Eighteen : I want you

10 0 0
                                    

Ayesha's POV

I woke up with a start. Two weeks have passed since that incident.

Two weeks. Masyadong maraming pwedeng mangyari sa two weeks na yan.

Tulad nang.. officially, balik bitchy mode na talaga ako. Mas malala pa nga kaysa nung una.
Next, School Fest ngayon. At kakatapos lang ng play namin. Lahat sila, nasa Theatre Room pa din. Ako? Nandito ako sa may rooftop. Nagpapahangin.

In two weeks, lumayo ako sa kanya. Kinakalimutan ko na yung feelings ko sa kanya na alam kong lumalim na.

Nang makauwi kami nun, si Coleen ang umasikaso sa kanya kahit na iniinsist ni Mike na sya na lang. Si Louise ang umasikaso sa akin.

Ngayon ko napatunayang minsan, hindi totoo yung kapag masaya na yung mga taong mahalaga sayo, magiging masaya ka na din. Seeing my bestfriend and the man I like so much hurts. Yung tipong hindi na ako makahinga?

Naalala ko pa yung scene na yun..

===================================

"P-please.. Blake.."

  Tumango sya at binitiwan na kami ng mga tao nya. Kahit hinang hina, agad akong lumapit kay Steve.

"S- Steve.." kahit naiiyak na ako sa di malamang dahilan, pinigilan ko na lang.
"S- Sorry Yesh. H-hindi na... naman kita.. naip-pagtanggol. Lag---"
"Manahimik ka na nga! Bobo ka talaga!"

  Pinahid nya yung tumulong luha sa mata ko. At ngumiti.

"About.  The thing I wanted to t-tell.. you--"
"Pwede pang maghintay -yun. Diba?"
"Hindi. I- I want you to know that I like you. Damn much! I want you.."
"St---"
"Tama na ang drama. Get him out of here."

  May pinindot si Blake sa phone nya. At hinila ng mga tao nya si Steve palabas.

"Saan mo sya d-dadalhin?!" Sabi ko habang pimipilit kumawala sa hawak nya.
"May pag uusapan pa tayo Ayesha. And I want it to be private."

  Hindi ako nagsalita. Dahil natatakot ako para kay Steve.

Hinawakan nya yung buhok ko na parang sinasabunutan na ako. Hindi naman ako makalaban dahil nanghihina na talaga ako.

"I want you. That's all I wanted Ayesha! Ever since! You dont know how much I love you! Pero kinaya mo akong ipagpalit para lang sa grupo mo!" Sabi nya ng madiin.
"They're much worth it than you are."

  Sinampal nya ako ng malakas. Wala kong nagawa kundi magtiis.

"I will tell you this. Nasa dulo ng bangin ang mga tauhan ko at ang minamahal mong  si Steve."
"WH--"
"Manners Yesh. Manners. And once you dont agree, they will simply.. push him. Sounds great?"
"Damn you Blake!"

  Napangisi na lang sya. At ngumiti.

"I want you to be part of my group. I want you to be my queen. If not.."
"Give me.. some time. Please."
"And tell that to Vincent? Hindi ako tanga Ayesha."
"I want to clear it out first. Give me a month."

Tumingin sya sa akin. At nilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya naman iniwas ko na ang mukha ko.

"Okay. Remember Ayesha.. may isa pa akong alas na pwedeng pumatay sa mahal mo kapag hindi ka sumunod sa usapan."

Nang umalis sya, napaupo na lang ako. At umiyak.

Bakit ba? Bakit ba 'to nangyayari? Hindi naman ganito si Blake eh. Hindi sya ganito kumilos!

At paano.. paano ko 'to gagawan ng paraan? Paano ako aalis sa sitwasyong 'to?!

Tumayo ako ng pilit nang maalala ko si Steve. Pero bago pa ako makalabas, may mga braso nang bumuhat sa akin.

"Ayesha.. kaya mo yan. Okay?"
"E- Ethan..?"
"You can just call us you know. I'll be always there. I want you. So dont put yourself in that situation again."

  Ewan ko nga kung imagination ko lang lahat ng narinig ko. Pero bago yun, nakatulog na ako sa braso nya.

======================================

Since then, umiwas na ako. Binilisan ko na lang ang improvement ng play. Pinabago ko din ang Buddy system. Ipinalit ko si Ethan.

  Nang una nga, nagtaka pa ang lahat kung bakit pareho kaming sugatan ni Steve. But I just ignored everything.

At ito na nga.. wala na ulit akong kinakausap maliban sa barkada. Kami ni Coleen, minsan na lang din.

Ayokong ilagay na naman kasi Steve sa alanganin. Ayokong mapahamak na naman sya dahil sa akin.

Dahil mismong ako, nararamdaman kong may nagmamasid sa amin palagi. Na laging may nakaabang sa isang maling galaw ko.

  Sa sinabi ni Blake, ayoko. Hinding hindi ko yun gagawin. Hinding hindi ko yun gagawin. At nag iisip pa din ako ng paraan para hindi sumali sa kanila. Nang walang nadadamay. Nang walang gagalaw kundi ako lang.

"Yesha?"

  Lumingon ako sa pinto ng rooftop.

  Walang emosyon ko syang tinitigan habang naglalakad sya papunta ng tabi ko.

"Bakit wala ka dun?" Tanong nya.
"Obviously, dahil nandito ako." Sarcastic kong sagot.

  Napatawa sya ng kaunti kaya naman napataas bigla yung kilay ko.

"May nakakatawa ba?"
"May bagay pa ding hindi nagbabago sayo."
"Oh talaga? Then I dont care."

  Tumayo na ako at lalabas na sana ng rooftop. Nawawala lahat ng drama vibes ko dun eh. Paano ba naman? May umepal.  >__<

Pero nagsalita sya habang nakatingin pa din sa langit.

"Alam mo Ayesha? Baliw ka talaga! Kung kailan naman sya umamin sayo atsaka ka lumalayo. Eh obvious naman na gusto mo din sya."
"So what's your point?" Sabi ko.
"Hindi ako nanahimik lang para sa wala."

  Tumingin sya sa akin ng nakangiti. Ako naman, ganun pa din. Walang emosyon. Pero nawala yung ngiti nya sa sinabi ko.

"Edi wag ka na manahimik ngayon. Sayong sayo na si Steve, Coleen. Hindi na ako eekstra. Dahil simula pa lang, kayo na dapat diba?"
"Wh-what?"
"Be happy Coleen. Just for me."

Then I walked away. The thing that hurts the most? Yun yung pinakawalan mo yung bagay na gustong gustong mo para sa kaibigan mo. Kahit sabihing dapat masaya ka na para sa kanila, hindi pa din nun maaalis lahat ng nararamdaman kong sakit.

Sana mawala na agad ang pakiramdam na ito. Sana makalimutan ko na agad ito.

Naglalakad ako sa may garden ng school at pupunta sana sa may office ko sa tabi ng library nang may tumawag sa akin mula sa likuran ko.

"Ayesha!!"

  Sila Vincent. Kung may mga taong hindi ako nagbago ng pakikitungo, kanila Vincent yun. Kay Louise, hindi din. Kay Coleen lang talaga ako lumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mike.
"Sa office sana. Wala namang magawa eh. Ang boring na dito." Sagot ko naman.
"Tara sa bahay! Inom tayo!" Yaya naman ni Dennis.
"Tara sige!"

  Friday naman na bukas eh kaya ayos lang.

Naglakad na kami nang may lalaking nakabunggo sa akin.

"Ano ba? Bulag ka ba?" Sabi ko. Napapailing na lang sila Vincent sa inaasal ko.
"S-sorry Ay--"
"Ayesha? Close tayo.. saglit nga. Namumukhaan kita eh." Nag iisip pa ako nang mag salita si Ethan.
"Lucas Lee. Yung humarang sayo sa room noon."

Napatingin ako sa kanya. Oo nga. Yung kaibigan ni Steve.

"Nananadya ka ba o ano?"
"H-hindi po.."

Itinulak ko sya.

"Makita ko pa ulit ang pagmumukha mo humanda ka sa akin. "

At lumakad na ako. Bwiset!

Nang makarating kami kanila Dennis, nag inuman na kami.

At doon na kami nakatulog.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon