Frozen

126 7 7
                                    




Day 1, 2:14 AM

Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa

Dahil kasama na kita, ang nais ko lang makasama ka pa

Araw-araw mayroong spark, may holding hands pa-sway-sway pa

Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa

Halos isang minuto ng nagri-ring ang phone ni Karylle nang magising siya. Naiinis siya sa tumatawag kasi halos kakatulog pa lang niya. Ayaw pa sana niya sagutin ngunit makulit ang tumatawag at di humihinto sa pagtunog ang kanyang telepono. Dahil sobrang antok pa ay pikit matang kinapa-kapa niya ang kanyang telepono.

"Hello?" inaantok niyang tugon sa tumatawag.

"Hello Karylle!," masayang bati ng nasa kabilang linya.

"Vice?"

"Hi Kurba," masayang sagot ni Vice.

"VICE!" Tuluyan na ngang nagising ang diwa ni Karylle.

"Grabe naman. Bakit parang gulat na gulat ka? Haha."

"Kasi akala ko..."

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni K, nagtayuan ang mga balahibo sa katawan.

"Akala mo ano?"

"Ha? W-wala, wala. Never mind. Bakit ka pala napatawag?" alangan niyang tanong.

Lumingon si Karylle kung nasaan ang orasan at nagulat sa nakita.

"2AM!" mahinang sambit ni Karylle.

"Ay! May ganun? Sige, baba ko na lang 'to..." may halong tampo sa tono ng boses ni Vice.

Bigla namang nabahala si Karylle sa tinuran ng kaibigan.

"O, teka! Wait lang! Ikaw naman nagtatampo ka naman agad. Kakabati mo lang sa akin e. Baka pagbalik mo di mo na naman ako pansinin."

Totoo nga naman. Nagkaroon ng matinding tampuhan ang ViceRylle ilang linggo na ang nakakaraan at nagkabati lang isang araw bago umalis si Vice para sa kanyang European concert tour. Nung una'y nagtataka lamang ang mga manonood sa animo'y pagiging "cold" nina Karylle at Vice sa isa't isa. Ngunit nang tumagal na ang ganung eksena ay kumalat na ang mga bali-balita at mga haka-haka sa tunay na dahilan ng kanilang pag-iiwasan.

Frozen Vicerylle ang naging tawag ng mga tagahanga sa kanilang awayan. Araw-araw silang magkasama sa kanilang programang It's Showtime ngunit di naman nag-uusap o kaya'y magtinginan man lang. Bigla ay nagkaroon ng teleserye sa tanghali. Kota na ngang maituturing kung kahit isang beses ay mabanggit ni Vice ang pangalan ni Karylle. Buong show ay parang wala sa eksena si K sa mga segment na silang limang main hosts lang ang magkakasama. Ngunit naging mas pansin yun nang kinailangang mag-leave ni Vhong dahil sa nangyaring pananakit sa kanya. Sina Billy at Anne lang ang pinapansin ni Vice at kinakausap. Kung mababanggit naman niya ang pangalan ni Karylle ay di naman ito nakatingin sa dalaga. Tumagal din ang Frozen Vicerylle ng ilang linggo.

Ngunit kasabay ng pagdiriwang ng People Power Revolution ay ang pagbabati rin nina Vice at Karylle. Nag-trend pa nga sa Twitter ang #BatiNaAngVicerylle at naging panibagong theme song ang Starting Over Again. Namutawi mula sa mga labi ni Vice ang mga katagang, "Nakaka-miss ka pala," na kinakilig ng libo-libo nilang mga ViceRylle babies. Maging ang ilang staff ng kanilang programa at lalo ng ang mga tagahanga ng kanilang tambalan ay naiyak sa pagbabati ng dalawa.

"Ayaw mo naman kasi ako kausapin."

"Hindi naman sa ganun. Eto naman. Sige na, let's talk."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FrozenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon