Ito ay kwento ng aking kapatid na si CARL
Carl'S POV
Kausuhan noon ng gagamba, sa edad na 16 noon ay nakahiligan ko rin iyong gagamba kaya gabi gabi kaming naglilibot sa taniman ng tobo para manghuli ng gagamba ng aking mga barkada.
Napagkasunduan namin ng aking barkada na manguha ng gagamba ngunit isa lang ang dumating si Bong. Dahil dumilim na ay napagpasyahan naming umalis na dala ang flashlight at kulungan ng gagamba ay sinuyod namin ang taniman ng tobo. Nakadalawang gagamba na ako noon ng maisipan namin ni Bong na lumayo pumunta sa taniman ng gemilina. Halos nakarami na kami ng huli noon kaya tinatahak na namin ang daan pauwi kabisisado namin ang lugar na iyon dahil ilang beses na kaming napunta dòon kasama ang iba pa naming kaibigan.
Bong ba't ang tagal na nating naglalakad parang hindi naman nagin narating ang dulo ng taniman?! Tanong ko kay Bong.
Hindi ko alam, napipiyok niyang sagot sa akin.
Naglakad pa kami ng naglakad hindi ko na alam kung ilang oras ngunit tiyak ko na talagang matagal na kami naglalakad at higit isang oras na. Pawisan at pagod na kami ni Bong ngunit hindi pari kami nakakalabas ng taniman ng gemilina,
Bbboonngg !! Iba na to kinakabahan na talaga ako , nauutal kong reklamo kay Bong.
Huminto muna tayo,saad ni Bong sa akin na kabado na din.
Sabay kami ni Bong na nagpailaw ng flashlight ng may marinig kaming aso na umalolong sa di kalayuan.
Unti unting akong dumikit kay Bong ng makita ko ang nagbabagang mata ng may kalakihang aso., pati si bong ay nangangatog na sa sobrang takot habang nakikita namin ang mapupulang mata ng aso na papalapit sa amin pinatay namin ang flashlight habang umaatras sa damohan.
Bong takbo!!!!!! Habang hawak ko ang kanyang kamay sabay kaming tumakbo, ng medyo makalayo huminto kami saglit para magpahinga.
Carl, baliktarin mo lahat ng suot mo bilis!!! Pabulong na sabi ni Bong. Hindi na rin ako nagtanong pa kung bakit pero mabilis kung sinunod iyon, mabilis akong naghubad hindi naman ako makikita ni Bong at ganun di ako. Nang nabaliktad namin ang damit namin ay inilawan namin ng flashlight ang paligid. Nasa tobohan na kami, nakahinga kami ng maluwag ngunit narinig namin ulit ang aso. Hindi na namin tiningnan pa at sabay kami na simigaw ng TAKBO!!!!!! Kumaripas kami hanggang narating namin ang aming bahay.
Basang basa kami ng pawis na umupo sa puno ng mangga sa tapat ng bahay namin. Patapos ng pangyayaring iyon nawala ang hilig namin ni Bong sa gagamba nagbabasketball na lang kami.
Naikwento namin iyon sa iba at ang sabi ay napaglaruan lang kami at ung naakita raw sa amin ay marahil isang bagat.
FYI
Bagat
A creature from Philippine folklore. It assumes the form of a large dog and haunts lonely paths. They are usually harmless unless they are hurt. They can be seen during a full moon or after a drizzle.
BINABASA MO ANG
Philippines Horror Stories
HorrorIto ay mga kwento na aking narinig mula sa aking mga kakilala, kaibigan at kamag anak,, Ito ay totoong nangyari sa kanila at kayo na ang bahalang humusga sa kwento nila,.