Six

1.8K 103 59
                                    

"Ate Ara, sige na magkwento ka na!!!" Pilit sa akin ni Des.

"Oo nga Ate, para naman kaming others niyan eh." Dagdag pa ni Kianna.

"Ganyan yan, hindi nagkukwento!" Sabat pa ni Aduke

Nung isang araw pa ako kinukulit ng mga 'to na ikwento ko kung paano naging kami ni Thomas.

"Basta yun na yun at kami na!" Sabi ko sa kanila.

"Bakit parang ang bilis naman ata? Ni hindi ko naman yun nakikitang kasama mo 'te Ara." Tanong naman ni Justine na nagluluto sa kusina.

"Eh basta nga. Wag na makulit." Sagot ko naman sa kanila. Hay, kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanila para tumigil na sila katatanong kaso masyadong komplikado.

Nagpout naman sila. "Hindi nyo ako madadaanan sa mga ganyan!" Natatawa kong sabi sa kanila.

"Wag niyong pilitin si Daks, feeling nasa cloud nine pa yan dahil sila na ni Thomas." Sabi ni Mika na bumababa sa hagdanan.

Kinindatan naman niya ako.. At iyon natahimik na sila kakatanong sa akin.

Bigla namang dumating si Carol na abot tenga ang ngiti. At tumabi sa akin.

"Anong problema mo Carol?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Ngumiti lang siya sabay inabot sa akin ang isang paper bag.

Binuksan ko naman ito "Wow cookies! Thank you Cars!" Masaya kong sabi sa kanya.

Kumuha naman ako at sila Mika "In fairness ang sarap ha, Carolina. Saan mo nabili 'to?" Tanong ko.

"Patikim nga." Sabi niya sabay kuha ng isa. "Actually, di ko yan binili, di ako ganoon kabait para ilibre ko kayo nang walang dahilan." Sagot niya. "May nagpapabigay lang niyan sayo."

"Huh? Sino?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Thomas!" Sagot niya at biglang nagtilian ang mga kasama ko.

Nilapitan naman ako ni Aduke tsaka inayos-ayos yung buhok ko. "Iba naman pala. Ang ganda mo 'te Ara!" Sabi niya.

"Ang sweet naman ni kuya Thomas! Sana ganyan din si Dudut." Kinikilig na sabi ni Kianna.

Natatawa naman ako sa mga 'to. Kung alam niyo lang guys! Ngumiti nalang ako sakanila.

"Wala eh, Ara Galang yan!" Sagot naman ni Mika.

"Pero bakit naman niya ako bibigyan ng cookies eh wala namang okasyon..." Sabi ko sa kanila.

"Ate Ara, ganyan talaga kapag in love. Bubusugin ka nila sa pagkain at pagmamahal." Kinikilig na sabi ni Des.

Kumuha naman ulit si Mika ng isa "Di ba kay Bang nagbibigay ka din before? Parang ganun lang yun." Sabi niya habang ngumunguya.

Kumain din ako ng isa. "Pero, di naman ako nagdedemand na bigyan niya ako ah. Si Bang kasi kaya binibilhan ko eh dahil nagpapabili siya sa akin."

Naaalala ko na naman yung mga effort na binigay ko at yung mga perang nagastos ko kay Bang. Mapapakanta nalang ako ng Sayang na sayang talaga...

"Iba naman kasi yung ex mong yun na feeling na sakanya na ang lahat. Lagi nalang may tweets na craving for ganito ganyan. Minsan gusto ko siyang tanungin kung ginugutom ba siya sa bahay nila para umasta siya ng ganun." Naiinis na sabi ni Carol.

"Oo nga! Akala niya ikagaganda niya yung ginagawa niya." Pagsangayon naman ni Aduke.

"Uy wag kayo baka mamaya i-block kayo nun!" Pangloloko ko sa kanila. Nung kami pa kasi ni Bang ginawa niyang hobby ang mang-block ng mga fans especially thomara fans.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon