"Aaaahhhh!!!! Omg ang pogi talaga!!!"
"Shuxx! Puso ko!!! Jusko ang ho-hot!! I cannot!!!"
"OH MY GOD ang pogi talaga nila shet!"
Ano ba tong girlfriend ko na to? Kung makatili sa mga baklang sumasayaw na to akala mo eh sila yung boyfriend nya eh. Pinapunta ko rito para mag movie marathon daw, hindi ko naman alam na manonood kami ng puro kabaklaan. Tss!
"Omg ang pogi talaga ni Vernon oh! Grabe babe, tignan mo oh! Ang galing galing pa sumayaw!"
"Hindi naman magaling sumayaw puro pacute lang. Tss. Bading." Bulong ko.
"Ha? Ano yun Babe? May sinasabi ka ba?" Sabi saakin nang girlfriend ko habang tutok na tutok sya sa tv monitor.
"Wala babe. Matagal pa ba yan? Akala ko ba manonood tayo?"
"Sandali nalang to babe, countdown kasi to eh. Wait lang!" Sabay sandal nya sa balikat ko. Hay, ano ba yan. Konting lambing lang eh bumibigay na agad ako. Wala eh Mahal ko eh.
Napilitan tuloy akong manood ng mga baklang sumasayaw. Tss. Oo na pogi talaga sila at magaling sumayaw pero kayang kaya ko naman yan! Aba. Dancer nga ako sa school eh. Kaya nga ako nagustuhan ng girlfriend ko dahil sa galing ko sumayaw eh. Maya-maya ay bigla syang umalis sa pagkakasandal sa balikat ko at bigla nalang syang nagtititili ulit. Ang sakit sa tenga, ang wala!
"Oh my god! Ayan na si Mingyu My Loves gosh ang hot talaga! Grabe nakakatunaw tumingin oh! Oh my god, oh my god!" Tapos sumabay pa sya sa pagkanta na di ko naman maintindihan yung lyrics.
Wait, parang hindi naman to yung binanggit nya kanina ah? Ano daw? Sino daw to? Minion?
"Sino yan?"
"Si Mingyu My Loves!"
Nalintikan na! Ako ni minsan hindi naman ako tinawag na Kian My Loves tapos dyan sa Minion na yan meron pang "My Loves"?!
"Ha? Minion? Akala ko ba yung Vernon yung gusto mo?"
Tanong ko sakanya. Buti naalala ko pa yung pangalan nung una nyang binanggit. Yung iba nya kasing binabanggit na pangalan hindi ko maintindihan. Ang labo eh. Yung isa Ekups daw, tas yung isa naman Jonga ata. Ah, ewan!
"Ha? Sino ba? Si S. Coups, si Jung Han o Si Vernon?" Tanong nya sakin.
"Ano? Sino naman yung mga yun?"
"Member din ng Seventeen. Kasama nila Mingyu My Loves."
Seventeen daw, eh nung binilang ko Thirteen lang naman sila. Ang labo naman ng mga baklang to! Tapos baliw na baliw pa rito yung girlfriend ko? What the?!
"Lahat sila gusto mo?"
"Oo lahat sila gusto ko pero si Mingyu lang talaga yung mahal ko sa kanila." Nakangiti nya pang sabi at di pa rin inaalis ang tingin sa TV monitor.
"Sino naman yung Minion na yan?"
"Babe, Mingyu hindi Minion. Ayan sya oh! Aahhh!!! Oh my gosh! Ampogi talaga! Ang angas tignan tapos ang tangkad pa!!! Ugh!!! Grabe!"
Sabi nya sakin habang focus na focus dun sa matangkad na lalaki sa screen. Pogi nga sya pero mas pogi naman ako sa Minion na yan!
"Ah, so sya yung mahal mo?"
"OO!!" Mabilis nyang sagot.
"Ah ganon?"
"Oo nga! Babe ang kulit mo naman eh, hindi pa sila tapos wait lang may sayaw pa silang isa."
BINABASA MO ANG
Me, My Girlfriend, and the Minion (Seventeen One Shot Story!)
FanfictionSEVENTEEN FAN FICTION! Dahil kagabi, nalaman ko na pupunta pala dito yung SEVENTEEN on August kaya ayan! Nakagawa ako ng One Shot because of my feels. LOL