Baby Don't Cry

75 19 6
                                    

All rights reserved.This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are use fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright © 2016 By: wynteur

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

/Kyra/

"Uhm Miss... Can I have this one?"

Turo ko sa isang black forest cake. Ngumiti naman ang babae sakin at nilagay na sa box ang cake.

"Come again Ma'am." nakangiting wika nito.

Lumabas na ako ng bakeshop at naglakad papuntang bahay nila Shin. Today is our First year anniversary.

I'm sure matutuwa ako sa reaksyon niya kapag nakita niyang dala ko ang cake na paborito niya.

Excited na ako.

Tanaw ko na ang bahay nila Shin, malapit lamang ito sa Bakeshop na binilhan ko kani-kanina lang. Nagtaka naman ako kung bakit maraming kotse na nakapark sa labas ng gate.

Hala! Baka nandyan na sila Tita pati yung kapatid niya. Ayaw kasi ng ate niya sa akin kasi raw I'm not rich raw like them at scholar lang raw ako.

Di man ako kasing yaman nila pero matalino naman ako noh! Kaya di ko nalang iniintindi yung sinasabi ng ate niya.

Makapasok na nga lang. Pumasok na ako sa gate nilang parang ginto at sobrang laki. Kaya ginto kasi ganun ang kulay nito.

Bumungad sakin si Manong Guard na matagal na ring nagbabantay dito.

"Hi Kuya Efren, nandyan po ba si Shin?"
masayang tanong ko sa kanya, excited na kasi talaga ako.

Ang kaso lang hindi ata mapinta ang muka ni Kuya Efren, kahit magaling akong magdrawing di ko rin ata kaya idrawing muka niya eh.

"Ah K-kyra...Bat ka nandito?" Parang constipated niyang sabi, baka may nakain na panis na? O baka naman naiihi na. Ikaw ba naman maghapong nakatayo nagbabantay lang ng gate.

"Luh si Kuya. Nakalimutan mo na bang anniversary namin ni Shin? Kaya I'm gonna pasok na. Byeee."

Nagtaka naman ako,dati hindi naman na siya nagtatanong kung bakit ako napunta dito. Hayy,bayae nalang.

Nasa tapat na ako ng pinto nila nang may marinig akong mga boses.

Mukang madami ata sila? baka sila jared lang, mga tropa ni Shin.

Hinawakan ko na ang handle ng pintuan at binuksan ito. Nakapikit pa ako kasi parang ako pa ata ang kinakabahan.

Napadilat ang mata ko ng tumahimik ang paligid. Bumungad sa akin ang eleven niyang kaibigan. Oo eleven talaga. Eleven na nag ggwapuhan at mga talented. Pero kay Shin lang ako. Forever!

May forever noh! wag kang bitter. Haha.

"Hi Jared, Matt, Ralph, Renzo, Ken, Micko, Sam, Keith, Armel, Aelo, Jason!"

Masaya kong bati sa kanila. Kaso sobrang seryoso naman ng mga muka nila kaya nawala ang mga ngiti sa labi ko.

"Bat ganyan mga muka niyo? para kayong mga constipated! Hayy.bat parang ang weird ng mga tao ngayon."

Umiling nalang ako habang natatawa. Nagtungo ako sa maliit na table sa gitna ng sofa. Ano nga tawag dun? Nakalimutan ko na eh, nahahawa na ata ako kay Aelo.

Nagiging makakalimutin narin ako.

Ah naalala ko na! coffee table. Basta ganun.

Tanging mga yabag ng paa ko lang ang maririnig habang papalapit ako sa lamesa, ramdam ko naman ang mga titig nila.

Baby Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon