*Hanny's POV*
Nandito na kmi sa harap ng bahay nila.
"Nandito na pala si mama. Mabuti naman."
Kinakabahan ako kasi baka di ako makita ng mama nya at mawawalan na ako ng taong makakasama sa mga natitirang buwan ko.
"Ma nandito na ako."
"Anak mabuti nandito kna may dala akong midnight snacks."
Nakatalikod pa yung mama nya kaya di ko pa alam kung may 6th sense din sya.
"Mama may papakilala ako." This is it... Haharap na ang mama nya... Then...
/nahulog ang pinggan/
Nag sign na lng ako ng wag muna syang maingay.
"Ah sorry anak nagulat lng ako ng may dala ka ditong babae he-he-he."
Nakahinga naman ako ng maluwag kasi di sya nag panic at confirm pamilya sila ng may 6th sense.
"Ah tita tulungan ko na kayo." Kinuha ko na tong oppurtunity para makapag usap kmi. Kailangan ko munang mag concentrate kasi kailangan ko magbuhat ng gamit ng tao.
"Salamat iha. Gab ayusin mo na dyan yung lamesa kakain na tayo."
Nakarating na kmi sa kusina.
"Leave..." Inaasahan ko na yun ang sasabihin nya.
"Opo sorry po di ko naman ginusto na mangyari to."
"Pero bakit ganun? Mula ng bata sya napilit na namin na hindi bumukas ang third eye nya."
"Hindi ko po alam nagulat lng po ako na nakikita nya ako sya pa nga yung pumansin sakin kasi akala ko di nya din ako nakikita."
"Ma matagal pa ba kayo dyan?"
Nagulat kmi kay Gab at nag madali sa pag ayos ng pagkain.
"Susunod na kmi Gab."
"Okay ma ako na magdadala nito."
"Gawan mo ng paraan para maka alis kna dito. Takot ang anak ko sa multo ayoko na bumalik na naman sya sa dati."
"Opo sorry ulit."
Papunta na kmi sa salas. Dito na ba magtatapos ang panandali an kong kasiyahan? Tatlong buwan lng naman eh.
"Gab... Aalis na ako."
"Ha? Bakit naman Hanny?"
"Yung sundo ko kasi natawagan ko na gamit yung telepono nyo. Salamat sa pagpapatuloy sakin. Salamat din tita."
Naglakad na ako palabas ng bahay nila. Gusto kong umiyak pero di naman lumuluha ang multong katulad ko. Mga emosyon na hindi ko naman mailalabas.
"Teka lng Hanny."
Na tigil ako sa pag emote ko kasi hinabol pala ako ni Gab.
"Oh bakit mo ko hinabol?"
"Stop lying."
Seryoso syang nakatingin sakin kaya napayuko na lng ako.
"Sorry pero I have to go."
Tinalikuran ko na sya. Di kasi to pwede.
"Stay here. Beside me."
Napatigil ako sa sinabi nya. Alam ko na empty words lng yun nakokonsensya lng sya.
"I can't Gab."
"Si mama ba?" Tumahimik na lng ako ayaw ko ng palakihin tong usapan na to.
"Gab come here bakit mo ba sya sinundan?" Narinig ko yung mama nya na sumisigaw galing sa pinto ng bahay nila.
"Pumunta ka sa maliit na bahay malapit sa guard house wala ng tao dun. Dun ka magpalipas ng gabi."
"Ha? Te-teka." Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi tumakbo na sya papunta sa bahay nila. Lumingon sya at nag wave.
Ewan ko kung ano ang ibig sabihin nito pero isa lng ang nararamdaman ko. Tuwa kasi nakakaramdam ako ng pag asa.
A/N: hi guys its so lame right? Hahaha napa english? Char!
VOTE, COMMENT, & BE MY FAN :)
BINABASA MO ANG
My Lovely Ghost [Short Story]
JugendliteraturMy Lovely Ghost Summer na kaya madami ng araw ang magiging boring pero what if isang araw makakakilala ka ng isang babae na AKALA mo NORMAL pero yun pala ikaw lng nakakakita sa kanya dahil isa syang multo... Anong gagawin mo? Alamin kung ano ang gin...