"Ang taray taray takot naman pala sa kidlat." He mumble then chuckle habang nakatalikod sakin.
Nasa loob na ulit kami ng condo ko at ipinaglalagay nya ako sa counter ng makakain ko at ako naman ay nasa may table. Di na ngayon umuulan, ambon na lang. Hmm..naawa sakin ang loko e wala na namang kidlat. *smirk*
"Anong sabi mo?" I asked raising a brow.
"Wala. Tsk. Just eat, okay? Pinag-aalala moko e" Sabi nya habang nilagay nya sa mesa ang pagkain ko. Ano daw? Pinag-aalala ko sya? Tama ba ang pagkakadinig ko? Gosh! Guni guni ko lang siguro yon.
I start munching my foods. The best talaga ang luto ko kahit kelan *o* Nyam nyam nyam nyam.
"Ang baboy mo kumain"Sabi nya at nakangiti ng nakakaloko. Arte e.
"Di nyman kashe taraga ako gonetong kumein. Ginutom mo kashe ako e!" sabi ko habang punong puno ng pagkain ang bunganga ko. Ako pa mismo ang nagsabi sa kanya dati na 'dont speak when your mouth is full' hahaha.
"Ang baboy mo kumain..pero maganda ka parin." Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya, I throw him a questioning look.
"What? *chuckle* Alis na ako a. Babalik ako mamaya. Dito ulit ako matutulog" Sabi nya at..at..
Nagbeso sya sakin? Sa cheeks? Umalis na sya. Gosh! I flushed. What's with him today? Pinagtritripan nya ba ako? Di ako kinikilig. Di talaga ako kinikilig! Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain pero maya't maya naaalala ko parin yung ginawa nya. Orion Brillantes, why are you doing this to me?
Tapos na akong magdayag. I need to shower.
Pagkapasok ko sa CR nakita ko yung neclace nya. I call him.
"Asan ka?/ Hello?"
BLAIRE's P.O.V.
Pupunta pa akong school ngayon kahit saturday ngayon. May tatapusin pa ako e.
Pagkabukas ko ng pintuan si Gleam na panget na not so hot at si Orion ko na napakagwapo agad ang bumungad sakin. Worst is, yakap yakap pa ni Orion si Gleam.
I think nagpapaawa lang sya kay Orion kaya nya ito niyakap. Dumadamoves na si Gleam a. F*ck. It hurts like hell! Akin lang si Orion ko! This girl really has a nerve to frustrate me! Urgh! Nakakairita sya!
But I remember something. Not so fast Gleam. Pagkauwi na pagkauwi ko mamaya galing school, I'll make sure na aking akin na si Orion Brillantes. Tandaan mo yan. Umalis na ako at bumaba ng elevator at nagpunta agad sa school.
Dumiretso agad ako sa laboratory. Matatapos na naman to e. Konti na lang mapeperfect ko na to. Pinatakan ko ito ng one drop of a color pink substance. I stir it. Unti unti syang nagiging kulay tubig. Di nabasag ang beaker, it means perfect yung pagkakagawa ko.
Isinalin ko ito sa maliit na bottle. I called this a LOVE POTION.
I feel my phone vibrating. Someone texted me. I open the message.
From: My love Orion<3
I'm on my way.
Sabi ko kase pumunta sya sa coffe shop. Sabi ko libre ko sya sa pagtutor nya sakin. Pasasalamat kumbaga.
To : My love Orion<3
Okay.
Send.
--Coffee Shop--
Nauna akong dumating sa kanya. Nagpunta na kaagad ako sa counter. Naupo na ako sa tble habang iniintay yung order ko.
Kelangan mas mauna yung order sa pagdating nya para malagyan ko yung coffee nya ng potion. Buti ako lang ang customer na babae dito sa shop. Kase kung sino ang babaeng una nyang makita pagkatapos nya inumin yon, dun sya mai-inlove.
"Hi" Nagulat naman ako dun. Wala na. Andito na si Orion. Wala pa yung order..tss.
"Oh hi. Umorder nako. Hintayin na lang natin" I said then smile a bit.
"Ah okay. You know what, di mo na naman kaylangan manlibre e." he said smiling.
"No. I have to, this is my way of saying thank you" I said.
"Here's your order ma'am" The waiter said putting the coffee on the table.
Patay. Pano ko mailalagay yung potion sa coffee nya?
"Oh thank you" Orion said to the waiter at tumango lang ito at umalis na.
Humigop sya ng kape. Ah! May naisip na ako!
Hinawakan ko sa handle yung tasa at nagkunwaring di ko sinasadyang matapon yun sa mesa. Pero sinadya ko talaga yun *evil laugh*
"Ooops! Can you get me a tissue over there? Please?" Nagulat naman sya sa pagkabubo nung coffe sa mesa. Tumutulo na yung iba sa floor.Tumayo naman sya agad.
Kinuha ko na kaagad yung potion sa bag ko at itinaktak yung kalahati nun sa coffee nya. Nakita kong papalapit na sya kaya dahil sa pagkataranta ko ay tinapon ko na lang sa sahig yung bote.
Di sya kumuha ng tissue at ang dinala nya ay waiter.
"Pakipunasan na lang neto" Sabi nya sa waiter.
"Yes sir" sagot naman nito.
"Io-order na lang kita ng panibago" sabi sakin ni Orion.
"No no no no no. Okay na ko. Wag ka na umorder. Ubusin mo na lang yung coffee mo." sabi ko. Pumayag naman sya.
Mabait lang naman kase sya sakin dahil sabi ko sa kanya kapag nagtaray sya sakin may gagawin akong di kanais nais kay Gleam Demetry everytime na wala sya sa tabi nya. Wahahaha. Pero kahit binantaan ko sya ng ganon, ayoko na ipakita ulit sa kanya yung dark side ko.
Matapos linisin ng water yung mesa ay lumipat kami ng table. Dun na kami sa may malapit sa pintuan. Umupo na kami pareho at hiniwakan nya na yung handle ng tasa para uminom.
Wahahaha. Malapit na. Hinihigop nya na yung coffee. Malapit nya ng lunukin ng bigla kong nakita si Gleam na pumasok sa loob nitong shop at napatingin sya sakin then kay Orion.
"Orion!" tawag ni Demetry kay Orion. Hindi pwede to. Di nya pa nalulunok yung kape. Lilingon na sya kay Demetry! Gosh!
"Sakin ka tumingin!" Sabi ko at mejo napalakas na ang boases ko habag hawak ko ang muka nya para humarap sya sakin.
Saktong pagkasabi ko nun nilunok nya na yung kape. Wooh! That was close. Muntikan na syang tumingin ay kay Gleam, kung napatingin sya kay Gleam sa kanya pa sana sya maiinlab. Buti na lang hinarap ko sya sakin.
"O-Orion." tawag ni Gleam Demetry kay Orion.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa muka ni Orion pero di nya nililingon si Demetry at titig na titig lang sya sakin after 10 seconds nilingon nya na si Gleam.
"What?" Walang gana nyang tanong dito.
"Uh-ah-ano..eto yung kwintas mo. Naiwan mo sa banyo." She stammered habang iniaabot nya yon kay Orion.
Di naman yon kinuha ni Orion at pinagmasdan lang yon, a blank stare.
"I don't need that. Go away. Alis."
---------------------
Hello guys. Inis na inis na kayo kay Blaire ngayon ano? Hahaha. Well, let's move on to the next chapter.