JAYZEN
I can't stand while watching someone suffer. I'm sure, she had enough. Kung ano man yon... Siguro may kinalaman sa daddy niya.
Yakap-yakap ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi pa siya tumitigil sa pag-iyak. Siguro, ngayon niya lang nalabas ang sakit ng pinagdadaanan niya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nag-decide akong iuwi na siya. Sa tagal namib dito ay nakapagsalita na siya at sinabi niyang patay na raw ang Daddy niya.
"Come with me I'll take you home..." Tumayo na ako at inilahad ang kamay ko sakanya. Tumango naman siya at kinuha na rin ang kamay ko. Hindi ko binitawan ang kamay niya kahit nakatayo na siya. Hanggang sa maglakad kami ay hawak-hawak ko ang kamay niya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga students pero hindi nalang namin pinansin. Nasa gate na kami ng hinarang kami ng guards.
"Sir, bawal pa pong umalis. Oras pa po ng klase."
Tinignan ko naman si Lizzy, tulala pa rin siya. Binitawan ko ang kamay niya at lumapit sa guard. Binulong ko sa guard na kung pwedi lumayo kami ng konti.
"You know her, don't you?"
"H-ha? Kilala ko po siya. Alizuma siya eh."
Tumango-tango ako.
"Ganon po ba, so alam mo na na namatay ang daddy niya. She needs to go home kaya please lang manong..."
Tumango lang siya at agad na binuksan ang gate. Eto kasi yung front gate.
Binalikan ko si Lizzy at hinawakan ko ang kamay niya.
"Let's go?" Tanong ko sakanya.
Tumango lang siya. May pilahan ng tricycle sa may kabilang daan kaya doon kami pumunta. Wala kasi yung driver ko at wala pang taxi dahil maaga pa at hindi pa uwian.
"Saan po?" Tanong nung driver.
"Alizuma residence kuya." Sagot ko at agad naman siyang tumango at nag-ready na. Pinapasok ko na si Lizzy habang hawak-hawak ko parin ang kamay niya. Ng makapasok na siya ay hindi niya pa binibitawan ang kamay ko kaya nagsalita na ako.
"Uhh... Sa likod nalang ako para hindi ka masikipan dito."
Napatingin naman siya sakin at sa kamay namin. Agad siyang bumitaw at ngumiti ng kaunti.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila at makikita mo ang daming van and cars na naka-park sa labas ng bahay.
Ng makababa na kami sa tricycle ay hinawakan ko ulit ang kamay niya. Napatigin sa amin ang mga tao pero dumiretso lang kami sa loob. I think she needs to rest.
Nakasalubong naman namin si Opti, hindi siya agad nakapagsalita dahil nagulat siguro siya sa amin.
"L-Lizzy... Jayzen... Come in.." Sabi niya sakin ng makita na parang hindi siya nakikita ng kapatid. "Sige pasok na, ako na bahala sa mga tao at sa mommy namin."
Tumango lang ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. Ako yung nangunguna dahil parang wala pa rin si Lizzy sa sarili.
"M-Miss Lizzy Kumain na po ba kayo?" Tanong ng isang katulong nila.
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...