⚽ Chapter 11 ⚽

13.2K 326 10
                                    

-Ligaw 101 Week 5 -

Dominique's POV

"Hmm...bakit mo ako pinakilala sa mga kaibigan mo?" tanong ko kay Wyatt na siyang nagmamaneho ng kotse pauwi.


Nagkibit-balikat ito. "Didn't you like it? Knowing my friends, I know they'll like you and you in turn."


"S-si Ai, siya lang ba ang babaeng kabarkada niyo?"


Lumamlam ang mga mata nito at ngumiti. "Yes. She's our princess. Mula pagkabata niya kasama na niya kami. She's just sixteen you know."


"Sixteen? Ang bata niya naman."


"Yup and she acts like a twenty year old lady. Pakiramdam ko she's making herself act a bit older than her age because of us."


"Mukha siyang prinsesa. Sobrang ganda niya at sopistikada. Ganun din ba yung nililigawan mo?"


"Ai looks sophisticated because of her family. They want her that way. Kaya sa tuwing kasama niya kami doon niya lang nalalabas kung ano ba talaga siya. And about the girl I am courting she's a whole lot different from Ai."


"Eh parang si Ai ang tipo ng babaeng magugustuhan ng lahat ng lalaki."


Ngumiti ito muli. "Ai is like the sister I never had. She's my princess alright but not the princess I would spend my life with."


"Ang gulo mo naman eh. Hindi na kita naiintindihan." Nilingon ko siya. "Ano na palang plano mo?"


"How about you we observe how couples date. Maybe I can get ideas."


"Alam mo Wyatt, sa tagal nating magkasama isa yan sa mga magandang ideyang nasabi mo."


"Can I ask you a favor?"


Pinaikot ko ang mga mata ko. Eh ano pa nga ba. "Ano nanaman?"


"Pwede ba nating subukan yung jologs date?"


Ano nanaman bang iniimbento nito? "Anong jologs na date ba ang pinagsasabi mo?"


"Hmm...the one where we eat fishballs or ride jeepneys or strolling in the park."


"Gago ka ah? Anong jologs ka diyan. Palibhasa kasi mayaman ka kaya jologs na yun sayo. Yun naman talaga ang tunay na date kung hindi mo lang alam Mister Hernandez."


***


Ngayon ay nandito kami ni Wyatt sa parke. Napagkasunduan namin na iwan ang kotse niya sa mall at babalikan nalang namin. Nang makarating kami sa parke ay halata sa hitsura nito na hindi ito sanay sa gagawin namin.


Mula ng dumating din kami ay pinagtitinginan na ito ng mga tao. Halata kasi na anak mayaman ito mula ulo hanggang paa. Aha! Doon tayo magsimula.


"Uhm, Wyatt?"


"Yeah?"


"Mukha ka kasing pagdidiskitahan ng mga mandurukot. May naisip akong ideya."


Hinawakan ko ang kamay nito at hinila ito palapit sa isang tiangge.


"What are we doing here?"


Halata rito na ngayon lang ito nakarating sa lugar na ganoon. Siyempre, isa itong mayaman. Malamang, laman ito ng mga mall.


"Mukha ka kasing mayaman. Dapat magmukha kang normal na tao."


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon