Chapter 18 -- Perks of being a Martyr

5K 73 4
                                    

Kahit na nagkaroon na ng lamat ang relasyon nina Ervic at Carlyn ay ginagawa pa rin ni Carlyn ang tungkulin niya bilang asawa. Pinaghahanda ng pagkain si Ervic, pinag hahanda ng damit sa trabaho, at kung ano-ano pa. Naging mas maasikaso siya ngayon sa asawa na animo'y walang nangyaring problema sa kanila.



Ayaw nang isipin ni Carlyn na habang nasa labas ang asawa ay nakikipagkita ito kay Natalie. Dahil baka lalo lang masaktan at mahirapan ang kanyang damdamin. Okay ng umuuwi sa kanila ang asawa. Martir na siya kung martir, wala siyang pakialam do'n. Basta ginagawa niya lahat para manumbalik ang dating sigla ng relasyon nilang mag asawa.


Hindi pa rin maiwasan ni Natalie ang mag alala kay Ervic. Lalo pat magkasama pa rin hanggang ngayon sa iisang bubong si Ervic at ang aswa nito. Ayaw niyang isipin na baka isang araw ay siya naman ang iwanan ni Ervic. Pero may tiwala siya dito, at ang tiwalang 'yon ang nagpapatibay sa kanya na siya lang ang mahal nito.



Nasa isang Italian restaurant sa mall ngayon si Natalie at may ka meeting na isang kliyente. Actually papatapos na ang meeting nila. Gusto kasi ng kliyente na si Natalie ang maging official na photographer niya sa 7th birthday ng anak nito. Nagkasundo naman sila sa serbisyo at presyo kaya natapos agad ang meeting nila.



Pag alis ng kliyente sa restaurant ay napatingin sa labas ng resto si Natalie at nabigla siya ng makita si Ervic kasama sina Nicko at Carlyn. Mukhang masaya pa ang mga ito na namamasyal. Nakahawak pa ang mag asawa sa magkabilang kamay ng anak nila. Nakaramdam agad ng selos at sakit si Natalie kaya agad niyang nilapitan ang mga ito. Nagulat pa sina Carlyn nang makita si Natalie lalo na si Ervic.



"So, how's your Family Day?" May pagka irita sa boses ni Natalie.



"Masaya na sana kaso bigla kang umeksena." Pabalang na sagot ni Carlyn.



"Ervic, anong ibig sabihin nito? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"


"Baka nakakalimutan mo, isa kaming Pamilya kaya walang nakakapagtaka kung lumabas man kaming tatlo. Magtaka ka kung may sumisingit na isang babae na hindi naman kasali sa eksena."



Napatingin ng masama si Natalie kay Carlyn. "Tama ka, sa mata ng marami isa kayong Pamilya. Pero sa puso at isip ni Ervic akin siya,ako ang mahal niya." Tsaka niya kinawit ang braso niya sa braso ni Ervic. "Kaya ikaw dapat ang mawala sa eksena."



Hindi maintindihan ng bata ang mga nangyayari. Palipat lipat siya ng tingin sa kanyang Mama at kay Natalie.


"Pwede ba huwag kayong mag eskandalo dito? Huwag kayong mag away sa harapan ng bata." Sabat ni Ervic sa dalawa.



"Kung ayaw mong mag eskandalo ako dito, sumama kana sa'kin."



"Hindi sasama sayo ang asawa ko." Matapang na sabat ni Carlyn kina Natalie.



"Mama, Papa, Tita Natalie, bakit kayo nag aaway-away?" Hindi na tuloy maiwasang mag tanong ng bata sa mga nangyayari.



Hinila ni Ervic si Natalie medyo malayo kina Carlyn. "Natalie, pagbigyan mo'ko kahit ngayon lang."



"Ano 'to? Habang nakatalikod ako, okay na pala kayong dalawa? Nagkabalikan na? Tapos ako nag mumukhang tanga?"



"Mamaya na'ko magpapaliwanag sa'yo, pero sana initindihin mo muna ako ngayon."



"Ngayon mo na ipaliwanag." Inis na sabi ni Natalie.



"Si Nicko ang nagyaya na lumabas kami. Syempre hindi naman namin matanggihan, ayaw naming mag tampo yung bata kaya pinagbigyan na namin."



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon