CHAPTER TWENTY SIX
MALAKAS ang kutob nya na kilala nya ang taong nagpapadala ng mga death threats sa kanya. Kinuha nya ang itim nyang bag at lumabas na ng kanyang silid. Makikipagkita sya kay McLaren dahil alam na ng mga ito kung sino ang taong iyon kaya lang ay ayaw pa sabihin sa kanya.
"Aalis po kayo Miss Charlton?" Tanong ng kasambahay nila ng masalubong sya sa sala.
"Pupunta lang ako kila McLaren." Kilala naman ng mga ito ang mga pinsan nya.
"Ngayong gabi po kasi ang dating nila Sir Clarkson at Madam Amber ipinagbilin po nila na kung pwede ay huwag kayong umalis ngayong araw."
"I'll be home before they arrive." She lied.
"Okey po."
Mamayang gabi kasi nila kakastiguhin ang taong may lihim na galit sa kanya at napagplanuhan na nila iyon. Sumakay sya sa silver nyang sasakyan bago pa man makita sya ng kuya Cassidy nya.
"Ano ng balita?" Pambungad na tanong nya ng makapasok sa loob ng Red Scorpion Club. Nasa conference room sila.
"Confirm na."
"Na?"
"Sya nga ang nagpapadala sayo ng mga iyon."
"Paano nyo nalaman?"
Mayabang na tinignan sya ni McLaren na sinasabing 'walang imposible sa amin' kaya inirapan nya ito at kumuha ng maiinom.
"Hindi ka pwede nyan Charlton." Lumipad ang mata nya kay Lexus na nanonood ng movie. "Bawal sayo 'yan."
Inangat nya ang beer na nakuha nya sa ref. "Kailan pa naging bawal sakin ang uminom ng beer?"
"Gusto mo bang lumabas lahat ng sampaloc dyan sa tiyan mo?" Bigla syang napahawak sa tiyan na pakiramdam nya ay nagkakabilbil na. "Kapag uminom ka ng beer siguradong isusuka mo lahat ng kinain mo."
Nakatikwas ang nguso na ibinalik nya ang bote ng beer at kumuha na lang ng pineapple juice. Bumalik sya sa upuan nya at kinalkal sa bag nya ang baon nyang sampaloc.
"Hindi pa din ba natatapos ang pagkain mo ng sampaloc na 'yan?" Tanong ni McLaren na hindi pa man ay nangangasim na ang itsura. "Hindi ba maasim 'yan at mapakla?"
"Hindi ha, tikman mo pa." Inabot nya dito ang isa pero nahinanatakutan na lumayo ito sa kanya. "Tikman mo!" Pinandilatan nya ito. "Isa!" Binigyan nya ito ng masamang tingin. Inambahan nya pa na ibabato dito ang hawak nya.
"Oo na." Napipilitan na kinuha nito sa kanya ang sampaloc at nagtatatlong isip kung kakainin ba nito or what.
"Kainin mo 'yan at huwag na huwag mong itatapon kundi isusumbong kita kay tita Valerie na nagsasayang ka ng pagkain."
"Idinamay mo pa si mommy."
"Syempre." Pinagmasdan nya ito ng inumpisahan na nitong kainin ang sampaloc, tulad ni Ryxer hindi rin maipinta ang gwapong mukha nito. "Masarap di ba?"
"Oo masarap!" Mabilis na sagot nito singbilis ng pag-ubos ng bottled water sa ibabaw ng lamesa ng inumin nito iyon.
Nakikita nya sa peripheral vision nya na nagsisitayuan na ang mga kasamahan nya doon kaya naman inunahan nya na ang mga ito sa pintuan at humarang doon.
"Lalabas ka?" Tanong nya kay Alex. "Bago ka lumabas dapat tikman mo muna ang sampaloc na dala ko."
"Hindi ako lalabas ha." Bumalik ulit ito sa kaninang pwesto nito.
"Mazda, lalabas ka?"
"Hindi." Nilagpasan sya nito at nagkulong sa kwarto. Halatang iniiwasan sya. Masarap naman ang sampaloc pero bakit ayaw ng mga ito.
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...