Ito ay kwento ng aking pinsan at kanyang asawang si Aiza
Aiza POV
Buntis ako noon ng dalawang buwan, at bagong lipat lamang kami ng mga ka baranggay ko sa isang lugar na napapalibutan ng mga tubo at taniman ng eucalyptus, wala pa noong kuryente at wala rin tubig. Gumawa kami ng balon at may mga tao namang gumagawa ng poso para magamit namin dito, malayo ang pinaglipatan sa amin at kapag pumunta ka sa highway ay lalakarin mo ng mga 25-30mins at kapag pumunta naman sa hacienda na may sari sari store ay 15 mins ang lalakarin napapalibutan kami ng eucalyptus at ang tanimang ng eucalyptus ay napapalibutan ng tobo.
Pumunta noon ang asawa kung si Calvin sa hacienda para mag basketball kasama ang mga pinsan niya, kakaalis lang nila noon ng maisipan kung sumunod sa kanila. Nasakalagitnaan ako hacienda at bahay ng biglang humangin ng malakas. Huminto ako sandali at biglang kinabahan ng hindi ko mawari, binilisan ko ang paglalakad habang tinatawag ang pangalan ng asawa ko. Ilang sandali pa ay humangin muli at napatingala ako, nakita ko ang isang malaking ibon na papababa sobrang laki nito halos magkasinglaki lang kami sa sobrang kaba ko ay tumakbo na ako habang mayamaya ko namang tinitingnan ang kinaroroonan ng ibon.
Unti unti itong lumalapit sa akin at ako naman ay parang kinakapos ng hininga sa hingal at sa takot na din. Sigaw ako ng sigaw habang unti unting nandilim ang aking paningin at tuluyang nawalan ng malay.
Calvin POV
Habang naglalakad kami ng aking mga pinsan ay may narinig kaming sumisigaw ng pangalan ko, napahinto kaming magpipinsan noon at nagmamatyag. Ng muli iyong sumigaw ay kinabahan na kami dahil kilala ko ang simisigaw.
Si Aiza!!! Halos pabulong kong sabi sabay takbo pabalik nagsunuran na din sa patakbo ko ang aking mga pinsan. Nakabalik na kami sa bahay ngunit wala kaming nakitang Aiza, kinausap ko ang pinsan ko na bumalik at hanapin namin si Aiza dahil wala ito sa bahay nagsidala kami ng itak isa isa naming sinuyod ang kanal na nagsisilbing daan ng tubig sa tubuhan.
Sinuyod ko ang kanal mag isa ng may narinig akong ingay ng pakpak, huminto ako na at nagmatyag kung saan nagmumula ang ingay. Tumingala ako at may nakita akong maitim at napakalaking ibon sa di kalayuan medyo mabagal at mababa ang lipat nito.
Patakbo kung tinungo ang kinaroroonan ng malaking ibon habang sumigaw ng malakas para marinig ng aking mga pinsan. Halos hindi ko na namanlayan ang talim ng mga dahon ng baging na tumutubo sa kanal na aking dinaan. Nang makalapit ako ay magkita ko si Aiza na walang malay habang hinihila ng ibong itim na itim.
Nagkatinginan pa kami ng ibon ,napakapula ng kanyang mata patakbo kong nilapitan si Aiza, at niyakap habang ang ibon ay dumistansya lamang ngunit nagmamatyag parin sa amin. Narinig ko ang mga boses ng pinsan kung papalapit at doon lamang kumilos ang malaking ibon para lumayo. Dinala namin si Aiza sa bahay at doon na siya nagkamalay ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang aming baby. Iyak ng iyak noon si Aiza ay maging ako ay umiyak din, ng makabawi ng lakas si Aiza ay napagpasyahan naming Bumalik sa Manila at doon na manirahan.
Sabi ni Mama ay aswang daw iyong ibon at kaya nya dinala si Aiza ay para kainin ngunit inuna lamang nito ang aming babay dahil takam na takam daw ang mga asawang sa fetus.
*Vote
*Comment
*pakifollow na din po
BINABASA MO ANG
Philippines Horror Stories
HorrorIto ay mga kwento na aking narinig mula sa aking mga kakilala, kaibigan at kamag anak,, Ito ay totoong nangyari sa kanila at kayo na ang bahalang humusga sa kwento nila,.