CHAPTER 3: THE TROUBLEMAKER

17 0 0
                                    

ROCKIESHA'S POV

Halaaa! Ano nang gagawin ko! Nalate ako sa unang pasok ko! Wag naman sanang akong mapagalitan..

Nasa harap na ako ng pintuan ng room ko. Grabe! Lahat ng tao sa room napatigil sa ginagawa nila at nakatingin sa akin. Pati si Ma'am Kristine nakatingin sakin!

"Miss Dela Fuente! Bakit late ka sa first day of school!?" Tanong ni Ma'am Kristine sakin.

"Sorry Ma'am, nagka-emergency lang po..." emergency kasi para sakin ang makipagkwentuhan.

"Promise po hindi na mauulit!" Dugtong ko at may kasama pang promise sa harap ni Ma'am.

"Dapat lang miss Dela Fuente, but for now... I need you to go at the Detention Room, at may pag-uusapan tayo"

"Yaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!"

"Lagooooooooot!" Sigaw ng mga classmate ko... Naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko at kung bakit ayaw kong malate eh! Mapapadetention pa!

"Class! Quiet! Pupunta lang kami nitong ni miss Dela Fuente sa Detention room... tapusin nyo yang pinapagawa ko." Pagsaway ni ma'am sa mga classmates ko.

"Ah-..ahmm-.. sige po ma'am" Sabay na kaming pumunta ni ma'am sa Detention room...  ano kaya mangyayari? Siguro mamumura ako, o pagsasabihan lang.. Naku Lord!!! Kayo na po bahala sakin.

Nasa detention room na kami... pinaupo ako ni ma'am, tapos nagsimula na syang magsalita..

"Ahmm. Miss Dela Fuente, you are aware naman diba na this school is a school of chaos... napakagulo! Lahat ng naaasign na Discipline Leader ay nagtatransfer sa ibang school dahil hindi nila kinekeri ang kaguluhan dito sa school..." Pagpapaliwanag ni Ma'am, hay buti naman hindi ako namura...

"So, bakit nyo po ako pinapunta dito Ma'am?" Tanong ko kay ma'am kasi naguguluhan ako eh..

"I wan't you to be the next Discipline Leader of our school" Pasurprise na sabi ni Ma'am.

"Yun lang pala Ma'am eh............. ANO?! HA!!! AKO MAAM???!!! DISCIPLINE LEADER!!!??" Akala ko naman kung ano tapos gagawin na pala akong Discipline Leader... Eh mas hindi ko makekeri to eh!

"Oh! Calm down miss Dela Fuente... alam ko namang makakaya mo eh. At alam ko that you're not gonna let me down! Diba, miss Dela Fuente?" Haaay. Hmmmmmp.

"Opo Ma'am. I won't let you down." Paamo kong sabi kay ma'am... hmmmp. Pano na yan? Para namang hindi ko ito makekeri eh...

"Good. Kilala mo din naman siguro si Ethan Mendoza diba?" Tanong ulit sakin ni Ma'am.

"Opo ma'am. Why?"

"Well, sya ang pinakabasagulero dito sa school, sa sobrang palaaway nya. Binansagan na syang 'THE TROUBLEMAKER' ng mga estudyante dito sa SanBeda. So, I am expecting you to stop him sa mga kagalgalang ginagawa nya."

"Of course Ma'am. Kakayanin ko po." Medyo nakangiti ako pero deep inside kumakabog na yung dibdib ko, paano na lang kung ipapatay ako nun.

May tumawag kay ma'am Kristine, tapos nagpaalam sya na pinapatawag lang daw sya sa principal's office. Hmmp. So, nagisip-isip muna ako kung paano ko mapipigilan yung 'troublemaker' na tinatawag nila. Eh paano ko nga ba mapipigilan? Eh kung yung iba ngang naging discipline leader ay hindi kinere ang katarantaduhan nun... Ako pa kaya?

Tapos may biglang pumasok sa detention room, yung isa teacher tapos yung isa naman parang may black eye... ay teka! Parang si Ethan to ha...... AY TAKTE! Si Ethan nga... NAKU! Nakipagbasag-ulo na naman ito...

"Where's ma'am Kristine?" Tanong sakin nung teacher.

"Ahh. Pinatawag lang po sa principal's office...bakit po ba?"

"As usual, nakipagbasag-ulo na naman itong si Mr.Mendoza"

"Ahhm. Babalik na din naman po si Ma'am Kristine maya-maya"

"Ahh. Sige. Dyan na lang muna si Mr.Mendoza. Hintayin n'yo si Ma'am Kristine."

Ganun na nga.. kasama ko na itong si Mr.Ethan Mendoza sa isang kwarto... ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan... at infairness!! Ang ganda ng kilay at mata nya... tapos sobrang pula ng labi nya, yun bang kissable lips... tapos sobrang pogi nya!!!!!!!!

"Huy!? Ano ba Rockiesha! Wake up! Hindi ka napofall sa kanya. Pare pareho lang silang lahat. Okay!? At saka tandaan mo! Sya yung gagong bumangga sayo kanina!" Sabi ko sa isip ko... ngayon ko lang ulit naalala na ito nga pala yung gagong bumangga sakin kanina tapos hindi man lang ako tinulungan.

"Diba ikaw yung bumangga sakin kaninang umaga?" Tanong ko sa kanya, tapos ang gago! Hindi man lang sumagot!

Dumating na si Ma'am Kristine...

"Ooh! Nandyan ka pala Mr.Mendoza, detention na naman? Hmmp." Sabi ni Ma'am Kristine..

"By the way, this is Ms.Dela Fuente, our new discipline leader..."

"Hi." Nakangiti pa akong makikipagkamay sa kanya pero ang gago talagang ito, parang nandidiri sakin. Hindi man lang nakipagkamayan sakin.

"And this boy, Ms.Dela Fuente is Mr.Ethan Mendoza, he's an engineering student here in the school."

"Ha? Ano po?... ito po? Engineering student?" Taka kong tanong kay ma'am. Paano ba naman ako hindi magtataka eh itong gagong basagulerong lalake na ito ay isa pala engineering student!

"Yes Ms.Dela Fuente... Ethan is one of the outstanding student her in SanBeda... May konti nga lang problema... kasi alam mo na." Sabi sakin ni Ma'am. Ahhh, outstanding pala... sorna, napahiya ako dun.

"In fact, I want you to help him to study for this upcoming math contest..."

"WHAT?!" Sabay naming tanong ni Ethan. Aba! Ang gagong basagulerong ito, nagsasalita din pala.

"Yes. Is there any problem ms.Dela Fuente? Malay mo makatulong pa sayo yun para mapabago mo itong si mr.Mendoza bilang ating bagong discipline leader, right?" Haaay. Dumali na naman si ma'am sa mga ganung style nya... pero may point din si ma'am, baka nga makatulong to sakin...

"Sige po ma'am. Pumapayag na po ako." Sabi ko kay ma'am. Tapos nakasimangot naman itong si Ethan...

"Good. So I think I made my self clear here... so thank you ms.Dela Fuente. You may go out."

Juskooooo. Gabayan nyo po ako Lord sa pinasok kong ito.

(Hi guys! Pasensya na kayo kasi late ako mag-update ha! Next Wednesday ako mag-aupdate! Follow me para hindi kana mahuli sa love story nina Rockiesha at ni Ethan!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Troublemaker's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon