Dali dali akong bumaba sa jeep ng makita kong nasa tapat na ako ng school namin. Kelangang ko ng magmadali dahil malapit na ang deadline na ibinigay samin ng prof namin para isubmit ang thesis namin. Isa akong graduating student sa kursong BS in Mass Communication. Nagkalat ang mga estudyante ngayon dahil wlang klase dahil ng Foundation week ng school namin. May students fair pa kaya masaydong masikip sa daan.
"excuse me po.. Makikidaan lang po saglit"saad ko sa mga taong nakahara sa daanan ko.
Nagulat naman ako ng biglang..
"huli ka!" sabi ng isang matangkad na lalaki na may kasamang babae at may dalang posas.
"ahm kuya pede po pass muna oisa submit ko pa kasi 'tong thesis ko eh malapit na ang deadline." pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
"yan lang ba problema mo? Dont worry ako na bahala jan akina." sagot naman sakin nung babae sabay kuha nung folder na hawak ko.
Wala na akong nagawa kundi sumama kay kuya. Habang naglalakad kami ay itnxt ko naman si Geca na tulungan ako na makalabas sa jail booth.. Pero laking gulat ko ng sa MARRIAGE BOOTH ako dalhin ni kuya at sinuotan ako ng isang mahabang puting dress with matching belo bouquet at piring pa. Kung minamalas ka nga naman. Buti sana kung ung ultimate crush ko ang ipakasal nila saken. Hayy sana si Joseph Cenon nalang ang maging groom ko.. Maya maya naman ay nagsalita na ung kunwaring pari.
"Miss Xzareina Ferrer do you take Mr. Joseph Cenon as your lawfully husband for better or for worst for richer or for poorer in sickness and in health till death do you part?" nagkanriringgan lang ba ako o nag hahalucinate na ako?
"i do na yan!"sigaw ng isang lalaki.
"wala namang tatanggi sa isang Joseph Cenon" sabat naman nung isa. So totoo nga?
"yes i do" yun nalang ang kinaya kong isagot sa kanya.
"Mr. Joseph Cenon do you take Miss Xzareina Ferrer as your lawfully wife for better or for worst for richer or for poorer in sickness and in health till death do you part?"
"yes father i do" mabilis na sagot nya na parang bang hindi man lang pinag isipan. Bakit ba nga naman kelangan pang pag isipan eh kalokohan lang naman to.
"okay i now announce you as husband and wife you may now kiss your bride." naramdaman ko nalang na dumampi ang labi nya sa labi ko. Parang nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy samin.
Bigla naman nyang tinanggal ang piring ng aking mga mata. Nung una ay hindi ko pa masyadong maaninag pero ng kalaunay nakita ko na siya na nakaluhod sa harapan ko.
"Xzareina alam kong masyadong mabilis pero ayoko namang maunahan pa ako ng iba, pede bang maging Mrs. Xzareina Ferrer- Cenon kana lang?" nagulantang ako sa tanong nya.
"oo" nalang ang naisagot ko sabay ng pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
Akala ko ay hanggang pangarap nalang ang lalaking aking hinangaan at minahal. Ngunit parehas lang pala kaming naghihintay sa isat isa.
Parehas lang pala kaming may Lihim na pagmamahal na ngayon ay nalaman na ng mga tao sa paligid namin. Padalos dalos man ngunit alam namin sa sarili namin na tama ang ginagawa namin. Na pagmamahal ang magpapanatili samin kalakip ang tiwala sa isat isa at kontento kung ano ang meron kami.
<3 END <3
---
sana po ay nagustuhan nyo ang first ever one shot story ko. Salamat po sa pagbasa.
- ren <3