NAIWAN MAG-ISA

1.4K 9 1
                                    

Habang tumutulo sa mga mata ko ang lahat ng sakit na iniwan mo.
Habang dinudurog ako ng mga salitang binitiwan mo.
Habang nalulunod ako sa imahinasyon ko na maari ka pang bumalik sa piling ko.
At habang nagdudugo ang puso kong binalik mo sa akin ng di buo, para akong mamatay, para akong mamatay dahil ako'y nawalay. Para akong babagsak, para akong babagsak dahil sa sobrang bigat. Bigat ng aking sugat na di ko alam kung kailan mag hihilom. Di ko alam kung sa pag ka dapa ko ako'y makakaahon. At di ko alam kung san ako paparoon. Kung hahayaan ko ba, o ipaglalaban pa kita.
Kaso sino ang ipaglalaban ko, paano kita ipaglalaban kung sayo na mismo nanggaling ang salitang TAPOS NA TAYO. Mahirap hayaan ang isang bagay na nakasanayan, mahirap din namang ipaglaban kung mismong siya ang lumisan.
Habang naglalakad ako sa tinik ng Kasinungalingan, habang nalulunod ako sa luha ng nakaraan, at habang nagdudugo ang puso kong nasugatan, Alam ko. Wala at wala kang pakielam at pakiramdam. Kami lang naman ang nakakaalam. AKO AT ANG PUSO KONG NASAKTAN NA BASTA BASTANG SINOLI MO NALANG.

Hindi ko alam kung bakit ganito.
Na ang pagasa ng lubid na pinutol mo kinakapitan ko pa.
Na sa mga pangako mo nagpupumilit padin akong maniwala.
Hindi na mawaglit ang lahat.
Hindi ko maikahon ang nakaraan.
Sa sobrang manhid wala nalang ang masaktan.
Hindi na mawaglit ang lahat.
Hindi ko maitapon ang litrato nating dalawa.
Sa sobrang sakit baka dugo na ang dumaloy sa aking mga mata.
Hindi na mawaglit ang lahat.
Hindi ko makalimutan ang salitang mahal kita.
Sa sobrang paniniwala, NAIWAN AKO MAGISA.

-Rconpash.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon