Chapter 21 -- Lost Star

5.7K 84 2
                                    


Pagmulat ng mga mata ni Carlyn, minasdan niya ang kanyang paligid, hindi siya pamilyar kung nasaang kwarto siya. Pilit din niyang inalala ang mga sandali bago siya nawalan ng malay dahil sa paglagok niya ng sunod-sunod na gamot. Nakita niyang nakasukob sa kama at natutulog sa tabi si Ervic. Hawak nito ang kamay niya.


Nagising rin si Ervic nang maramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Carlyn na hawak niya. "Carlyn? Buti na lang at nagising kana."


"Bakit mo pa'ko dinala dito? Hinayaan mo na lang sana akong mamatay."


"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi mo ba naiisip ang pwedeng mangyari sa ginawa mo? Pa'no si Nicko? Alam mo bang iyak siya ng iyak kaninang nakita ka niyang walang malay?"


Nag iwas ng tingin si Carlyn, tumingin siya sa kabilang side ng kama para hindi makita ni Ervic na nangilid na ang mga luha sa mga mata niya.


"Please lang, huwag mo na ulit gagawin 'yon."

"Ayaw mo ba no'n? Malaya na kayo ni Natalie kapag namatay na'ko? Kaso nga lang ang konsensya mo naman ang papatay sa'yo."


"Nababaliw kana ba talaga? Kahit huwag na para sa sarili mo, para na lang kay Nicko."


Tinignan na ulit ni Carlyn ang asawa. "Tama ka, nababaliw na nga siguro ako. Desperada na'ko Ervic, hindi ko na alam pa ang mga gagawin ko para lang huwag ka ng makipagkita sa babaeng 'yon. Masisisi mo ba ako? Ha?" Tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.


Napayuko si Ervic. Alam niyang kasalanan niya lahat ang mga nangyayari. Na gi-guilty siya at nakokonsensya. Hindi naman magkaka ganito ang asawa kundi dahil sa kanya. Hindi magugulo ang buhay nila kundi dahil sa kanya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng mga gulong nangyayari. Ngayon, pa'no niya pa itatama at aayusin ang lahat sa buhay niya?


Isa lang naman talaga ang solusyon sa lahat, 'yun ay ang makipag hiwalay siya kay Natalie. Pero alam naman niyang hindi gano'n kadali 'yon. Hindi basta-basta makikipag hiwalay sa kanya si Natalie. Dahil nangako itong ipaglalaban siya hanggang sa kamatayan. Gulong-gulo na ang utak at puso ni Ervic.


"Ginagawa ko naman lahat para sa'yo. Pero hindi mo makita 'yon. Ano bang kailangan kong gawin para mapantayan ko si Natalie? Ano?" Patuloy lang sa pag iyak si Carlyn. "Tao lang din ako, Ervic, napapagod din."


Hinawakan ni Ervic ang kamay ng asawa at niyakap na lang bigla. "Patawarin mo'ko, Carlyn. Patawarin mo'ko."


Gustong itaboy ni Carlyn ang asawa sa pagkakayakap sa kanya, pero hindi niya magawa. Dahil ang yakap na "yon ang tila nagbibigay lalo sa kanya ng lakas, kahit na ang yakap ding 'yon ang sumira sa lahat.



Sa mga oras na 'yon, ramdam ni Carlyn na secure siya sa mga bisig ng asawa. Tila ayaw na niyang isipin pa na may Natalie sa buhay nila para huwag na siyang masaktan pa lalo.


Naisipan na mag overdose ni Carlyn para huwag matuloy ang pakikipagkita ng asawa kay Natalie. At para makonsensya ito sa mga nangyari. Mag-isa lang siyang umiiyak sa kwarto nun hanggang sa sunod-sunod na niyang inumin ang mga gamot sa bote. Ni hindi niya namlayang nakapasok na pala sa loob ng kwarto ang anak, by that time nawalan na siya ng malay at hindi na niya alam na iyak na iyak na pala ang anak dahil akala nito kung ano na ang nangyari sa kanyang Mama.


Kanina pa naghihintay sa restaurant si Natalie. Kanina niya pa tinatawagan si Ervic pero hindi nito sinasagot. Kaya galit na galit na siya. I'm sure, may kinalaman ang bruhang Carlyn na 'yon kaya hanggang ngayon ay wala pa rin si Ervic. Napapahigpit na ang hawak niya sa kanyang cellphone. Kung malambot lang ang phone niya ay malamang kanina pa ito nasira.


The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon