba?"

"sino ba satin jan laging nakatingin sa abs ko?"

"wow! ang kapal ng mukha mo! sobra sobra! never ako naakit jan!" shet nahuli niya kong tumingin sakanya! nakakahiya naman ><

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon