LYKA'S POV
"Sigurado ka ba na hindi papasok si Trisha?" Nakakainis naman kasi hindi yata papasok si Trisha ngayon.
"Oo pinuntahan ko sa condo niya tapos sabi niya di daw siya papasok." Puntahan kaya namin ngayon. Baka kasi nag papahinga.
"Tara na nga pasok na tayo." Sabay na kaming pumasok sa loob ng room. Umupo na kami agad sa likod. Mga ilang oras dumating na din si Ms.
"Okay class may lumipat na taga ibang section dito sa section." Like I care. Pinapasok ni Ms. yung mga lumipat dito sa section namin.
Nalaglag ang panga namin ni Angelique. Talaga bang sinusubukan niya kaming tatlo.
"Okay sige mag pakilala na kayo." Tsk. Bwisit talaga. Okay lang kung si Jeff eh kaibigan namin yan kaso kasama yung dalawa.
"Hello I'm Jefferson Fukui." Ngumiti siya sa lahat. Siya ang pinaka mabait sa kanilang tatlo.
"Gilbert Castillo. Tanda niyo tong gwapong mukha na toh nag iisa lang toh." Tapos nag wink pa siya. Tsk.
"Andrei Lopez." Tsk kala mo kung sino.
"Oh sige Ms. Robi-" May biglang pumasok sa room.
"Sorry I'm late." Wah! Andito si Trisha! Yehey!! Tumango si Ms. sa kanya.
"Oh sige. Angelique please stand up at pumunta kadito sa harap." Agad namang tumayo si Angelique.
"Andrei dun ka sa upuan ni Angelique tabi kayo ni Lyka." Ano?! Ayaw ko nga tsk. Kainis naman.
>>>>
"Bwisit na bwisit na talaga ako isipin mo ba naman katabi ko si Andrei! Pwede namang si Denver na lang!" Sabi ko. Nakakainis na kaya. Classmate ko naman si Denver dapat si Denver na lang.
"Ano ka ba teh-"
"Tao siya." Pilosopong sagot ni Trisha kay Angelique.
"Shut up Trisha. Diba umiiwas ka nga kay Denver tapos gusto mo makatabi siya. Hello?" Oo nga noh. Nawala yun sa isip ko ah.
"Hi..." Ano bang meron kay Trisha.
"Tumigil ka nga Trisha." Nag kibit balikat na lang si Trisha at nag lakad na palayo. Tignan mo yun. Sumunod na pang kami ni Angelique.
"Huy Trisha bakit ka na late?" Tanong ni Angelique.
"Pumunta ako kay na lolo." Simpleng sagot niya. Laking lolo nga pala tong babae na toh. Kasi yung magulang niya bihira lang niya makasama kasi madalas umalis ng bansa.
"Bakit ka pumunta dun?" Tanong ulit ni Angelique.
"Pinag luto ko kasi sila lolo." Walang ganang sagot ni Trisha.
"Ano niluto mo dun?" Tanong ulit ni Angelique.
"Edi yung paborito nila." Iritang irita na si Trisha panigurado.
"Ano ba yung paborito nila?" Tanong ulit ni Trisha.
"Bakit ang dami mong tanong?" Ayun sabi sa inyo maiinis yan eh.
"Hehehe sorry nag alala lang kami sayo kala namin kasi di ka na papasok." Aww sweet naman.
"Ahhh okay tara OMG!" Napasigaw si Trisha kasi binuhos sa kanya yung Ice Tea.
"Hahaha!" Tawa ng tawa si Gilbert sa ginawa niyang pag buhos ng Ice Tea kay Trisha.
"O.M.G.T! As in Oh My Gosh Trisha!" Pinunasan namin si Trisha sheez ang lagkit niyan.
"Galing mo Gilbert!" Nakipag apir pa si Andrei. Sa kanilang tatlo si Jeff lang ang matino sa kanila.
Umorder si Trisha ng Ice Tea at ng Coke. Kumuha siya ng upuan at tinungtungan. Binuhos ni Trisha sa ulo ni Gilbert yung Ice Tea. Tapos bumaba siya dun sa upuan. Tapos binuksan niya yung coke. Nag sip siya ng konti sa coke tapos tinapon niya sa mukha ni Gilbert. Tapos umalis na. Sumunod kami ni Angelique sa kanya.
"You did great Trisha!" Hindi talaga siya nag papatalo.
"Tsk. Mag papalit na muna ako." Umalis si Trisha sa harap namin.
"Ang astig talaga nun." Tuwang tuwa pa si Angelique eh.
"Kain na muna tayo." Tumango naman si Angelique. Umupo kami ni Angelique sa may bakante at kumain. Mga ilang minuto ang nakalipas ay natapos din ako. Dumating din si Jeff at tumabi kay Angelique
"Uy Angelique paki sabi na lang kay Trisha sorry sa ginawa nung mga kaibigan ko ah." Sabi ni Jeff.
"Ah shige shashabihin ko." Sagot ni Angelique. Kanina pa yan kumakain di pa din tapos.
"Jeff tanungin mo nga sa kanila kung anong problema nila sa amin." Simpleng sabi ko. Isipin niyo naman kasi para silang mga t*nga
"Sige tatanungin ko sila. Una na ako baka hinahanap na ako nung dalawa dun." Umalis na si Jeff. Dumating naman si Trisha ng naka P.E uniform.
"Trisha kumain ka oh binili ko toh sayo." Umupo sa tabi ko si Trisha at kinain ang mga binili kong pag kain sa kanya.
"Alis tayo mamaya." Aya ni Angelique.
"Gora ako diyan." Sangayon ako diyan noh aalis eh.
"Di ako makakasama may duty ako ngayon sa café." Ay oo nga pala may work nga pala tong babae na toh.
Come to think of it may trabaho yung parents niya pero nag tatrabaho pa din siya. Yung condo niya yung car niya lahat yun galing sa parents niya tapos yung pera na kukuha niya sa trabaho niya yun yung paggastos niya. Tapos yung pera ng parents niya na pinapadala sa kanya lahat yun na pupunta sa lolo at lola niya. Sabi niya kasi sa akin nun na may panggastos naman na daw siya kaya sa lolo at lola na lang daw niya yun.
"Sige tutulong na lang kami sayo ni Angelique. Diba?" Agad naman tumango si Angelique.
"Tara na." Tumayo na si Trisha at nag lakad na. Mang iiwan talaga tsk.
Sumunod na kami ni Angelique sa kanya. Pumunta kami sa room namin at sheez makakatabi ko pala yung mayabang na yun.
Nakita kong nakatingin sa amin yung dalawang mayayabang. Dumiretso si Trisha sa upuan niya kahit labag sa kalooban niyang umupo sa tabi ni Gilbert ay no choice lang talaga siya. Umupo na din ako.
"Matapang pala kayo ah." Sabi ni Andrei. Lyka wag mong pansinin yan.
"Sinasabi ko sayo hindi na magiging tahimik ang buhay niyong tatlo dito sa school... tandaan mo yan." Binabantaan niya ba kaming tatlo?! Ano bang problema niya!
°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°
Thank you po sa lahat ng sumusoporta sa story ko! Sana po patuloy niyo pong suportahan ang I Love Everything About You pati din yung Endless Love.
Thank you ♡
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
I Love Everything About You [On- Hold]
FanfictionKaya niya kayang tanggapin ako, kagaya ng pagtanggap ko sa kanya? ○~○~~○~○~○~○~○~○~○