Almost Perfect

66 4 2
                                    

"Wait lang. Wait lang. Wag ka masyadong excited, Hon. Hahaha." Rinig kong sabi nya nung akmang tatanggalin ko na ang piring ko sa mata. Hinampas ko sya ng marahan sa braso.


"Hon ano ba kasi to? May nalalaman ka pang pa-blind fold blind fold ee." Sabi ko.


"Relax lang Hon. Wala naman tayo sa bangin. Hahahaha!" tawa nya pa. "Hon . . ." marahan nyang tinanggal yung blind fold. Dumilat ako ng dahan dahan dahil nanlalabo pa ang paningin ko.


Nung mamulat ko ng tuluyan ang mata ko, bigla akong namangha.


"HAPPY 3RD YEAR ANNIVERSARRY SA PINAKA-MAGANDA AT PINAKAMAMAHAL KONG BABAE!"


"Hon . . ." Ghad! Speechless ako! As in! Sobra!


"Hon? Hindi mo ba nagustuhan?" may bahid ng lungkot sa boses nya pero yinakap ko lang sya ng sobrang higpit. As in sobra.


"HON! GUSTONG-GUSTO KO! HAPPY 3RD YEAR ANNIVERSARY!" humiwalay ako sa yakap pero hindi parin kami naglalayo, sinakop ng mga palad ko ang mukha nya at hinalikan sya. Ghad! Napaka-swerte ko sa kanya!


"Hon, thank you." Bulong ko sa kanya nung maghiwalay kami sa halik ngunit nanatiling magkadikit ang mga noo namin.


"Basta para sa 'yo, Hon." Nakangiting sambit nya. I kiss him again pero smack lang. "Kain na tayo?" alok nya at hinawakan ang kamay ko.


Napa-libot ang tingin ko sa lugar. Define ROMANTIC! May mga petals ng rose sa paligid nan aka-korteng puso. May mga paru-paro rin na sobrang gaganda! Tapos sa gitna nun ay may bilog na table kung saan may lights and candles. Sobrang romantic ng lugar at duon ko napansin ang nagva-violin sa may gilid.


Umupo na kami sa magkaharapang upuan duon at may lumapit sa min na waitress at inilapag duon ang pagkain na mga favorite ko!


"Omyghad." Mahinang usal ko habang isa isang nilalapag ng waitress ang mga paborito ko. Adobo, Sinigang na hipon, Adobong paa ng manok, Calderetang Baka, at may mga desserts pa! I love these foods dahil si Lester ang kauna-unahang nagluto sa 'kin ng mga pagkaing ito.


"You like it?" he asked, amused with my expression.


"I LOVE IT!" I beamed. Ngumiti sya at nag-simula na kaming kumain.


3 YEARS, pero feeling ko kahapon ko palang sya sinagot. Ang tagal na naming mag-on pero never nabawasan ang pagmamahal namin sa isa't isa. Besides, feeling ko mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya sa bawat araw na kasama ko sya.


Lester is a guy na maraming ka-sweetan na laging baon kaya hindi ka magsasawang makasama sya. He's so gentleman and the word 'perfect' describes him! Yeah, I'm so lucky to have him as my boyfriend!


"Hon, kamusta ang studies mo?" he suddenly asked. Nginuya ko muna yung baka sa bibig ko at saka sya sinagot.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon