Chapter 1

35 1 5
                                    

Chapter 1

Ezekiel's Point of View

"You can now prepare for today's activity." Pambungad na sabi ni Mrs. Rasol nang makapasok siya sa aming silid aralan. "Kung kailangan niyo ng time para makapag-prepare then gawin niyo na. 'Yan naman kasi talaga ang dapat, you should give time to the person you love. If you really love someone, hindi mo sila pinamamadali. At kayo 'yun class, isa kayo sa mga taong mahal ko."

Napangiti ako at alam ko rin na pati ang mga kaklase ko dahil may iba rin na humagikhik. Isa ito sa mga guro na paborito namin ng mga kaklase ko eh kasi hindi niya pine-pressure yung mga bagay bagay. Yung umagang-umaga pa lang ay mapapangiti ka dahil 'yun nga, humuhugot kaagad si Mrs. Rasol at pangalawa, pagpasok niya palang at pagkaupo sa kanyang table ay nakangiti na siya habang tinitignan kaming lahat.

"Kung ganoon ma'am, bukas nalang po pala yung activity na sinabi mo kahapon para sa ating Homeroom?" Sabat ng isa sa mga kaklase namin na alam kong medyo joker din sa klase.

"At sinong nagsabi? Wala akong sinabing ganon." Seyosong tumayo si Mrs. Rasol kaya tumahimik bigla. Pero hindi pa nakakailang segundo ay ngumiti kaagad siya. "Class, kung sino man ang nagsabi 'non, huwag niyong paniwalaan. Ako lang ang paniwalaan niyo. Kasi kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano pang ang sabihin ng tao sa'yo para lang masira ang tiwala mo, paniniwalaan mo parin yung mahal mo 'cause you have trust on him/her." Dugtong pa ni ma'am kaya humiyaw na naman yung mga kaklase ko at ang iba ay nagtawanan habang kausap nila ang mga katabi nila.

"Grabe talaga si Mrs. Rasol noh? Chill lang. Parang stress reliever din ito sa atin eh kaya mabuti nalang talaga na adviser at Homeroom teacher namin siya." Sabi ng kaibigan kong si Erl na tabi ko ngayon.

Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi.

"Moving on, even if it hurts este ang ibig kong sabihin eh kung ready na ba kayo for the activity? No need to prepare na?" Nakangiti na naman kaming tumango. "'Cause I observe, none of you go out para mag bihis for props or whatever. But I can see na pagpasok ko palang ay may nakaprops na so I guess, nagprepare na talaga kayo before I came in and I'm happy for that."

"At dahil hindi ko sinabi sa inyo kahapon yung ano itong activity natin for today, sasabihin ko na sa inyo ngayon kasi of course, ngayon yung presentation so ngayon ko rin sasabihin. Yung sinabi ko sa inyo kahapon na magready kayo ng presentation, kahit anong presentation, ay dahil yung gagawin or task inyo for today is to share your own talent in front of the class. Yes I want to see your individual talent. Kahit 'diba painting or poem making and etc yung talent ay sinabi kong may dala ng sample ng mga gawa niyo? So ayun. You have no excuse na hindi kayo ready at nahihiya kayo dahil it's time for you to stand up in front and your classmates and including me of course na pikakita ang mga iba't-ibang talento niyo."

Halos hindi ako maka galaw at imik sa sinabi ni Ma'am Rasol. Yes, I usually participate in class but when it comes to talent, nahihiya akong ipakita sa mga kaklase ko. I know God said na kung may talent ka, you should let everyone see and appreciate it. Kasi yung talent nga naman ay bigay ng Panginoon na kahit meron ka mang kapareho ng talent, you have your own ways on how to use it kasi may sarili kang paraan kung paano mo ito gagamitin at ibabahagi sa ibang tao kaya kahit may kapareho ka mang talento, may sarili ka namang 'version' kumbaga ng sarili mong talento.

So kahit medyo natatakot ako, ipapakita ko parin sa kanila ang talento ko.

"Alam niyo class, I know some of you nahihiya or hindi sanay sa mga ganito na mag-p-present ng talent, but I tell you, your own talent comes from God. Kaya dapat, you have the courage to share it. Talent is a gift that should be shared, not to be kept." Sabi pa ni ma'am kaya mas nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. "Yang talent din kasi, para rin yang pag-ibig. 'Diba yang talent is a gift from God? So noon palang na hindi ka pa isinilang, may naka-handa ng gift of talent sa'yo. Same din sa love na soon, you'll be destined with someone na si God din ang may bigay sa'yo. And going back to our topic, yung talent, nang ibigay sa'yo, ikaw din ang naka-assign na mas i-improve pa ito or maglaan ng effort para lang mapahusay pa ang mga talento. Kagaya lang din 'yan sa pag-ibig at siyempre pag-aaral din na kailangan ng effort para makuha mo ang inaasam mo. And lastly, dahil binigay ni God ang talento na meron ka ngayon, ikaw din ang naka-assign na mahalin mo ang sarili mong telento. Kumbaga love yourself este love your talent." Sabi pa ni Mrs. Rasol at ngumiti ng matapos niyang magsalita lalo sa sa huling pangungusap sa kanyang sinabi. "So now, let's start."

Not your Typical GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon