Una sayo ko natutunan magmahal.
Magmahal ng lubos dahil akala ko nung una hindi ito matatapos. Magmahal ng buo dahil alam kong sa kasiyahan lahat patungo. Magmahal ng walang kapantay, dahil akala ko nung una ang pagibig ko'y hindi mamamatay. At magmahal ngunit di nasuklian. Dahil nadala ako sa iyong Kasinungalingan.Pangalawa sayo ko natutunan magpakatanga.
Magpakatanga ng lubos dahil alam ko nung una na kahit ilang beses pa akong magpakatanga, dun at dun ako sasaya.
Ang magpakatanga. Nakakatangang isipin diba? Na ginapang mo ang lahat para sa kasiyahan ng iba. Na tinakbo mo lahat kahit pagod kana. Na kumapit ka pa kahit durog at sugat na sugat ka na. Na magmahal ka pa kahit nagmumukha ka ng tanga. At dahil dun, sayo ko natutunang magpakatanga.Pangatlo. Sayo ko natutunan ang masaktan.
Masaktan ng lubos. Dahil akala ko nung una kapag nagmamahal ka ng totoo hindi ka mabibigo. Ang masaktan ng minahal mo ng buo. Dahil akala ko nung una hindi tutulo. Ang masaktan.Magtatanong ako. Bakit nga ba ginulo mo ang manhid na? Bakit nga ba binigyan mo pa ng liwanag ang bulag na? Bakit binigyan mo pa ng lubid para kumapit pa? bakit binigyan mo pa ko ng dahilan para mahalin ka pa? At bakit minahal mo pa ko kung iiwan mo lang pala.
Pangapat. Sayo ko natutunang kumapit. Kumapit kahit ang lubid na ibinigay mo mapuputol na. Kumapit kahit ang mga kamay ko ay sugat sugat at nagdudugo na. Kumapit kahit ako'y ngalay na ngalay na. Kumapit dahil akala ko nung una maiaayos pa pero mali ako. Dahil ikaw mismo ang kumuha ng gunting para putulin ito.
At nandito. Nandito na ko sa panlima. Ang panlimang natutunan ko, mali. Ang alam kong matututunan ko na. Ay Ang kalimutan ka na. At gumising sa katotohanan na ang lubid na pinutol mo hindi na maibabalik pa sa kung paanong kinapitan ko noong nandito ka pa.
- Rconpash ❤❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.